The lightness in my heart couldn't falter the moment I knew that Kaloy is slowly fulfilling his dreams. For the first time, I felt like I did the right choice. Masakit man ang pag-iwan at pagsuko ko noon pero, napagtanto ko rin na kung nanatili pala ako no'n, masisira ko rin si Kaloy. Masasaktan ko rin siya. Hindi ko lang siya makukulong sa mundong puno ng panghuhusga, mapipigilan ko rin siya sa pagtupad ng pangarap niya kung naging makasarili ako no'n.
Now that Kaloy is shining on his own way, slowly travelling his path towards his dream, I'm here behind him, always cheering for him. Always be the first one to clap for his achievements in life. My belief in him will never fade.
Kaloy and I have been seeing each other for the past few days. No awkwardness, no dead air and I'm happy this way. As much as I love him still, I want him to focus on himself, on his family. Hahayaan ko na lang muna ang sarili ko na mahalin siya nang ako lang ang nakakaalam.
When the photos came out, I was praised by many. The directors of the company continuesly thanking me for the success and for working with them. I attended press conferences, fanmeetings, interviews, and promotions. I was all smile during the process because, whenever I look at one side of the room, he's there. He's there watching me. Karion Lorenz is there for me.
"Madam, gusto mong kumain?" tanong niya sa akin habang paalis kami ng shop kung saan naganap ang interview para sa nasabing brand.
"Wala kang pasok?" tanong ko sa kaniya. He looked at his wrist watch and turned to me.
"5 hours vacant. Babalik ako sa university ng 2:00 pm," aniya kaya napatango ako. I turned to Rea who's silently watching us with a small smile on her lips. Tumaas ang kilay ko sa kaniya at gumuhit ang isang malaking ngiti sa labi niya bago siya umiling.
"Rea..." I warned her but, she only giggled and silently pinched my arm.
"Hindi mo sinagot 'yong tanong ko kanina," sabi ni Kaloy kaya muli akong napaharap sa kaniya. "Kung gusto mo bang kumain? May alam akong restaurant," aniya.
"Malayo ba, Karion?" tanong ni Rea sa kaniya. Kaloy turned to my manager and shook his head.
"Hindi naman po. Kayang lakarin pero, kung pagod na po kayo, tatawagin ko 'yong driver niyo," sabi ni Kaloy na handa nang maglakad patungo sa sasakyan pero, pinigilan ko ang kamay niya. Natigil siya at napaharap sa akin.
"Lakad na tayo," sabi ko at kahit nakasuot ako ng facemask, ngumiti ako na mukhang napansin naman niya dahil sa pagtango niya at pagbalik ng ngiti sa akin.
"Ayos lang po ba sa inyo, Ms. Rea?" tanong ni Kaloy kay Rea na agad tumango at nag-thumbs up. With that, the three of us walk towards the restaurant Kaloy mentioned. Si Kaloy ay naglalakad malapit sa kalsada habang ako ay nasa loob at si Rea ay nasa likod namin. Sinabihan ko siyang sabayan kaming maglakad pero, ang katwiran niya ay masikip ang side walk kaya sa likod na lang siya.
"Saan nag-aaral sina Kurt at Keicy?" tanong ko kay Kaloy. Sumulyap siya sa akin at ngumiti.
"Doon din sa school na pinapasukan ko. Sa highschool department doon," sagot niya. Napangiti naman ako nang maalala ang mukha ng mga kapatid niya.
"Gusto mo ba silang makita, madam?" tanong ni Kaloy sa akin kaya agad nagliwanag ang mga mata ko at napangiti.
"Can I see them?" balik na tanong ko sa kaniya. I froze when his hand caress my hair with a smile on his face. His smile that never failed to make me weak. The smile I longed to see.
"Siyempre naman, madam. Basta ikaw."
Nang makarating kami sa nasabing restaurant, tumungo kami sa second floor at naupo sa pinakadulo. Walang masiyadong tao sa taas kaya tinanggal ko na ang facemask ko at napahinga nang maluwag.

BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomansaSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...