Chapter 7

282 12 0
                                    

Nagising si Steven sa gitna ng gabi at agad na tinignan ang babaeng katabi niya. Ang babaeng nakakuha ng attention niya mula ng dumating ito sa bahay niya. Wala siyang ideya na isang babaeng napaka ganda pala ang papalit sa katulong na nag resign kamakailan. Wala siyang alam tungkol kay Ria na pumalit na kasambahay dahil kaibigan lang naman niya ang pinaasikaso niya tungkol dito.

Unang araw palang ng pumasok ito sa bahay niya na si Ria dala ang isang maliit na bag na naka-tayo sa harapan niya habang uminom naman siya ng kape ay napatitig na agad ito sa mukha ng dalaga. Para kay Steven, si Ria ang pinaka magandang babae na nakita niya. Pero ang dalaga ay tila mailap at naiilang sa kaniya na ikinainis niya sa hindi niya malamang dahilan.

Sinusungitan niya ito pero palihim na pinagmamasdan pag naglilinis. Hindi niya alam kung bakit parang tila napako na yata ang mga mata niya sa bagong katulong niya.

Sinusubukan niyang maki pag-usap dito pero halatang hindi kompotable ang dalaga sa presensya niya.

Hindi niya akalaing katulong niya ang isang magandang dilag na kagaya ni Ria. Para kay Steven, ang kagaya ni Ria ay maaaring galing sa isang marangyang pamilya. Halata sa itsura nito ang dugong banyaga at mala porcelena nitong kutis na nagpapatunay lamang na hindi ito galing sa mahirap na buhay.

Kaya labis ang pagtataka niya kung bakit nandito ang dalaga sa bahay niya at nagtatrabaho bilang katulong.

Kung nahuhumaling siya sa ganda ng mukha ni Ria ay mas lalong nahumaling si Steven sa mga mata nito. Mga matang pumukaw sa attention niya kung kaya, nasabi niya sa sarili niya na nakita na niya ang mga matang yun dati pero hindi niya lang matandaan kung saan at kailan.

Nang magising, ay hindi niya mapigilang haplusin ang pisngi ng dalaga. Masaya siya na nakasama niya ito sa gabing ito, at tumugon si Ria sa init na nararamdaman nila.

Aalis na sana sa kama para kumuha ng tubig ay nag ring ang cellphone ni Ria na nasa bag at nasa sahig ng kwarto niya. Kumunot ang noo ni Steven sa pagtataka kung sino ang tumatawag kay Ria sa ganitong oras.

"It's already midnight. Who is it?" kuryusong tanong ni Steven sa sarili.

Alam niyang hindi magandang paki alaman ang gamit ng iba pero kinakain siya ng kuryusidad. Kaya kinuha niya cellphone ni Ria sa bag nito at nakita niya ang caller na nagpaigting ng panga niya.

'MyLove' ang tumatawag ngayon kay Ria na si Hivo, pero dahil hindi alam ni Steven kung sino ang MyLove na tumatawag sa dalaga, ay napuno ng inggit, selos at inis ang sistema niya. Balak niya na sanang sagutin ng namatay ang tawag.

While on the other hand, nakahiga si Hivo sa kama kasama ang kaibigan ni Ria na si Lia. Siya ang nakatoka na bantayan ang bata dahil wala naman siyang trabaho every night unlike Divine. Nagising ang bata at tinatanong kay Lia kung tumawag ba ang ina nito habang natutulog siya, pero sinagot ito ni Lia ng hindi dahil hindi naman talaga nakatawag si Ria sa anak dahil gumagawa ito ng milagro kanina kasama si Steven.

"Tita, is mama okay?" tanong ni Hivo.

"Yes baby. Why are you asking?" sagot ni Lia sa bata.

"Why is she not calling me kanina?" nagtatakang tanong ni Hivo at deep inside, nagtataka rin si Lia kung bakit hindi nga nakatawag ang kaibigan ngayong gabi which is unusual dahil lagi itong tumatawag para kamustahin ang anak.

"Do you want me to call mama for you?" tanong ni Lia para makampante ang bata.

Kinuha niya ang cellphone ni Hivo na nasa table malapit sa kama nila para tawagan ang kaibigan. Pero naka-ilang ring na ito ay hindi pa rin sinasagot ang tawag na ipinagtaka ni Lia. 'Anong nangyari sayo Ria? Why are you not picking up the phone?' sabi ni Lia sa isipan. Dahil sa inaantok pa rin si Hivo ay dahan-dahan itong pumikit at nakatulog. Natapos ang tawag na walang sumasagot, kaya tumingin si Lia sa gawi ng bata at nakitang tulog na ito ulit.

Hindi na niya ito tinawagan pero tinext niya ito saka natulog ulit.

"Why are you not answering the call, babe?" Lia's style is to call her friends babe na minsan na mi-misinterpret ng iba.

Going back to Steven, after I read the message from 'MyLove' ay agad akong umalis. She has a babe and yet, she let me f*ck her. Great! Just great! Is he her first? It doesn't matter to me if I'm not her first because I respect her. Nakaka-proud kung ako ang naka una sa kaniya, pero kung hindi ay ayos lang naman dahil she is great, beautiful and amazing woman kaya masaya ako na tumugun siya sa mga halik ko ng walang aalinlangan.

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon