Nakarating kami sa tagaytay ng ligtas. Ang bahay na pinuntahan namin ay galing sa kay lola ko na ipinamana sa'kin. Ang bahay na ito na lang ang natitirang ala-ala ko kay lola kaya kahit na hirap ako sa pera ay hindi ko pa rin ito ibinenta.
"Babe bakit nga ba dinala mo ako dito aside sa gusto mo ko masolo? May plano ka bang gawin dito kasama ako?" Puno ng kamanyakan na sabi ni Steven.
"Naku! ikaw'ng lalaki ka huwag mo 'kong simulan." Natatawang sabi ko sa kaniya pero parang hindi naman umobra ang pananakot ko dahil tinawanan niya rin ako.
"Seryoso babe, bakit mo nga ba ako dinala dito? May problema ba? May gusto ka bang sabihin sa'kin?" Kinakabahan man pero pinilit ko pa rin ngumiti. 'Ito na ba? Sasabihin ko na ba? Tama ba 'tong gagawin ko o mali?' Tanong ko sa sarili ko."Ano Steven pwede bang ano mamasyal muna tayo sandali? Sulitin muna natin ang araw na ito. Gusto rin kasi kitang makasama. Gusto kitang makilala. Pwede ba yun?"
Bakas sa mukha ni Steven ang pagtataka sa sinabi ko pero pumayag rin ito at kinuha ang itak na gagamitin sa paghati sa mga kahoy.
Dahil minsan lang kung dalawin ko ang bahay na ito kayo walang masyadong kagamitan sa loob kahit ang anak ko na si Hivo ay hindi pa rin nakakapunta dito.Abala ako sa paglilinis nang yumakap sa akin si Steven patalikod. Tinignan ko siya at tinanong "bakit?" sabi ko.
"Nasabihan na ba kita na napakaganda mo?" Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. "Sira ka talaga sabi ko" dito.
Humarap ako sa kaniya at mapangahas na hinawakan ang pisngi niya. Iniisip ko sa oras ba na malaman niya ang lahat ganito pa rin siya sa akin?
Kabaliwan man isipin pero pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na siya nawala sa sistema ko. Siya na ama ng anak ko, ang unang lalaking pinagkatiwalaan ko ng sarili ko.
Matagal kitang hinanap Steven, mula Canada hanggang Pinas. Hinahanap kita hindi dahil sa hinahanap ka na ng anak natin, hinahanap kita kasi gusto kong makita ka.
"Bakit ganiyan ka makatingin babe?"
"Bakit? paano ba kita tignan?" tanong ko
"You're looking at me like ang gwapo ko, na gusto mo ko, na mahal mo ko. Are you in love with me?" Seryosong tanong niya.
"Assuming mo naman," natatawang sabi ko.
"Sure ka bang hindi pa tayo nagkita kahit kailan babe?"
"Bakit mo naman naitanong? Paulit-ulit ka nalang e. Feeling mo nag kita na tayo noon?"
"Doubt." sabi niya. "Tama. Kasi kung nagkita man tayong noon sigurado naman akong hindi kita makakalimutan kahit kailan.. so yeah.. feeling ko hindi pa tayo nagkikita kahit na pamilyar ka sa akin," sabi niya. Nakalimutan mo na nga kung sino ako e.
A-Ayain ko na sana siya na lumabas ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang hindi inaasahang bisita.
"Sino ka?" tanong ko.
"Ikaw ang sino," sabi niya.
"Amanda what are you doing here? Paano mo natunton ng lugar na ito? Pinapasundan mo ba ako?" Galit na tanong ni Steven.
"Why are you so mad? Yes. pinapasundan kita and I have the rights to do that dahil ako lang naman ang magiging ina ng anak mo, ang tagapagmana ng kumpanya niyo"So siya si Amanda ang tinutukoy ni Hannah. No wonder na hindi siya gusto ni Hannah dahil manggagamit. Halata namang pinagpipilitan lang ang sarili kay Steven. Hindi naman kagandahan, fyi mas maganda pa ako sa kaniya.
"What are you talking about? Nababaliw ka na! Ilang beses ko na bang sabihin sayo na hindi akin yang dinadala mo so bakit mo pa ba pinagpipilitan na ako ang ama niyan e matagal na tayong wala?!"
Nakataas ang kilay ko habang pinapanood sila na nagsisigawan sa loob ngh bahay ko. Wala akong balak na makialam sa kanila dahil problema nila yon pero oras na galawin ako ng babaeng baliw na yan, makakatikim talaga siya sa akin.
Hindi ako gaya ng ibang babae diyan na umiiyak sa gilid at hahayaang apihin na lang sila ng kung sino-sino. Kung maldita siya pwes maldita din ako.
"Bakit mo ba ako pinag tatabuyan? dahil ba sa maid na yan? My God Steven, how many times do I have to tell you na sa'yo nga ang bata na ito? Anak mo to, dugo at laman mo to!""Alam ko kung sino-sinong mga babae ang pinag lagyan ko nang mga binhi ko and for your information wala pang sinong babae na pinaglagyan ko nito.. well.. except for one." sabi ni Steven at makahulugang lumingon sa'kin. Namula ako bigla ng maalala yung nangyari samin kamakailan.
"How dare you for cheating on me!" Sabi ni Amandaconda. Yeah, She looks like a snake.

BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
RomanceKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...