19.

135 5 0
                                        

Nah, he's just playing around.

Kaloy opened his eyes and smiled at me. The blush on his face is still visible but, the emotions in his eyes, it's melting me. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatakan ng halik 'yon.

"Madam, gumaganda ka sa bawat lapat ng tingin ko sa 'yo. Nakakahiya man pero, gustong-gusto kita. Wala akong pakialam kung sabihin ng ibang hindi ako nararapat para sa 'yo. Sabihin man ng iba na hindi tayo bagay, hindi ako susuko. Ipaparamdam ko sa 'yo na ikaw ang gusto ko, Vanessa."

My name sounds so lovely from his mouth. The emotions I feel is so heartwarming. The only proof that Kaloy is the one who could make me feel this way.

Unti-unti ay mas nagiging malinaw sa akin kung ano ba ang nararamdaman ko para sa kaniya. Gusto kong mas pag-isipan pa at mas patunayan sa sarili ko na pareho kami ng nararamdaman kaya wala pa akong sagot na ibinibigay sa kaniya. Wala pa akong malinaw na sagot.

Gusto ko lang siguraduhin nang buo na si Kaloy ang gusto ko. Gusto kong kapag sinabi ko sa kaniya ang mga katagang hinihintay niya, sigurado ako.

"Madam, maghihintay ako. Kahit gaano katagal, handa akong maghintay," sabi niya at masuyong pinatakan ng halik ang kamay ko.

It was one of the best moment in my life.

Weekdays came and that only means, back to work. Sinundo ako ni Kaloy sa bahay at sabay kaming pumasok sa trabaho. Nag-asikaso kaagad ako ng mga customers doon. Kaloy just kissed me on my forehead before he startrd working. Agad namang nag-init ang pisngi ko at lumingon pa sa paligid.

Buti walang nakakita.

I work like the usual. Serving the customers and dealing with their needs. I know, it's draining because I get to encounter different types of people but, it's fine. As long as I can help to attend the customer's needs.

Marami ang tao sa restaurant nang umagang 'yon kaya talaga namang abala kaming lahat. Maging kami ni Kaloy ay hindi na nag-uusap dahil sa dami ng customer.

Pinunasan ko ang pawis sa noo ko bago ako lumipat sa isa pang customer at kinuha ang order nito. Nang matapos ay dumiretso ako sa may counter at inasikaso ang order.

Sumandal muna ako panandalian sa counter habang naghihintay ng dadalhing order nang may maglapag ng bote ng malamig na tubig at saka panyo sa harapan ko. Nang tingnan ko ay nakita kong si Alistair ang nasa harap ko.

"Hi," bati niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. "Pinapaabot ni Kaloy," sabi niya saka tinuro ang inilapag niyang bote ng tubig at panyo.

"Galing sa kaniya?" pag-uulit ko. Alistair smiled at me and slightly pokes my waist.

"Kayo na ba ni Kaloy?" nanunuksong tanong niya. Hindi napigilan ang ngiti ko. Aaminin ko na, kinikilig ako. Oo na.

"Hindi pa," mahinang sabi ko at kinuha ang bote bago ako uminom. I offer her the bottle but, she just shook her head.

"Madaming nagpapa-cute kay Kaloy na mga customer. Mas madalas ang mga estudyante," sabi ni Alistair. "Pero, ni isa ay wala pa akong nakitang babae na inaasikaso ni Kaloy maliban sa 'yo at sa kapatid niya. Ikaw pa lang ang nakita kong nilalambing niyan," sabi niya kaya napanguso ako at hinanap si Kaloy.

"T-talaga? Wala siyang... wala siyang nagustuhan ni minsan?" namumula ang pisnging tanong ko.

Alistair chuckled. "Wala talaga. Mabait 'yan si Kaloy sa lahat ng tao pero, kapag mahal niya, mas pagtutuunan niya ng pansin tapos, aasikasuhin niya talaga," sabi ni Alistair at lumingon sa akin. "Madalas bang si Kaloy ang nag-aasikaso sa 'yo?"

My mind went back to all the things Kaloy did for me. Maraming beses na siya ang nag-asikaso sa akin. 'Yong pamamasyal namin nung nakaraan kung saan naghanda siya ng backpack para sa mga gamit na kailanganin in case of emergency.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon