13.

130 5 0
                                        

"Here's your order, Ma'am and Sir," sabi ko at inilapag ang pagkain na nasa tray na hawak ko. "Enjoy your meal!" I added before turning back. Nahagip ng mata ko si Alistair na nakangiti at nakikipag-usap sa mga customer.

Her bruises flashed in my mind. I don't really know Alistair but, I consider her as my friend. A workmate and also, a friend. Nakakagaan sa loob ang makausap siya. She's so pure and gorgeous. Kahit bare-faced, napakaganda niya. Alistair looks like a really kind person and she really is but, I don't understand why does she have those bruises?

May nanakit ba sa kaniya? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. I feel back and bothered knowing that someone is possibly hurting her.

"Vanessa? Ayos ka lang?" Napakurap ako at napansin na kaharap ko na pala si Alistair. Nakakunot ang noo niya at halata ang pag-aalala. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?" tanong niya at hinawakan ang braso ko. Namalayan ko na lang na naglalakad na kami papunta sa kusina.

Wala naman nang pending orders kaya inilapag ko muna ang tray na hawak ko. Alistair stays with me in the kitchen. She faced me the moment she puts her tray on the table.

"May problema ka?" tanong niya sa akin.

I stared at her. My heart melted seeing the genuine concern in her eyes. To ease her worry, I smiled at her. Wala naman kasi akong problema, nag-aalala lang ako sa kaniya.

"Wala, Alistair. Wala akong problema," sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Ikaw ba? Ayos ka lang?"

Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagpawi ng ngiti sa labi niya. Her eyes lose its sparks but when she noticed me watching her, she immediately puts back her cheerful facade.

"Ayos na ayos! Tara na, balik na tayo sa trabaho," sabi niya at lumabas ng kusina. I took a deep breath and decided to get my tray back but, a squeal left my mouth when I saw Kaloy behind me. Nakasandal siya sa mesang pinagpatungan namin ng tray kanina at nakahalukipkip.

"Nakakagulat ka!" sabi ko sa kaniya. Kaloy chuckled and scratched his nape.

"Sorry. Kanina pa kita gustong kausapin eh pero, kausap mo kasi si Ali," aniya at biglang ngumisi sa akin. "Uy, si madam! May bagong friend na!" kantyaw niya sa akin at sinundot pa ang pisngi ko.

"Crazy," natatawang sabi ko sa kaniya.

"Uuwi ka na ba agad mamaya?" tanong niya sa akin. Napansin kong basa ang kamay niya kaya naituro ko 'yon. Napansin niya naman 'yon. "Ay, naghugas kasi ako ng mga plato, madam," aniya.

"Bakit ikaw ang maghuhugas?"

"Absent kasi 'yong dishwasher ngayon. Usually, hinuhugasan ang mga ginamit kapag pasara na ang resto pero ngayon, naghugas na ako nang paunti-unti para hindi na hassle," he said. He jokingly pointed at his temple. "Ang talino, grabe! Hay, blessed na blessed siguro ang mapapangasawa ko sa future," pagbubuhat niya ng bangko kaya napapailing na lang ako.

"Kaya ikaw, magiging blessed na blessed ka kapag ako ang napangasawa mo."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. He's smiling but, there's a visible red on his cheeks and ears. Naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko kaya huminga ako nang malalim.

I look at Kaloy and saw him watching me. Napaiwas naman ako agad at napailing. Ano ba 'yan? Bakit nagkakaganyan siya bigla?

"T-tumigil ka nga," saway ko sa kaniya. Mukhang nagkaroon ng kumpiyansa ang loko dahil tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit nauutal ka, madam ko?"

What the hell? He's flirting with me! Against the rules! Oh wait, what rules am I talking about?

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon