28.

106 4 0
                                    

My head was pounding the moment I opened my eyes. Sobrang liwanag kaya napapikit akong muli at hinintay na maalis ang hapdi sa mata ko. Nanunuyo rin ang lalamunan ko kaya mabilis akong tumayo.

"Water..." I whispered hoarsely. Iminulat ko ang mata ko at agad nakita ang pitsel na may lamamg tubig sa table katabi lang ng higaan ko. Nagsalin agad ako sa baso at nilagok 'yon. Napahinga ako nang malalim nang maramdaman ang ginhawa pero, masakit pa rin ang ulo ko.

Ano bang nangyari?

I look around and realized that I'm in my room. Napakunot ang noo ko dahil ang huling pagkakaalala ko ay nasa bar ako at magse-celebrate ng launching ng magazine. Paano ako napunta dito sa kwarto ko?

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang pumasok si Rea na may dalang pagkain para sa akin. I was shocked to see Leisarus behind him.

"Dumalaw ang pamilya mo, Vanessa. Kagabi lang sila dumating pero, hindi ka na nila ginising dahil lasing na lasing ka," sabi ni Rea at inilapag ang dala niyang pagkain at gamot. "Kain ka muna tapos inumin mo ito. Lalabas lang muna ako," sabi niya at tuluyan nang lumabas.

I looked at my brother and stood up, ready to help him when he stopped me.

"Kaya ko, ate," sabi niya kaya napabuntonghininga ako. I stared at him, forcing myself to not look like I pity him. Alam kong ayaw ni Leisarus na makitang tinitingnan namin siya nang may awa sa mata.

"Na-miss mo ako?" I joked, trying to lightened his mood. Leisarus smiled a bit.

"You were drunk as hell last night. Anong pinaggagawa mo, 'te?" tanong niya.

"Celebration kasi kagabi. Sa bar kami nag-celebrate kaya ayon, napainom ako," sabi ko at ngumiti. "Sino pa lang nagdala sa akin dito? Sa pagkakaalala ko kaso, hindi naman ako umuwi kagabi. Nasa bar pa ako no'n bago ako walang maalala," sabi ko. Leisarus pursed his lips and looked away. He looked like he's about to lie so, I squinted my eyes.

"Papa. Si papa ang nagsundo sa 'yo kaya, lagot ka. Lasing na lasing ka kagabi, ha?" pananakot niya habang nakangisi pero, imbis na pagalitan ay hinayaan ko na lang siya. The least I could do for my brother is to ruin his mood.

"Hindi ako papagalitan ni papa," sabi ko. Leisarus just stucked his tongue out and both of us laugh, missing moments like this where we just tease each other.

I drank medicine to ease my headache. My mother came while I'm eating the soup Rea made and I don't why but, she has the weird smile on her face. Kapag tatanungin naman, sasabihin niya ay wala lang at masaya lang talaga siya. Even my father is just chuckling with my mother's weird smile. It seems like a teasing smile, actually.

"Ang anak ko, ang ganda-ganda sa magazine!" sabi ni mama nang mahimasmasan ako at mabawasan nagsakit ng ulo. Nandito na silang lahat sa kwarto ko at kinakausap ako.

"Thank you po. Kagabi po pala kayo dumating? Sorry po at lasing ako kagabi," sabi ko at sumulyap kay papa bago ako ngumiti nang maliit. "Sorry po, papa. Nahirapan po ba kayo sa pagsundo sa akin kagabi?" tanong ko.

Papa's brows raised. "Ako? Sinundo ka, 'nak?" tanong niya kaya nagtaka na rin ako.

"Opo, sabi ni Sarus..." Tumingin ako sa kapatid ko na agad nanlaki ang mata. Bumaling siya kay papa.

"Papa! Sinundo mo si ate kagabi, 'di ba? 'Di ba?" he raised his brows and suddenly, my father nodded.

"Ay oo nga! Oo, ako pala ang sumundo sa 'yo, 'nak! Tama. Pasensya na at nakalimutan ko," sabi ni papa at tumawa.

"Ganiyan talaga kapag matanda na," asar naman ni mama kay papa.

Tito Kobi texted me and said that I could rest for today. Sa susunod na araw ko na lang daw intindihin ang ibang endorsements kaya nagpahinga ako buong araw kasama ang pamilya ko.

I was about to go to the kitchen when I saw Sarus on my living room, holding his phone amd talking to his girlfriend.

I couldn't help but watch my brother. Alam ko kung gaano sila nahihirapan ngayon. Hindi makapasok sa klase si Leisarus dahil sa nangyari. Wala siyang choice kung hindi ang tumigil pansamantala. Ayaw niya kasing mag-home school dahil mas gusto ng kapatid ko na sa paaralan natututo.

"Mag-iingat kayo nila tito at tita, ha? Ikumusta mo na rin ako kay Ate Vanessa," narinig kong sabi ng girlfriend niya. Leisarus softly smile and nodded.

"Will do. Ingat ka rin, I love you," Sarus said.

"I love you too! Pag-uwi mo, ipagluluto kita, promise!"

I turned away, couldn't stop the tears from falling. Hindi ko matanggap na nangyari sa kapatid ko 'yon pero, masaya ako dahil mayroon siyang kasintahan na handa siyang alagaan kahit gano'n ang nangyari.

I went back to work after the next few days. Umuwi na rin ang pamilya ko sa Laguna nang magsimula akong magtrabaho ulit. Pagpasok ko pa lang ng building ng DZE, sinalubong na ako ni Rea at sinabing pinapatawag ako ng tito ko sa opisina. Bilang co-owner ng agency, siya ang nagma-manage ng branch sa Pilipinas. Tito Kobi being the co-owner and manager of the agency was an advantage for me. Madali niya akong natulungan pero siyempre, hindi ako aasa sa posisyon ni Tito Kobi. I will work on my own.

"Good morning po," bati ko at nang makita si Tita Lein na naroon ay agad akong napangiti. Kasama rin nila ang kambal na anak nila na si Lanz at Kyrie. Agad yumakap sa akin ang magkapatid.

"Vanessa! Nandito ka na, upo ka." Tumango ako at naupo sa sofa, katabi ko si Rea habang nasa harap namin si Tita Lein at ang magkapatid. Tito Kobi is sitting at a single sofa.

"Pinatawag niyo raw po ako?"

Tito Kobi nodded and smiled at me. "I accepted offers from magazines to feature you. Is it okay with you, 'nak?"

Tita Lein laughs and shook her head. "Nagtanong ka pa kung kailang tinanggap mo na," sabi niya. Napanguso si Tito Kobi bago natawa rin.

"Saan po ba gaganapin ang photoshoot?" tanong ko.

"The photoshoot will be held at the main building of the said magazine brand. Here's the address, Vanessa. Rea will accompany you together with two bodyguard and your style team. The photoshoot is scheduled four days from now, so be ready."

After the talk with Tito Kobi, Tita Lein invited me for lunch with them. Sumama rin si Rea sa amin. Si Tito Kobi ay bibisitahin daw muna ang mga trainees bago sumabay sa amin kaya nauna na rin kami sa restaurant. While waiting for our order, Tita Lein turned to talk to me.

"Kumusta ka, hija?"

"Ayos naman po ako, tita. I'm happy to be back," sabi ko. Tita Lein smiled and held my hand.

"How's your heart?" she asked and I immediately got what she meant. Rea smiled at me when I turned to her. She even nodded as if giving me the courage to speak what I feel.

"I'm not fine, tita but, I'm trying to be fine," I truthfully said. I've been trying to be open to whoever who asked me about how I feel. I don't see the point of denying.

"I'm sure, your boyfriend is doing well, hija. You did those for him so, I'm certain that he's not mad at you," Tita Lein said.

"He's not my boyfriend anymore, tita," I smiled sadly. Our food came but, the talk is still going on. Rea joined the conversation and told me that it's okay to be sad.

That night, I stayed in my room contemplating to myself whether to check on him or not. Hawak ko ang phone ko at wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumitig sa account ko. Ang account ko na matagal kong hindi binisita. Si Rea nga kasi ang nagha-handle no'n pero, ngayom ay hindi ko alam kung bakit naisipan kong buksan 'yon.

"Shall I check on him?"

Bumuntonghininga ako pero bago pa man ako makapagdesisyon, nakita kong napindot ko na ang pangalan ni Kaloy at na-open ang convo namin.

"What the hell?!" I shouted when I saw a sticker sent to him. Walang laman ang convo namin dahil official account ko ang gamit ko at may lumabas na mga sticker. "Unsend! Unsend!" sigaw ko.

I took a deep breath when I managed to unsend the sticker. It's a pink sticker with hearts on it and a text saying I love you, for pete's sake!

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon