Maaga akong nagising para makapagluto ng pagkain. Tinanong ko kina Kurt at Keicy ang mga paboritong pagkain ni Kaloy at mabuti na lang ay sapat ang nabili kong grocery kahapon. Sana matapos ko ito bago magtanghalian dahil sa tanghali ko na papapuntahin si Kaloy.
Pumasok na si Alistair ngayon kaya ako na lang ang naiwan. Kaya ko naman kaya hindi ko na pinatulong si Alistair. Nagbilin na lang ako na sila muna ang bahala kay Kaloy sa restau.
"I hope he'll love this," bulong ko habang naghihiwa ng mga gagamiting sangkap. May pitong oras pa ako para ihanda ito.
Habang naghihintay na maluto ang mga ulam, binuksan ko ang cellphone ko at nakita kaagad ang mga chat ni Kaloy kaya binuksan ko 'yon at nakitang kahapon pa niya ako mine-message.
boyfie: Hindi ka pumasok? Okay ka lang?
boyfie: Punta ako d'yan, dalawin kita.
boyfie: Mahal, ayaw mo akong pagbuksan ng pinto? Okay ka lang? May sakit ka ba?
boyfie: Papasok na muna ako, babalik ako mamaya.
boyfie: Mahal? Tulog ka ba? Reply ka kapag gising ka, ha? Nag-aalala ako.
boyfie: I love you po!
Marami pang mensahe ang pinadala niya at kating-kati akong sagutin lahat 'yon. Binasa ko ang mensahe niya kaninang umaga.
boyfie: Hindi ka ulit papasok? Miss na kita :(
boyfie: Sana okay ka lang, mahal ko. Nag-aalala ako sa 'yo.
I was about to reply when I smelled something. Napabalikwas ako ng tayo at tumungo sa kusina. Nakita kong umuusok na ang piniprito ko kaya tumakbo ako doon.
"Hala, muntik nang masunog!" sambit ko at agad kumilos para baligtarin ang niluluto ko. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at hinanda na ang mga bagong luto. Pinagpagan ko ang kamay ko nang mailapag sa malaking mesa ang mga pagkain.
I looked back at the clock and saw the time. 12:45 PM na. Any minute, Alistair will text me so, I need to get ready. Tinakpan ko muna ang mga pagkain para hindi langawin at madumihan saka ako dumiretso sa kwarto para makaligo at makapag-ayos.
I wore a white dress for today. Mabilis lang akong naligo at nag-ayos. Hindi na ako masyadong nag-make up. Inayos ko lang ang buhok ko at naglagay ng powder at nag-spray ng pabango.
Nang matapos ay tumingin ako sa salamin at napangiti. I need to look pretty for Kaloy.
"Bagay pala sa akin ang tanned skin," bulong ko nang mapansin ang pagbabago ng kulay ko. Napangiti na lang ako at hinawi ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto.
Nang marinig ang pagtunog ng phone ko ay napatakbo ako doon at agad kinuha 'yon. Alistair chatted that Kaloy just went out of the restaurant. Sakto ring may bagong mensahe si Kaloy.
boyfie: Pupunta ako d'yan, mahal ko. Sana pagbuksan mo na ako ng pinto T^T
I reacted a heart on his message at the same time, someone knocked at the door. Napatayo ako kaagad at inayos ang sarili ko. Naglakad ako patungo doon at nang buksan ko ang pinto, bumungad sa akin si Kaloy na hinihingal pa.
"Kaloy..." I breathelessly said. Bumaba ang tingin niya sa suot ko at nakita kong bahagyang nanlaki ang mata niya.
"Mahal? Aalis ka?" tanong niya. Bakas sa mukha ang pag-aalala at takot. I didn't answer him and just turned my back. Alam kong susunod siya at kapag sumunod siya, makikita niya ang surpresa ko.

BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomanceSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...