25.

131 6 0
                                        

"Pero kahit gano'n, hindi kita pakakawalan, mahal. Mahal na mahal kita para pakawalan lang dahil sa mga insecurities ko. Hindi ko kailanman naisip na saktan ka. Kung dumating man ang oras na umiyak ka dahil sa akin, sana tandaan mong hindi ko ginusto 'yon. Hindi ako gagawa ng kahit anong ikapapahamak mo," he whispered and pulled me to him.

"Mahal na mahal kita, Vanessa."

Hearing Kaloy's piece of thoughts made me tear up. Hindi ko alam na gano'n pala ang nararamdaman niya. Hindi ko inakalang nai-insecure siya dahil sa tingin niya ay sobrang taas ko. Hindi ko inakalang ganito ako kamahal ni Kaloy.

"Kaloy, 'wag mong sabihin na... na hindi mo ako deserve. Kung alam mo lang kung gaano karami na ang nagawa mo para sa akin. Kung gaano mo ipinaramdam sa akin na mahal na mahal mo ako. Hindi ko mapapantayan ang efforts mo pero, h-handa rin akong gawin ang lahat para maiparamdam sa 'yo na mahal kita," bulong ko at hinila siya palapit sa akin. I kiss his lips, full of love and sincerity.

"Mahal na mahal din kita, Karion."

Sinamahan ko si Kaloy na kumain ng hapunan niya. Hindi muna siya bumalik sa loob. Nagpaalam naman daw siya sa boss niya at marami naman daw na p'wedeng pumalit muna sa pwesto niya. Sa isang tindahan sa tapat kami naupo. Sarado na ito pero, may ilaw pa rin sa labas at upuang gawa sa kahoy kaya doon muna kami nanatili.

"Kain?" he offered me. Nang maalalang hindi pa pala ako kumain, napangiti na lang ako at sinubo ang binibigay niya. Naningkit ang mata niya habang nakatingin sa akin. "Hindi ka pa kumakain, 'no?"

I smiled sheepishly. "Pagkaluto ko kasi niyan, dumiretso ako agad dito," sabi ko. Kaloy slightly glared at me and sighed before moving closer to me.

"Share tayo. Dapat kumain ka din, hindi p'wedeng ako lang."

Pinagsaluhan namin ang niluto kong pagkain. Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain at isa 'yon sa pinakamasarap na pakiramdam. Payapa lang ang puso ko habang kakwentuhan siya sa ilalim ng mga bituin. Tila nawala sa pandinig ko ang musika mula sa bar at ang boses lang niya ang pumapasok sa tenga ko.

"Plano kong mag-aral ulit kapag nakaipon na ako nang sapat na pang-aral. Isang sem na lang kasi 'yon tapos, graduate na ako. Sayang naman kung hindi ko pa itutuloy. Sa ngayon, si Kurt at Keicy muna tapos kapag kaya na nila, ako naman."

Kaloy's passion and love for his siblings is so tough. For the nth time, I admire him. I was awed by his love.

Sa mga sumunod na araw ay naging normal pa rin ang takbo ng araw namin. Linggo ngayon kaya pareho kaming walang pasok ni Kaloy. Sabado at Linggo siya walang pasok sa lahat ng trabaho niya kaya nakakapagpahinga siya. Nasa bahay nila ako ngayon at nakikipag-bonding kay Kurt at Keicy. Gumagawa sila ng project kaya tumutulong din ako habang si Kaloy ay nasa loob ng tindahan nila.

"Ate, ano pong magandang kulay? Ito pong dark or ito pong light pastels?" tanong ni Keicy sa akin at ipinakita ang dalawang papel niyang may mga kulay.

"Hmm, kung 'yong dark kasi ang gagamitin mo, baka hindi mabasa ang ilalagay mong letters kaya ito na lang na pastels," sagot ko. Tumango si Keicy at bumalik sa ginagawa niya.

"Ate, ano po 'yong pinagkaiba ng DNA sa RNA?" tanong naman sa akin ni Kurt habang sinasagutan ang science homework niya.

"Letters, pare. Letters," sabi ng bagong dating na si Kaloy at naupo sa tabi ko.

"Bakit nandito ka? Sinong bantay sa tindahan niyo?" tanong ko sa kaniya.

"Aray naman, bakit parang ayaw mo ako dito?" nakasimangot na sabi ni Kaloy. "'De, wala pa namang nabili. Kapag meron, maririnig ko naman. Dito muna ako," sabi niya. Tumango na lang at bumaling muli kay Kurt.

"Hm, maraming difference and DNA at RNA pero, para mas mabilis mong matandaan, ang DNA ay double-stranded tapos, ang RNA ay ang single-stranded," sagot ko.

"Salamat po," sagot ni Kurt at bumaling muli sa assignment niya.

"May tanong po ako," sabi naman ni Kaloy na nasa tabi ko.

Napataas ang kilay ko sa kaniya. "Ano 'yon?"

"Bagay po kaya sa inyo ang apilido ko?" nakangising tanong niya kaya natulala ako. Narinig ko naman ang pang-aasar ni Kurt at Keicy. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at pag-init no'n kaya napaiwas ako.

Parang tanga, enebe.

"Yieee! Si ate, namumula!" panunukso ni Keicy at sinundot pa ang tagiliran ko kaya napaigtad ako.

"H-hindi ah," sabi ko at napayuko na lang. Narinig ko ang pagtawa ng lokong boyfriend ko sa tabi ko at pagyakap niya sa akin.

"Tingin ka nga sa akin, mahal," sabi niya at kinuha ang kamay ko, gustong humarap ako sa kaniya. Nahampas ko ang braso niya sa hiya at mas lumakas ang tawa niya. Gigil na humalik siya sa noo at pisngi ko. "Hmm, kaya mahal na mahal ko itong madam ko eh," sabi niya.

Inaya muna ako ni Kaloy na lumabas ng bahay nila. Nahihiya pa rin kasi ako sa kaharutan niya at sa pang-aasar ng mga kapatid niya. Niyakap niya ako mula sa likod at ang kamay ay nakalapat sa tyan ko. Nakayuko siya sa balikat ko at panay ang halik.

"Kaloy..." tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Plano kitang ipakilala na sa parents ko," sabi ko. Naramdaman kong natigilan siya at napatingin sa akin pero, nanatili akong nakatingin sa kamay niyang nasa tyan ko. Hinawakan ko 'yon at ngumiti.

"Nasabi ko sa kanila kung gaano mo ako kamahal. Sabi ko, sobrang bait mo at maalaga ka. Masaya daw sila dahil may lalaking gano'n ang trato sa akin. Gusto na kitang ipakilala sa kanila," sabi ko. Naramdaman kong muling bumalik ang ulo niya sa balikat ko.

"Masaya ako. Masayang-masaya," bulong niya sa akin. Nanatili kaming magkayakap doon hanggang sa magtanghalian na at napagdesisyunan na ni Kaloy na pumasok kami pero, bago kami pumasok, inilibot ko ang tingin ko sa paligid.

Am I just imagining things?

Sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian doon. Kumuha din ako ng litrato at ipinadala sa mga magulang ko. They even insisted video calling but sadly, there's no wifi connection in Kaloy's house. Wala rin naman akong load kaya hanggang chat na lang muna.

My parents already knew about Kaloy through our photos. Kaloy doesn't know that my parents already knows him. Ang alam lang niya ay soon ko pa siya maipapakilala. He doesn't know it yet but, my parents said, they're looking forward to meet him in person. Masayang-masaya ako dahil doon at hanggang sa ihatid ako ni Kaloy sa apartment ko, hindi maalis ang ngiti ko.

"Good night. I love you," he said and kissed me on my forehead.

"Good night din, mag-iingat ka pauwi, ha? I love you too."

Kaloy waved at me and walked away. I took a deep breath to ease the heaviness off my chest. Ganito rin pala kapag sobrang saya mo, mabigat din sa dibdib.

I woke up the next day and got a call from my mother. The moment I answered the phone, my world shattered and I knew, my time here is over.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon