Sunod naming tiningnan ni Kaloy ang mga sculptures. I was amazed when one of the staff guarding the arts told us that some of the arts are donated by the children from the school here.
We spend almost three hours of looking around the museum. We took pictures together but of course, without the flash. Ipinagbabawal 'yon sa loob ng museum. Hindi rin kami masiyadong nag-usap ni Kaloy dahil pareho kaming mangha sa mga obrang naroon. Many artworks caught my attention but, my father's art remained in my mind. Not becuase he's my father but, because of that fact that the painting tells a real life story.
I know for a fact that my uncle, auntie, and my cousin are still hoping to find my lost cousin. Kahit ako ay nagdadasal na sana ay mahanap si Kim. Like them, I don't want to think of the negative possibility. I don't like it. Malakas ang paniniwala ko na buhay si Kim. Buhay ang pinsan ko at babalik siya sa pamilya niya.
"Baka maubos ang storage mo niyan, madam," Kaloy said when we got out the museum. Nagpatuloy kasi ako pagkuha ng litrato mula sa labas ng museum. Gusto ko kasing i-send ito kay papa at mama.
"Kaya pa 'yan," sabi ko at tinigil na ang pagkuha ng litrato. I grab his hand and lifted it up to see the watch he's wearing. Tiningnan ko ang oras doon at nakitang maga-alas onse na. We should probably eat first before proceeding.
"Kain muna tayo bago tayo tumuloy," sabi ko kay Kaloy. Hindi naman siya tumanggi ay agad hinawakan ang kamay ko.
"May alam akong kainan, madame. 'Yong mura lang tapos, mapapamura ka sa sarap ng mga pagkain," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako at napailing na lang sa mga sinasabi niya. Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad. Hindi rin naman nagtagal bago kami nakarating sa sinasabi niyang kainan.
It was a small eatery, tables and chairs are placed properly inside and outside the place. May nakatakip na tolda bilang panangga sa araw sa labas. Ang loob ay maliwanag at may mga bintanang walang harang kaya mahangin din.
"Dito tayo, madam. Ayos lang?"
"Walang problema," sagot ko at hinila siya papasok. Agad kong nakita ang hilera ng mga ulam sa may loob ng estante. My stomach growled in hunger.
"Anong ulam ang gusto mo? Pili ka na tapos, ako ang magbabayad," sabi ni Kaloy na nasa tabi ko. Agad akong pumili ng ulam at nang makita ko ang menudong naroon, agad ko 'yong tinuro.
"'Yan gusto mo?" I nodded at him. "Ate, tig-isang order ng menudo saka itong adobong sitaw." Lumingon sa akin si Kaloy. "Gusto mong softdrinks, madam?"
Feeling the dryness in my throat, I didn't hesitate nodding at him. Ang tagal na rin pala mula nang uminom ako ng softdrinks. Ang pinapainom kasi sa akin no'n sa agency ay puro protein shake.
"Padagdag din ng isang malaking softdrinks, 'te," sabi ni Kaloy at inilabas ang wallet niya. Habang nagsasandok ng pagkain namin ang tinderang naroon, kinalabit ko si Kaloy.
"Hm?" tanong niya nang lingunin ako.
"Akin na 'yong bag ko saka 'yang backpack mo, hahanap ako ng mesa natin," sabi ko sa kaniya pero, ang bag ko lang ang binigay niya sa akin.
"Ako na sa backpack ko, madam. Mabigat ito, baka mahirapan ka," sabi niya. Inabot ko ang bag ko at humanap na ng mauupuan namin. Saktong walang nakaupo sa upuan sa tabi ng malaking bintana kaya doon ako dumiretso at inilapag ang bag ko. Nilingon ko si Kaloy na bitbit na ang mga pagkain namin.
Tumayo ako at kinuha sa kaniya ang isang tray na naglalaman ng pagkain ko at inilapag 'yon sa mesa. Nang mapansin kong may kulang, dumiretso ako sa counter at nakita ang softdrinks at mga baso doon.
"Nabayaran na po itong softdrinks?" tanong ko sa tindera pero, nagulat ako nang pagtaasan ako nito ng kilay na para bang may kasalanan ako sa kaniya.
"Malamang, kaya ko nga nilagay d'yan. Kunin mo na, bilis!" aniya kaya walang imik kong kinuha ang bote ng softdrinks at baso doon. Paglingon ko ay nagulat ako nang makita si Kaloy sa likod ko. Seryoso ang mga mata niya pero, nang mapatingin sa akin ay lumambot 'yon.
"Upo ka na doon. Kukuha lang ako ng kutsara't tinidor," aniya kaya tumango ako at umuna na sa upuan namin pero, bago pa ako makahakbang ay narinig ko ang sinabi ni Kaloy.
"Ate, bakit mo tinarayan 'yong girlfriend ko? Nagtatanong lang siya nang maayos sa 'yo," aniya at halata ang iritasyon sa boses niya kaya natigilan ako. "Ayokong magsalita, 'te pero, sana pakiayos ng attitude, ha? Maayos na nagtanong 'yong girlfriend ko kaya sana maayos niyo rin siyang sinagot."
Tumuloy ako sa paglalakad at agad naupo sa upuan namin. My heart is beating rapidly again but, I acted like I heard nothing when I saw Kaloy walking towards me. He sat in front of me and gave me the utensils.
"Kain na tayo, madam ko," aniya habang nakangiti. Ang seryosong ekspresyon ay nawala na.
My heart couldn't help it but warms remembering what Kaloy did. Hindi ko inakalang narinig niya ang sinabi ng tindera kanina. Hindi ko akalaing ipagtatanggol niya ako at maglalakas ng loob siyang sawayin ang tindera sa pinakita nitong pagtrato sa akin.
"Kaloy..." I called him, unable to supress my emotions anymore.
"Bakit po?"
I took a deep breath. "I heard what you said to the woman," sabi ko at nakita ko ang paglambot ng tingin niya.
"Madam, g-galit ka ba sa sinabi ko?" tanong niya at iniwas ang tingin sa akin. "Mali kasi siya eh. Ang pangit ng ugaling pinakita niya sa 'yo, eh nagtatanong ka lang naman nang maayos," sabi niya na parang batang nagsusumbong. His soft eyes went to me.
"Galit ka ba sa akin, madam?" With a warm heart and soft eyes, I flashed him a smile and reached out to caress his cheeks.
"Bakit ako magagalit? I just didn't expect that you'll do that."
He pouted and lean on my palm. "Inaaway niya ang madam ko, alangang manahimik ako," sabi niya kaya lumawak ang ngiti ko.
"Thank you, suitor kong pogi," sabi ko at nakita ko ang pagngiti niya. That smile ignites something inside me. Something deep and something I know I would never escape from.

BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomansaSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...