Chapter 1

590 23 0
                                    

"Tapos ka na ba diyan?" masungit na tanong ni Steven sa 'kin habang prenteng nakaupo sa sofa niya.

"Yes po sir," sagot ko saka tumayo at ipinagpag ang mga dumi na nakita sa damit ko.

"Good. Now leave," dali-dali akong umalis sa harapan niya dala ang mga ginamit kong panglinis.

"Ayos ka lang ba Ria?" tanong ni aleng Lourdes sa 'kin nang makita ang lungkot sa mga mata ko. Ngumiti ako at pinigilang hindi maiyak sa nangyari kanina. Dalawang linggo palang akong katulong dito pero pakiramdam ko ay hindi ko na kaya.

"Uuwi ka na ba?" tanong ni aleng Lourdes.

"Opo aleng Lourdes. Naghihintay na po kasi sa 'kin ang anak ko e," malungkot na sabi ko dito saka nag tungo sa maid's quarter at hinubad ang uniform na suot.

Bago ako tuluyang umalis, tinignan ko muna si Steven na ngayon ay umiinom na ng alak habang may kausap sa cellphone nito.

Nang makauwi ako sa bahay ay walang tao. Napabuntong hininga nalang ako nang mapagtantong hindi pa umuuwi ang anak ko kasama ang ninang Divine niya.

Umupo ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan.

"Mama," nagising ako dahil sa boses ng anghel na tumawag sa 'kin. It's no other than, my baby angel.

"Yes baby?" Sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi na ikinatawa niya. Nakatulog pala ako. Anong oras na ba?

"Where's Divine?" tanong ko sa anak ko nang mapansin na wala ang anino ni Divine sa paligid.

"Nandito ako," napatingin ako sa kusina nang marinig ang boses niya na nanggaling doon.

"Thank you Vine," sabi ko dahil inalagaan niya ang anak ko ngayong araw.

"Don't mention it Ri. We're best of friends 'di ba?" natawa kaming pareho sa sinabi niya.

"Mauna na 'ko. May gagawin pa kasi ako Ri," paalam nito saka umalis.

"Mama, are we going home?" napakunot noo ako nang diko maintindihan ang ibig sabihin ng anak ko.

"We are home baby," sabi ko ng maguluhan sa sinabi niya dahil nasa bahay naman namin kami ngayon.

"In Canada mama. I want to meet papa," nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ng anak ko. Alam kong matagal na niyang hinahanap ang ama niya pero kahit ako, hindi ko alam kung matatanggap ba siya ng ama niya. Base sa pag obserba ko sa ama niya ng dalawang linggo, hindi ako sigurado. Hindi nga niya alam na nakasama niya ko sa isang gabi. Hindi rin niya alam na may anak siyang nangangailangan nang paglinga niya.

"Baby, pupunta tayo ng Canada 'di ba sabi ni mama pero hindi para hanapin si papa. Pupunta tayo ng Canada para bisitahin si tita Agatha at si Oceanie." Sabi ko sa kaniya at ganoon nalang ang lungkot ang nakikita ko sa mga mata ng anak ko. Ayaw ko siyang paasahin kaya kahit na masakit. Dapat malaman niya ang sadya namin sa pagpunta ng Canada.

Ang alam niya kasi ay nasa Canada ang ama niya. Maski ako, akala ko sa Canada nakatira si Steven dahil doon kami nagkita sa bar. It was a one night stand and lasing siya that time. Stupid of me, dahil nagpadala ako kahit na hindi naman ako naka inom.

Nasa Canada ako that time dahil binisita ko si Agatha doon dahil birthday niya.

Agatha is my best friend. Siya ang kasama kong umalis nang tumakas ako sa bansa ng minsang palayasin ako ng mga adopted parents ko pero nauna siyang umuwi sa Pinas dahil sa nagkaayos na sila ng ama ni Oceanie na anak nila. Nagpa-iwan ako to cool off at doon ko nakilala si Steven.

It's been 6 years nang umalis ako ng Canada para bumalik ng Pinas at limang taong gulang na ang anak ko. Ang bunga sa isang gabi na nakasama ko si Steven. Naiinitidihan ko na hinahanap niya ang papa niya because he's longing for his father's love na kahit na anong gawin ko, ay hindi ko mapuna.

"Mama you always telling me that papa is busy. I haven't meet him even once. I just want to meet him kahit na one minute lang mama." Naiiyak na sabi ng anak ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya.

I am trying my best na lumapit kay Steven. Pumasok ako bilang katulong para makilala siya. Gusto kong makilala siya ng anak ko. Pero natatakot ako na ayawan siya ng papa niya. Ayaw kong masaktan ang anak ko dahil doon.

"Okay so ganito, when we arrive in Canada, mama will look for papa and I'll tell him to meet you. Is that good?" Tumango naman siya, umaasang mangyayari ang sinabi ko. I'm sorry baby. Mama needs to lie.

Maraming pumapasok sa isipan ko. Paano kung malaman ni Steven at kung tanggapin niya ang anak namin ay ilayo niya sakin ang bata. Paano ako?

Pero kapag naiisip ko ang pagnanais na makita ng anak ko ang ama niya, mas nanaig sa 'kin na kilalanin si Steven para sa anak ko kahit na may possibilidad na ilayo niya sa 'kin ang bata.

(Before Ria work to Steven)

Nasa sala kami ng mga kaibigan ko na si Angie, Divine at Lia. Si Agatha lang ang wala dahil nasa Canada ito ngayon.

"May ipapakita kami sayo Ri," it was Angie at lumapit siya sa 'kin dala ang isang magazine. Ibinaba ko ang juice na kasalukyan kong iniinom at tinignan siya.

"What is it?" tanong ko.

Imbes na sagutin ako ay binigay niya sa 'kin ang magazine na hawak niya.

Naguguluhang tinignan ko ito at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mukha ng lalaki na nakasama ko sa isang gabi sa Canada.

Nang mag angat ako nang tingin ay seryoso na silang tatlo na nakatingin sa 'kin.

"He's the man, right?" tanong ni Lia na nakatingin lang sa TV.

"How did you know?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hunch! Sabi mo Canadian ang ama ni Hivo pero are you sure na Canadian nga? Baka kasi kagaya mo ay napadpad lang sa Canada that time," unang paliwanag ni Angie.

"That was our first clue na baka hindi Canadian o nakatira sa Canada ang ama ni Iv. It was just your assumptions na taga Canada ito since doon mo nga siya unang nakilala. Second is, kahit sino Ri, malalaman na malalaman agad na mag-ama sila dahil kuhang kuhang lang naman po ng anak mo ang buong physical appearance ng ama niya. Galing lang siya sa petchay mo pero nagmana siya sa nagmamay-ari diyan sa pumasok sa petchay mo." Natatawang ani ni Angie.

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon