Sto. Tomas is really a beautiful province with breathtaking views. Nang makarating ako doon ay hindi na napigil ang ngiti ko dahil sa magagandang tanawin na agad bumungad sa akin. I immediately took my polaroid camera and took a photo of the scenery.
The place is full of green, so peaceful. Malamig at sariwa ang hangin dahil marami ang puno sa lugar. The road is cemented, making the vehicles travel safely.
"Maraming salamat po!" sabi ko at bumaba sa tricycle.
Tinulungan ako ng driver na magbuhat ng gamit ko patungo sa tapat ng bahay. Sobra na sa pamasahe ang binayad ko para tip na rin kay kuya sa pagtulong sa akin.
Papa already settled a small house for rent where I could live. He told me that he already paid the rent good for one year. The house is small but, it's fine with me since I will live alone. Malinis ang lugar at nakausap na daw ni papa ang nagpaparenta ng bahay at maayos na daw dito.
Hindi na ako nagsayang ng oras at agad akong tumungo sa kwartong tutulugan ko. The room contains one bed, a side table and chair, a full-body length mirror. May shelf doon na naglalaman ng books. May isang electric fan at may malaking bintana kung saan may kurtinang lumilipad dahil sa hangin.
I unpacked my things and decided to change my clothes. Wala naman na akong aayusin kung hindi ang damit ko. Kumuha ako ng simpleng shirt at jogging pants saka tumayo para makapagpalit ng damit.
I saw myself. The model version of Vanessa Anderson. The version I always show to the people and since, I want to live peacefully and lowkey, maybe I should change my looks?
I mean... cut my hair and change my style?
Not that I don't love myself. Ayoko lang muna kasi na alalahanin ang model life ko. Gusto ko nga ng stress-free, lowkey at peaceful life kaya mas mabuting lumayo muna ako sa mga bagay na konektado sa pagmomodelo.
Mahirap na at baka makilala ako ng mga tao dito. Masama man at palahusga ang naiisip ko pero, ayoko kasi na lapitan ako ng tao dahil lang sa sikat ako. Hindi naman ako masungit o strikto pagdating sa interaksyon sa ibang tao, ang gusto ko lang talaga ngayon ay magpahinga at mamuhay nang normal.
Matapos ang mahaba-habang pakikipagtalo sa sarili ko, nauwi din ako sa desisyong baguhin ang itsura ko. Matapos kong magbihis, kinuha ko ang isang gunting sa gilid at humarap muli sa salamin.
I was contemplating whether to cut my hair or not but, my hands moved. Ang dating buhok ko na hanggang bewang ay naputol na at naging hanggang balikat na lang.
I took a deep breath. "Kaya mo 'yan, Vanessa," bulong ko bago inilipat ang gunting sa kabila. I close my right eye and slowly cut the right side. "And done!" I exclaimed when I successfully cutted my hair. Nakangiti kong pinagmasdan ang mahabang kumpol ng buhok ko na nagupit.
"Baka mabenta ko ito tapos, magkapera pa ako," natatawang sabi ko at napagdesisyunang itabi ang buhok ko. Muli akong humarap sa salamin at tiningnan ang sarili ko.
"Bagay na bagay, ang ganda talaga ng lahing Anderson," nakangiti kong sabi. Napailing ako at natawa sa sinasabi ko... pero, totoo naman na maganda ang lahi namin.
"Now, for the clothing style... I just need to be simple. Ekis muna sa fancy and flashy clothes. Simple shirt and shorts will do," sabi ko saka tinuon ang atensyon sa maleta ko na nasa kama. Kalahating damit pa lang ang nailalabas ko kaya lumapit ako doon at inayos ang mga 'yon.
I separated my fancy clothes and the simple ones. Ang mga simple ang inilagay ko sa cabinet at itinago ko ang iba sa maleta.
"Make-up will not be needed too," sabi ko saka itinago rin ang make-up ko sa maleta.
Namewang ako at muling tumingin sa salamin na nasa harapan ko. Now, I look completely different. Short hair, simple clothes, bare face... Yeah, I don't look like the model Vanessa anymore.
My stomach growled in hunger. Naalis ang tingin ko sa sarili ko sa salamin. I pouted and look for my wallet. Kumuha ako ng isangdaan doon at lumabas ng bahay.
Sa tapat ng tinutuluyan ko ay may bilihan ng ulam kaya agad akong tumungo doon. Nilingon ako ng mga naroon kaya bahagya ko silang nginitian.
"Magandang tanghali po, magkano po ang isang order nito?" magalang na tanong sabay turo sa monggo na may halong chicharon.
"Kwarenta ang isang order, hija..." sabi ng isang ginang. "Bago ka, 'ne?" tanong nito sa akin.
"Opo," sagot ko.
"Ay, welcome sa lugar namin, hija," sabi nito sa akin. Nakangiti ito sa akin kaya hindi maiwasna napangiti din ako.
"Salamat po," sagot ko.
"'Yan lang ba ang bibilhin mo, hija?" tanong muli sa akin. Napakagat labi ako nang matantong wala pala akong kanin.
"Isang order na rin po ng kanin, magkano po?"
"Sampu lang, hija."
Naghintay ako ng kanin para makakain na ako. Naalala kong wala rin pala akong pagkain sa bahay kaya kailangan kong mag-grocery mamayang gabi.
My eyes roam around the place. I tried observing whether someone from here recognizes me but, it seems like no one knows me. Lahat ng tao ay abala sa kaniya-kaniyang ginagawa. Ang mga taong dumadaan ay napapasulyap sa akin pero, wala namang mga reaksyon.
A small smile formed in my lips and I sighed in relief.
"'Nay, may natira pa po bang ginataang isda?"
Napahakbang ako patagilid nang marinig ang voses ng lalaking bagong dating. I checked my money and started countung it, making sure that I'll pay the right price.
"Sakto ang dating mo, meron pa dito. Itinira ko talaga ito para sa 'yo kasi alam kong paborito niyo ito ng kapatid mo," sabi ng ginang. "Ito pala ang kanin, hija."
Agad kong inabot ang bayad sa ginang at kinuha ang kanin. Nagpasalamat ako at tatalikod na sana nang matigilan ako.
"Miss!" I heard a male's voice. Humarap ako at doon ko nakita ang lalaking nasa tabi ko kanina pa.
Nakatingin din siya sa akin at halatang hindi mapakali, namumula ang pisngi. Makapal ang kilay niya at ipinagtaka ko dahil magkasalubong 'yon. Ang ganda rin ng mga mata niya pero, hindi 'yon makatingin sa akin. Panay ang pagbasa niya sa mapulang labi niya. Ang kamay niyang maugat ay humihimas sa batok niya. Binigyan niya pa ako ng isang tipid na ngisi.
"Ahm, miss... ano..." aniya saka may inginuso sa ibaba. Napababa din ang tingin ko pero, wala naman akong napansing kakaiba.
May nahulog ba akong pera?
"May problema po ba?" tanong ko sa kaniya. Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago siya bumuntonghininga.
"Sandali lang, 'nay..." aniya at ikinagulat ko ang paghuhubad niya ng suot niyang polo shirt. Naiwan ang suot niyang sando na jersey pa yata ng mga liga.
"Uhm, anong ginagawa mo?" tanong ko bago napaatras nang unti-unti siyang lumapit sa akin. I was about to run away when I felt him held my arm. I gasped and stilled, feeling his breath on my ear.
"Miss, 'wag kang tumakbo. Ilalagay ko lang itong polo ko sa 'yo, labhan mo na lang," bulong niya. "May tagos ka kasi, miss."
BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomansaSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...