Chapter 10.1

274 11 0
                                    

"Amanda wake up! Matagal na tayong wala! it's you who cheated on me first at naka move-on nako so please do the same."

Ows. So may something pala talaga sa kanila noon. What happened then?


"But Steven I'd still love you. We're having a baby now. So why are you like that? Diba noon mo pa naman gusto na magka anak tayo? Remember you followed me to Canada 6 years ago para makipag ayos sa akin. You love me and I know that! Inaakit ka lang ng katulong na yan. Please come back to me!" Pagmamakaawa na sabi ni Amanda.


So siya ang rason kung bakit nagpakalasing noon si Steven. So siya ang rason kung bakit nasa Canada si Steven 6 years ago.

Well.. too bad for her dahil nakita ko si Steven that time. Binasura niya na diba so pinulot ko. Thanks to her dahil nakilala ko si Steven doon. Thanks to her dahil si Steven ang naging ama ng anak ko.

Dahil nababagot na akong panoorin ang drama ng babae na yan so I exit myself para kumuha ng sandwich. Nagutom yata ako bigla. Bahala sila diyan!

"Where are you going babe?" Tanong ni Steven.


"Ano.. kuha lang muna ako ng sandwich, nagutom kasi ako e.. Sige lang, usap muna kayo diyan," sabi ko


Kukunin ko na sana yung lady's choice mayonnaise kaya lang ay wala ito.

"Naku naman sa lahat pa naman na maiiwan ko ay yun pa." Tumingin ako kay Steven na hanggang ngayon ay kinakausap pa rin yung Amandaconda.


"Steven" Tawag ko pero dahil busy pa rin ito sa Amandaconda na yun, so may naisip akong kalokohan para mas lalong inisin yung babaeng bruha. Naiinis talaga ako sa ka plastikan niya e. Sinisira ang bakasyon namin ni Steven. Sinisira ang plano ko. Lintek siya.

"Babe," tawag ko sa laging tinatawag sa'kin ni Steven for the first time.


Nakita ko ng huminto siya sa pagsasalita sabay sagot na "Yes babe?" at lumingon sa akin ng may nakakalokong ngiti. G*go to. Haha


kinagat ko ang pang ibaba ng labi ko para pigilan ang aking pag tawa saka tinanong siya kung


"Ano babe.. tapos na ba kayo diyan?"

"Yes," sabi ni Steven

"No. We're not done talking yet." Galit na sambat ni Amandaconda.


"Ano babe.. pasuyo muna ako. Pwede bang bumili ka muna ng lady's choice diyan sa kabilang tindahan? Ako muna bahala sa bwisita mo," sabi ko.

"Yes. Sure babe" umalis agad si Steven at hindi pinansin ang sigaw ni Amandaconda sa kaniya.


"You b**ch sinadya mo yun noh?" gigil na sigaw nito sa'kin.

"Congrats may tama ka," pang iinis ko at nginisihan siya.

Susugurin na sana niya ko dahil sa inis pero tinaas ko ang hawak kong kutsilyo sa kaniya.


"First of all may hawak akong kutsilyo. Second, nasa teritoryo kita. Third oras na lumapit ka sa'kin ng isang lakaran nalang ang layo, tatarak tong kutsilyo na to sa lalamunan mo. Tandaan mo yan. Wag ako girl kung demonyo ka mas demonyo ako"


"Hindi mo maagaw sakin si Steven tandaan mo iyan." Gigil na sigaw niya na akala mo naman ay ikinaganda niya.

"Girl for the record nagawa ko na. Wala pa nga akong ginagawa. How much more kung may gawin ako," nakangiting pang iinis ko sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam e pag alam mong inis na inis na ang kaharap mo dahil sa'yo.

"Of course magagawa mo yan kasi malandi ka naman talaga. Trabaho niyo yang malandi, ang mang-agaw diba?"

"It's okay. Nilandi ko nga, nagpalandi naman so quits lang kami e ikaw nilandi mo na nga, hindi naman nagpalandi, so ano ka ngayon? Pangit mo," sabi ko at hindi napigilan ang matawa.


"Argh! I hate you!"


"The feeling is mutual so I hate you too"


"Hindi porke't nasa sa'yo si Steven ay sayo rin kampi ang pamilya niya. For the record b*tch close ako sa pamilya niya so wag ka nang umasa pa. Pera lang naman ang habol mo sa kaniya" sabi nito at umalis. Napa-iling nalang ako at tiningnan ang message na pinadala ni Hannah.


Picture nila ni Hivo. Nasa parang may pool sila at si Hivo ay nakahalik sa pisngi ni Hannah habang ang dalaga naman ay malaki ang ngiti sa camera. It looks like they are having fun.


"Hi future sister-in-law, your son is so sweet," text nito after the picture.

No wonder na nagseselos na sina Divine kay Hannah dahil halatang close na ang bata sa tita niya.


"Where's Amanda?" Tanong ni Steven pagdating nito.

"Umalis na," kibit balikat na sagot ko.

"Okay"


"Are you sure na hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya?" Tanong ko.

"Yes. I didn't touch her. She just came in 2 months ago at sinabing anak niya yung dinadala ko which is impossible dahil matagal na kaming hindi nagkikita."

"Then why would she insist na ikaw ang ama ng anak niya?"

"I don't know. My mom is just good to her kaya pinatuloy siya ni mommy."

"Are you sure?" Tanong ko.


"Yes. Isa pa, wala akong planong magka anak. Wala pa akong planong iwan ang kalayaan ko. And gusto ko munang makasama ka, na tayo lang," sabi ni Steven na nagpawala ng ngiti sa labi ko. Ngumiti ako ng pilit at kinuha ang mayonnaise na binili niya.


"Bakit?" tanong ko.


"Anong bakit?" tanong niya.


"Nothing.. Ano, kumain na muna tayo bago tayo pumasyal. Nagutom kasi ako," sabi ko at tumalikod para ibasura ang DNA result na nasa bag ko.

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon