"Bakit ka lumalayo? Mabaho ba ako?" maktol ni Steven na ngayon tinatapunan ako ng masamang tingin. 'Teka! Ba't parang galit siya?' nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
"Po? Hindi naman po ako lumayo ah" pagsisinungaling ko at dahan-dahang humakbang papalapit sa kaniya. Kinuha ko ang sandok at hinalo ulit ang ulam na niluluto.
"Tss.. Para kang timang" sabi nito at agad na kinuha ang kamay ko at sinabayan ako sa paghalo ng pagkain.
Tahimik lang ako habang pinapakiramdaman siya at ganoon nalang ka lakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang labi nito na nakadikit sa leeg ko.
"Sir.. ano pong ginagawa niyo?" napapikit ako ng lumapat sa balikat ko ang labi niya.
"Tinutulungan ka" sabi nito sa mababang boses habang ang labi ay hinahalikan ang leeg ko papuntang balikat.
Kaya habang kaya ko pa ay marahan akong lumayo ng konti sa kaniya at nagtatakang nakatingin sa mga mata niyang may pagnanasa na nakatingin sa'kin.
"Bakit na naman?" nakasimangot na ang mukha nito habang nakatingin sa'kin. Ang sarap kurutin lalo na't kinukurot ko ang pisngi ng anak ko pag nakitang naka-simangot ito.
Kung makita ito ng mga kaibigan ko, siguradong ganoon din ang sasabihin nila. Dahil hindi naman talaga maikakaila na magka mukha ang dalawa.
"Naiilang po kasi ako sir" sabi ko dito na totoo naman. Bumuntong hininga ito at umupo sa upuan na malapit sa mesa.
"Tinanggihan ako. Ako na gwapo, mayaman at gwapo ulit" rinig kong binubulong nito na dahilan kung bakit ako natawa nang bahagya.
"Maganda rin naman ako" wala sa sariling nasabi ko na siya'ng ikinalaki ng mga mata ko.
"Anong sabi mo? Maganda ka?" sabi niya na lumingon pa talaga sa gawi ko.
"Opo" sagot ko habang pinipigilan ang mangiti sa kakulitan niya.
"Maganda?" ulit nitong tanong habang sinusuri ang buong katawan ko. Nang mapadako ang paningin niya sa mukha ko ay nakita ko ang pag galaw ng adams apple nito tanda na lumunok ito.
"Hindi ba?" mahinhin kong tanong sa kaniya.
"Maganda" sabi nito at agad na umiwas nang tingin habang naka kamot sa batok niya. Nang makitang hindi na ito nakatingin ay marahan akong natawa na walang ingay saka inasikaso ang pagkain.
Kahit sa pagkain ay panay pa rin ang pag nakaw ng tingin sa'kin ni Steven at nagkunwari na lamang akong abala sa ginagawa.
Pumunta ako sa hardin nila at bininyagan ang mga bulaklak niya dito. For a man like him, nakakatakang may hardin siya sa bahay. Ang cute lang.
Masaya ako sa pagbibinyag nang bigla na naman siyang dumating dala ang kape na tinimpla ko sa kaniya kanina.
Madilim ang mukha nito na nakatingin sa akin. No'ng una ay nakatayo lang ito sa malayo kaya nagtataka ko siyang tinignan. Nagulat nalang ako na nag martsa siya palapit sa pwesto ko. Nilagay niya ang kapeng dala niya sa mesa bago lumapit sa'kin.
'Bakit parang galit siya? May nagawa ba kong hindi niya nagustuhan?' takang tanong ko sa sarili ko.
Agad niyang nilagay ang dalawa niyang kamay sa mga balikat ko at hinihingal na nakatayo sa harapan ko.
Nakayuko ito dahil sa mas matangkad ito sa'kin at madilim ang mata nito na parang hinuhukay ang kaluluwa ko sa pamamagitan ng bawat titig niya.
"Are you seducing me?" agad na tanong niya nang makabawi na siya namang ikinagulat ko.
"Huh?.. me? seducing.... you?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Yeah.. What else? Halata naman na you were seducing me" sabi pa nito.
Gusto kong matawa pero baka mapikon lang siya. Kung namana ng anak namin ang ilan sa ugali niya, alam ko na ang reaction niya pag tinawanan ko siya.
"I'm sorry sir but no sir" magalang na sabi ko dito.
"Of course you are! Stop lying.. I know that you're seducing me" pinaggiitan talaga nito ang gusto niyang mangyari.
My God anak, namana mo nga sa ama mo ang ugali na yan. Siguro kung nasa iisang bahay kami, kasama ang anak namin, sasakit ang ulo ko. Wait- ano bang pinag-iisip ko. Erase that!
"No sir. Hindi po talaga. If I'm seducing you then.." sinadya kong bitinan ang sasabihin ko at tumingkayad para maabot ng bibig ko ang tenga niya.
"Nakahubad na sana ako ngayon" sabi ko in my seductive tone but mali ata yung ginawa ko dahil ako yung biglang nag-init.
Pumula ang buong mukha niya at agad akong tinalikuran at pumasok ng bahay. Dahil sa ginawa niya ay hindi ko napigilang matawa. He's impossible.
'Mukhang mag e-enjoy si mama na asarin ang papa mo anak' bulong ko sa hangin habang nakatingin sa papalayong bulto ni Steven.

BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
RomansKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...