9.

146 6 0
                                    

Nagtataka pa rin ako habang nakatingin kina Kurt at Keicy. Pare-pareho kaming nakatingin sa kwartong pinasukan ni Kaloy. Bakit siya tumakbo nang makita ako? Mabaho ba ako?

Sinubukan kong amuyin ang sarili ko para alamin kung mabaho ba ako o nangangasim nang magsalita si Kurt.

"Ano pong ginagawa mo, 'te?" Tumigil ako sa pag-amoy sa sarili ko at bumaling sa kanila.

"Mabaho ba ako kaya tumakbo 'yong kuya niyo?"

Nagkatinginan silang dalawa at parehong humagalpak ng tawa. Si Kurt ay napalakpak pa habang humahalakhak. Si Keicy naman hinahampas ang kapatid niya. Habang ako, tulala at nagtataka.

"Ate naman! Ba't mo naman naisip na mabaho ka kaya tumakbo si kuya?" tanong ni Kurt.

"Si kuya 'yong mabaho-"

"Hoy, Keicy! Sinaing mo, sunog na!" Kaloy's voice scolded Keicy whose eyes went wide and she ran towards the kitchen.

Umiiling-iling si Kaloy habang nakapamewang na pinapanood ang kapatid na nagmamadaling ayusin ang sinaing.

"Kuya! May tanong sa 'yo si Ate Vanessa," Kurt suddenly said.

"Huh?" Kaloy and I asked in unison.

May sinabi ba akong may itatanong ako?

Tumingin sa akin si Kaloy na parang naghihintay ng itatanong ko kuno pero, maski ako ay hindi alam kung anong itatanong ko. Kailan ko sinabing may itatanong ako?

"Ano 'yon, madam?" Kaloy asked and walked towards the monoblock in front of me.

"W-wala akong sinabing may itatanong ako," depensa ko at nilingon si Kurt na humahagikhik. "Nag-iimbento lang 'yan si Kurt," sabi ko.

Kaloy turned to his brother. "Ikaw, nag-iimbento ka, ah!" saway niya sa kapatid niya. Tinawanan lang siya ng kapatid niyang inabala na ang sarili sa pagguhit.

"Ba't pala nandito ka, madam?" tanong ni Kaloy sa akin.

"Bakit madam ang tawag mo sa akin?" tanong ko nang mapansing tinatawag niya akong madam mula nang sumabay ako sa kanilang mag-almusal.

Kaloy chuckled. "Gusto ko lang na tawagin kang madam. Bagay kasi sa 'yo," aniya at tumingin sa akin. "Ano pa lang ginagawa mo dito, madam? Hindi mo nasagot tanong ko kanina," aniya.

"Hm? Tumulong ako sa pagtitinda. Nakita ko kasi sina Keicy kanina doon malapit sa labasan. Inaya ako ni Keicy na pumunta rito at tuturuan niya raw akong magbenta," paliwanag ko at bahagyang natawa. Napatango naman si Kaloy ag ngumiti.

"Salamat, madam," aniya. "Sandali, wala pa pala kaming ulam. Gusto mong dito kumain, madam?"

Kaloy towered me as he stood infront of me. Ang mata niya ay nakatutok lang sa akin, naghihintay ng sagot ko. Agad kong iniwas ang paningin ko at tumingin kay Kurt na nakahalumbaba habang pinapanood kami.

"Nakakahiya, Kaloy. Baka hindi sumapat ang ulam niyo para sa inyong tatlo. May nadala naman ang parents ko na groceries, okay na 'yon."

I noticed Kaloy gulped when I mentioned my parents. A laugh almost errupt in my lips when I remember what my parents told me.

"Nasaan pala parents mo?"

I smiled at him. "Nakauwi na sila. Sayang nga at hindi niyo nakilala ang mama at papa. They want to meet the three of you," sabi ko. Bakas ang gulat sa mukha niya at akmang ibubuka ang bibig para magsalita pero, natigil din.

"Pabili po!"

Natigil ang usapan namin ang maging abala muli sila sa pag-aasikaso sa mga bumibili. Lumabas ako ng tindahan nila at naabutan si Keicy na naghahain ng mga plato at kutsara. She puts three plates and she's about to grab one more plate when she saw me.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon