15.

132 6 0
                                        

It's another day of work, Kaloy fetched me again earlier. Kaloy's blushing cheeks was visible so, as mine. I actually don't know how to act in front of him. I should just stay normal, right?

Marami naman ang nagsasabing gusto nila ako kahit noon pa. It's either from fans or male co-models but, I don't take it seriously. Naisip ko na baka hanga lang sila sa akin. Some of my male co-models tried to court me but, I'm more focused at work that time.

Ngayon, sinabi ni Kaloy na gusto niya ako. Pinayagan ko siyang manligaw through chat pero, mas magandang personal ko ring sabihin sa kaniya ang pagpayag ko. I'm starting to like him somewhere in my heart. Hindi ko pa lang siya napapagtanto nang buo.

"Madam?"

"Hm?" I asked him. Dala niya ang backpack na lagi kong dinadala kapag papasok ako ngayon. He insisted to bring it so, I let him.

"'Yong pamamasyal pala, hindi mo pa nagagawa. Kailan mo balak mamasyal?" tanong niya habang naghihintay kami ng tricycle.

Right, I haven't tour around Sto. Tomas yet. Nawala na rin sa isip ko dahil sa trabaho.

"Wala akong pasok tuwing Sabado at Linggo, madam. Siguradong gano'n ka rin sa resto, gusto mo bang sa darating na weekends ka mamasyal?" tanong niya sa akin.

Humarap naman ako sa kaniya. "Sasamahan mo ako, 'di ba?" tanong ko naman sa kaniya.

He looks slightly shock. "Magpapasama ka sa akin?"

"Bakit hindi?"

May humintong tricycle sa tapat namin kaya nauna na akong sumakay. Nang makaupo ay nilingon ko siya. His eyes met mine before he went inside and sat beside me. Sinabi niya sa driver ang destinasyon namin bago niya ako hinarap.

"Akala ko hindi ka magpapasama sa akin," sabi niya at bahagyang natawa.

"Bakit mo naman naisip 'yan?"

Sumandal siya at humarap sa akin. "Akala ko kasi, kailangan mo ng space muna. Baka kasi masiyado kitang binigla sa pag-amin ko, madame. Baka nabigla ka lang kagabi kaya pinayagan mo akong manligaw ," marahang sabi niya.

Karion Lorez Yusque is really a precious man. A walking green flag for me. He's not pressuring me to answer his confession right away. He's not forcing himself to me and most especially, he's very thoughtful of me. He always cares for me, always wants to make sure that I went home safe. Ni-request pa niya na paikliin amg shift ko para hindi raw ako mapagod. Green flag indeed.

"It's fine, Kaloy. Mas okay sa akin na may kasama. Hindi ko kabisado ang lugar, 'di ba?" sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Kaya ikaw ang tour guide ko sa araw na 'yon!"

Kaloy smiled at me and slightly bit his lips. "Tama, madam. Kailangan talagang samahan kita kasi delikado kapag ikaw lang mag-isa. Baka kung mapano ka pa," aniya at tumango-tango. "Ako nag tour guide ng madam ko sa araw na 'yon!" aniya at inangat ang palad niya. I giggled and did a high five with him.

Nang makarating sa resto, tinawag ko siya nang maalala ang sinabi ko kagabi. He smiled at me.

"Kailan tayo mag-uusap?" tanong niya sa akin. Ang malambing na mga mata ay nakatuon sa akin kaya hindi maalis ang saya sa puso ko.

"Usap tayo ngayon?" he didn't hesistate to nod. Iginiya niya ako sa sulok kung saan kami p'wedeng mag-usap. Wala pang masiyadong tao dahil maaga pa kaya wala kaming problema.

He made me sit on one of the chairs and he sat across me. Ipinagsalikop niya ang kamay at tumingin sa akin, nag-aabang ng sasabihin ko.

I took a deep breath. "You confessed..." panimula ko. "Nagulat ako roon, oo pero, masaya akong malaman na gusto mo ako," sabi ko sa kaniya. Nanatili siyang tahimik at nakikinig. "Maikling panahon pa lang mula nang magtungo ako rito. Maikling panahon pa lang mula nang makilala kita pero, isa ka na sa mga importanteng tao sa buhay ko, Kaloy," his eyes brightened.

"I was desperate for comfort and peace and you managed to give me those. You bring peace in me, Kaloy. Tungkol doon sa sagot ko kagabi, gusto kong malaman mo na hindi ako napilitan o nadala lang ng kilig. Hindi ka pa man nagtatanong pero, p—"

"Oh, shoot," he suddenly said. Napahawak siya sa kamay ko at napatitig sa mga mata ko. "Sorry kung hindi ako nakapagtanong. Hindi ko rin inaasahan na may sagot  ka na kaagad, madam pero ngayon, gusto kong gawin ng tama ito," sabi niya bago siya huminga nang malalim.

"P'wede ba kitang ligawan, Vanessa?"

My heart pounded in joy. Kumawala ang ngiti sa labi ko at humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Nagkatitigan kami hanggang sa magsalita ako.

"Oo, pumayag na ako kagabi pa pero, gusto kong personal na masabi sa 'yo," sabi ko. Both Kaloy and I smiled at each other, endulging the moment where two hearts started to bound together.

Kaloy and I are treating each other normally. Parang dati lang kaya sa gano'ng paraan ay hindi ako nakakaramdam ng pagkailang sa kaniya kahit umamin siya sa nararamdaman niya.

"Vanessa?" I turned around and saw Luke behind me. Nakasuot siya ng polo at pants. May dala siyang bag pero, bumaba ang tingin ko nang may iabot siya sa akin.

"That's your new schedule. Same as Kaloy, 7am-4pm, ayos lang ba?"

I nodded and keep the schedule on my pocket. "Ayos na ayos, Luke. Salamat!"

"Okay, I gotta go," aniya at lumagpas sa akin pero, agad ding huminto. "Anyway, can I ask a favor?"

"Hm? Ano 'yon?"

He stared at somewhere and when I follow his trail of gaze, I saw Alistair wiping an empty table.

"Can you accompany Alistair? Alam kong magkaibigan na kayong dalawa at masaya ako doon kaya makakaasa ba ako sa 'yo na masasamahan mo si Alistair habang nagtatrabaho siya dito?"

I watch Luke's expression. He has soft eyes while staring at Alistair. I could see how concern he is towards Alistair. I'm glad.

"Makakaasa ka," sabi ko.

Luke turned to me. "Walang masyadong kinakausap si Alistair kapag nagtatrabaho siya dito. Ako lang ang nakakausap niya pero, madalas akong wala dahil tumutulong ako kay papa. Ikaw lang ang nakita kong kinausap niya kaya alam kong komportable siya sa 'yo."

"I'm comfortable with her too," sabi ko. Luke smiled and nodded. He glances at Alistair one more time before he went out of the restaurant.

Luke is really concern with Alistair. I could see it. He looks like he's ready to protect her everytime.

Kaloy went home with me. He talked to me while we are on our way home, saying how thankful he is for giving him a chance. Nakikinig ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Hindi niya alam kung gaano rin ako nagpapasalamat sa kalangitan dahil nakilala ko siya. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang pasasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon