I woke up feling good and light in the morning. Nakapikit pa ako habang bumabangon. I stretched my arms and stood up from my bed. Inayos ko ang kama ko bago ako dumiretso sa banyo para maghilamos.
Nang matapos, lumabas ako para bumili ng almusal. Nakita kong nakabukas na ang tindahan sa unahan at puro almusal ang binebenta nito kaya agad akong lumapit.
"Oh, 'ne! Almusal oh," sabi ng ginang. "Ito, may champorado, sopas, lugaw at marami pa. Pili ka na."
I immediately chose the sopas. Binayaran ko rin ito bago ako nagpasalamat. Habang naglalakad pabalik, nakita ko ang isang lalaking nagkakape na nakaupo sa upuan sa labas ng bahay malapit sa tinutuluyan ko.
Parang ang sarap magkape.
Tumitig ako doon at ilang sandaling nag-isip bago ako tumalikod at naglakad. Nang madaanan ko ang amoy ng kape, mas lalo akong nakapagdesisyon kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tumungo sa tindahan.
Natanaw ko ang tindahan na hindi ko napuntahan kahapon pero, imbis na huminto, nilagpasan ko 'yon at nagdire-diretso papunta sa tindahan ng magkapatid kagabi.
Sakto namang nakita ko silang dalawa na naroon sa tapat ng bahay nila at mukhang nag-uusap. May lamesa sa labas ng bahay nila at mahabang upuan na gawa sa kahoy at may nakapatong doon na tatlong baso na may lamang kape at isang plastic na may mga pandesal.
"Hello," bati ko sa kanila.
"Ate!" sabi ng babae at lumapit sa akin. "Napadaan po kayo?"
Ngumiti ako at bahagyang umiling. "Hindi, pumunta talaga ako dito para bumili. May tinda ba kayong kape d'yan? Mag-aalmusal kasi ako," sabi ko at inangat ang plastic na may lamang plastic ng sopas.
"Meron po, ate," sagot nito. Pumasok siya sa tindahan nila kaya sumunod ako. Tinuro ko ang kape na nakita ko na paboritong inumin ni mama at papa.
"Good morning, 'te!" bati sa akin ng lalaking kapatid. Agad kong sinuklian ang ngiti niya.
"Magandang umaga rin!"
Nang mabayaran ko ang kape, nagpasalamat ako at balak na sanang umalis nang tawagin nila ako. Paglingon ko ay nasa likod ko na pala ang babae at bahagya akong hinila palapit sa mesa.
"Sabayan mo na po kaming mag-almusal, ate," sabi niya sa akin kaya nagulat ako.
"Uhm, sigurado kayo?"
Ngayon, ang lalaki naman ang sumagot. "Opo, papakilala ka din po namin sa kuya namin! Nasa loob lang siya, inaayos po 'yong nasira naming electric fan," sabi nito bago lumingon sa kapatid niya. "Tawagin mo muna si kuya. Sabihin mo na mag-almusal muna siya, mauubos na natin itong pandesal oh!"
Umirap ang babae pero, tumayo din kaagad. Pinanood ko ang pagpasok nito sa loob bago ko hinarap ang lalaking kapatid.
"Ano pa lang pangalan niyo ng kapatid mo?" tanong ko nang maalalang hindi ko nga pala natanong ang pangalan nila.
"Ay, ate! Ako po si Kurt tapos, 'yong babae ko pong kapatid ay si Keicy. May kuya po kami na si Kuya—"
"Ito na si kuya." Dumating bigla si Keicy kasama ang kuya niya na agad kong nilingon pero, kakalingon ko pa lang ay agad akong napaiwas ng tingin at napapikit.
Napapikit dahil sa kahihiyan.
"Ayon! Kuya, may papakilala kami sa 'yo!" sabi ni Kurt pero, hindi pa rin ako lumilingon.
"Sino?" Mas dumiin ang pagpikit ko nang marinig ang boses niya. Napabaling ako sa kabilang direksyon nang maramdaman na uupo siya sa tabi ko.
"Ayan po, si Ate... Uh, ano nga po pa lang pangalan niyo?" Narinig kong tanong sa akin ni Kurt.

BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomanceSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...