8.

178 6 0
                                        

My parents didn't get to meet Kaloy and his siblings. Nagpaalam na silang aalis na dahil muli na naman daw tumawag ang kliyente at nag-iba ng schedule. Kanina ay sinabi nito na hapon pero, ngayon ay binawi kaya naiinis man, wala na ring nagawa si papa kung hindi ang umalis.

They reminded me to take care and I did the same. Hinatid ko sila sa may labas kung nasaan ang sasakyan nila. Hindi daw kasi nila pinasok sa loob ang sasakyan dahil ayaw nilang makaagaw pansin 'yon kaya hanggang entrance ng baranggay ay hinatid ko sila.

"Ingat ka dito, 'nak. Aalis na kami ng papa mo," paalam ni mama at humalik sa pisngi ko.

"Mag-iingat rin po kayo, mama at papa," sabi ko at yumakap sa kanila. Papa kissed my forehead before they went inside. Isang beses pa silang kumaway sa akin bago pinaandar ang kotse. Nang mawala sa paningin ko ang sasakyan ay saka lang ako naglakad pabalik sa apartment.

Pinanood ko ang mga tao habang naglalakad ako. Abala sila sa kaniya-kaniyang gawain. Namataan ko pa ang iba na halatang masaya sa ginagawang trabaho. Kahit mabigat ang dala ay nakangiti pa rin at nakikipagkwentuhan. It's admirable how people still smile even with the heavy loads on their shoulders. In real life, may mga gano'ng senaryo din. 'Yong kaya pa ring ngumiti na parang walang problema pero, ang totoo ay mabigat na pala ang dinadala.

My family's been open to their struggles. Kailanman ay hindi naglihim sa akin si mama, papa o kahit si Sarus. Open kami sa pagsasabi ng mga problema namin at sabay-sabay naming ginagawan ng solusyon. Kaya nang maramdaman ko ang pagod sa trabaho, sila agad ang tinawagan ko dahil alam kong sa lahat ng tao, pamilya ko ang masasandalan ko.

"Ate Vanessa!" A familliar voice called me. Nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Keicy na nakangiti.

"Hi, Keicy!" bati ko.

Keicy smiled at me. "Saan ka po galing, 'te?" tanong niya sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad na sinabayan nila.

"Hinatid ko ang mama at papa ko," sagot ko.

"Ah! Magulang mo po pala 'yong nakita namin kanina," sabi ni Keicy. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

Nang may maisip akong itanong ay bahagya ko siyang kinalabit.

"Balak niyo raw akong bisitahin kanina? Kayo ni Kurt at ng Kuya Kaloy niyo?" nakangiting tanong ko.

"Paano niyo po nalaman?" gulat na tanong ni Keicy. Mahina akong natawa at sinabing nakita sila ng mga magulang ko.

"Hala, nagalit po ba sila?" nanlalaki ang matang tanong ni Keicy.

Umiling ako habang nakangiti sa kanila. "Bakit naman sila magagalit? Mababait kayo kaya hinding-hindi magagalit si mama at papa ko," sabi ko. "Saka ang totoo nga niyan, gusto nila kayong makilala kanina pero, kinailangan na nilang umalis dahil sa trabaho ni papa," sabi ko.

"Ang gwapo po ng papa mo, ate!" Keicy cupped her own cheeks and I swear, I could see her blushing. "'Yong mama niyo rin po, sobrang ganda. Parehong hulog ng langit ang kagwapuhan at kagandahan!" aniya kaya hindi mapawi ang ngiti ko. "Ate, ano pong pangalan ng mama at papa mo?" tanong niya.

"Ang pangalan ng papa ko ay Victorious at ang mama ko naman ay Leisheen ang pangalan," nakangiting sagot ko.

Nanlaki ang mata niya at halata ang pagkamangha.

"Ang angas ng pangalan!" komento ni Keicy kaya napangiti ako at bahagyang kinurot ang pisngi niya. Nang makarating kami sa tapat ng bahay, hinarap ko silang dalawa.

"Wala ba kayong pasok sa school?" tanong ko.

"Sembreak po, ate," sagot niya sa akin kaya napatango ako at muli silang tinanong.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon