Second story that I finished this year 2023! Thankful ako kasi may sumusuporta at nagbibigay panrin ng oras sa mga akda ko kahit sobrang abala niyo! Salamat po!
Actually, the plot of this story is far different from the first one I planned. Gagawin ko sanang singer or idol si Kaloy pero, naging komportable ako sa ganitong storyline kaya ito ang tinuloy at ito na, natapos na!
This is the last chapter of Vanessa and Kaloy's story. I hope you learn something while reading this! Enjoy!
-
Ako ang tumayong magulang para sa mga kapatid ko. Sa murang edad, natuto akong maging responsable at magtrabaho para may pangkain sa araw-araw. Grade 3 pa lang pareho ang mga kapatid ko habang ako ay labingwalong taong gulang nang mawala sila.
"Kuya, may project po kami sa school. Kailangan daw po na magbayad ng 150 pesos po," nakayukong sabi ni Keicy habang kumakain kaming tatlo ng hapunan. Kakauwi ko lang galing sa trabaho ko bilang assistant ng isang talyer sa malapit.
Napatingin ako sa kapatid ko na halatang nahihiya dahil sa sinabi. "Kailan mo ba kailangan?" tanong ko. Nakita kong napanguso ang kapatid ko at sumulyap sa akin.
"Bukas po."
Huminga ako nang malalim. "Titingnan ko mamaya, ha? Sa ngayon, kain muna tayo."
Sa dami ng kailangan nila sa school, hindi ko na nabigyan ng atensyon ang sarili kong pag-aaral. Tumigil ako sa pag-aaral para mas pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Wala naman kaming ibang malalapitan eh. Kami na lang tatlo ang natitira.
Nang magkaroon ng sapat na ipon, nagtayo ako ng sariling tindahan. May mga kapitbahay na tumulong sa akin at hiyang-hiya ako dahil wala akong maipambayad man lang sa kanila.
"Hijo naman, hindi naman kami tumulong para magpabayad sa 'yo. Alam namin ang sitwasyon niyo kaya 'wag mong alalahanin ang bayad. Tumutulong kami ng buong puso," sabi ni Manong Efren. Tumango ang kaibigan niyang si Manong Paul at nag-thumbs up sa akin. Napahinga ako nang malalim doon at napangiti.
Kapag nasa trabaho ako at walang pasok ang mga kapatid ko, sila ang nag-aasikaso ng tindahan. Kapag lahat naman kami ay wala sa bahay, sarado 'yon.
Nagpatuloy kami sa araw-araw naming buhay. Nag-iipon ako para sa pangangailangan nila pero, isang gabi ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Kurt sa kalagitnaan ng trabaho ko.
"Kuya, si Keicy! Ang taas po ng lagnat!" Halata ang pagkataranta sa boses ng kapatid ko kaya maging ako ay nataranta na at halos manginig sa pag-aalala. Hindi sakitin si Keicy pero, kapag nagkasakit siya ay sobrang lala ang epekto. Nand'yan 'yong manginginig siya, biglang iiyak, at minsan ay nananaginip siya nang masama.
"Boss! Boss!" humahangos na tawag ko sa boss ko na abala sa pag-aayos ng isang sirang kotse. Napalingon ito sa akin at napataas ang kilay sa akin, hinihintay ang sasabihin ko. "P-p'wede bang maaga akong umalis ngayon? Kailangan kong puntahan 'yong kapatid ko. M-mataas ang lagnat niya, boss..." halos magmakaawa ako para pumayag siya at laking pasasalamat ko dahil pumayag ang boss ko.
Hindi ako nag-aksayang magbihis at umalis sa talyer. Tinakbo ko ang daan papunta sa bahay namin. Naabutan kong sarado ang tindahan namin pero, naroon ang tsinelas ni Kurt at Keicy kaya tumakbo ako papasok.
"Kurt! Keicy!" sigaw ko at nang tumungo ako sa kwarto nilang magkapatid, naabutan kong nakahiga si Keicy at nakapikit pero, halata ang kunot sa noo.
"Kuya, nanginginig si Keicy." Ang maliit na kamay ng kapatid ko ay humawak sa akin. Nakita kong naluluha na si Kurt kaya para akong sinuntok. Hindi na ako nagdalawang-isip na kumikos at buhatin si Keicy.

BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomanceSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...