Chapter 12

340 11 1
                                        

Warning!!

"Hoy ipagtimpla mo nga ako ng gatas," di ko mapigilang umirap ng umiral na naman ang kamalditahan ni Amanda. Literal na pinag-iinitan niya talaga ako.

Para wala ng gulo ay sinunod ko na lang ang mga utos niya. Sabado ngayon at kami lang tatlo ni aleng Lourdes sa bahay dahil may urgent meeting si Hannah sa producer niya. Si Steven ay gabi pa kung umuwi kaya hindi na kami nagkaabutan sa bahay niya.

"Ako na diyan Ria," sabi ni aleng Lourdes. Ngumiti ako at umiling sa kaniya. Alam ko naman na ginagawa lang 'to ni Amanda para inisin ako.

"Hindi na po manang. Kaya ko naman." Matapos kong magtimpla ay agad ko itong dinala sa kaniya.

"Heto na po," magalang na sabi ko. Hindi ko siya pwedeng bastusin dahil magsusumbong lang siya sa ina nina Steven at Hannah at mapapahamak pa 'ko.

"Ayoko na pala niyan. Gusto ko ng juice at ipag bake mo ko ng cookies," parang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi ako naka kilos agad at huminga na lang ng malalim.

Gusto ko siyang sabunutan. Pasalamat siya at buntis siya. Sobrang mahabang pagpapasensya ang ginagawa ko sa kaniya.

"What are you waiting for? Alis?" aniya.

Wala akong ginawa kundi sundin ang utos ni Amanda buong araw. Naaawa na sa'kin si manang at gusto ng akuin ang ibang ipinag utos ni Amanda pero hinindian ko ito. Alam ko naman na gusto lang talaga akong pahirapan ng babaeng 'yon.

Bago mag hapon ay umuwi si Steven. Kasalukuyan kong tinatapos ang pagpupunas ko sa sahig.

Nasa sala ako at si Amanda naman ay nakahiga sa sofa habang nanunuod ng palabas.

"Welcome home baby," rinig kong sabi ni Amanda. Huminto ako sandali pero agad ring nagpatuloy. Hindi na rin ako nag-abala na tignan sila dahil plano kung umuwi ng maaga para lutuan ang anak ko ng paborito niyang ulam.

Nakita ko ang dalawang pares ng sapatos ni Steven sa harapan ko kaya wala akong nagawa kundi ang tignan siya.

"Hindi mo ba ako papansinin?" Kunot noong tanong nito.

Tinignan ko si Amanda at masama ang tingin na ipinukol nito sa'kin.

"Welcome home," sabi ko ng ibalik ko sa lalaking ama ng anak ko ang paningin ko.

"What are you doing?"

"Naglilinis?" Sagot ko.

"Yeah.. But bakit? I told you na wag ka ng magtrabaho sa'kin," imbes na sagutin siya ay minabuti ko na lang na kunin ang mga gamit ko at iniwan siya. Ayun na naman siya sa gusto niyang mangyari.

"So umiiwas ka ngayon?" nakasunod siya sa'kin sa kusina at halatang wala sa mood.

"Bakit ba kasi? Ayoko nga sa sinasabi mo. Gusto kong magtrabaho. Kung ayaw mo e di mag re-resign nalang ako." Naiinis na sabi ko sa kaniya. Nang bumalik siya that day nong dumating si Hannah at Amanda sa bahay, ibinilin na niya sa'kin na wag ng mag trabaho pero tatanggap pa rin ako ng sahod. So ano yun? Hindi naman pwede yun sa'kin.

"Don't you dare babe,"

"Kaya nga wag mo kong pilitin e. Naiinis na ko." Pakiramdam ko ay namumula na ko sa inis ngayon. Kanina pa mainit ulo ko dahil kay Amanda kaya wag niya kong sisimulan ngayon.

"Fine. I'm sorry.. ahm.. Pwede bang dalhan mo 'ko ng pagkain sa kwarto? Gusto kong kumain dun."

Hindi ako sumagot at basta na lang niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Bago pa man ako maka react at tumalikod na siya. Nakasalubong pa niya ang gulat na gulat na si Amanda.

Kita ko sa mga mata niya ang sakit, pang hinayang at galit bago niya kami talikuran ni Steven at umakyat papunta sa kwarto niya.

Mukha namang walang pakialam si Steven dahil umakyat rin ito papunta sa kwarto niya. Maya-maya ay lumabas si aleng Lourdes at lumapit sa'kin.

"Anong ipapaluto ni Steven?" Tanong niya.

"Wala pong sinabi,"

"Ganoon ba? Sige ako na lang ang magluluto," aniya.

Alam kong alam na ni manang ang namamagitan sa'min ni Steven. Alam ko dahil wala namang pakialam si Steven kung malaman ng lahat ang tungkol sa'min.

"Ria, wag mo sanang mamasamain. Alam kong mabuti kang bata, pero pwede bang malaman ang attention mo sa alaga ko?" Tanong ni aleng Lourdes sa'kin na ikinagulat ko.

"Hindi ko sinasadya pero narinig kita minsan kausap ang anak mo."

Napigil ko ang aking hininga and kinakabahan na tinignan siya.

"Po? A-Ano pong i-ibig niyong sabihin aleng Lourdes?" Nauutal na tanong ko sa kaniya.

"Bakit ka kinakabahan? Ang sabi ko lang naman ay narinig kong may anak ka. Nagtataka kasi ako kung bakit isang gaya mo ay nagtatrabaho dito. Pang mayaman ang tindig mo at halata sa pananalita mo na galing ka sa isang may kayang pamilya. Noong una, balewala lang sa'kin pero nong narinig kita na kausap ang anak mo, ang sabi mo ay malapit mo nang makita ang ama niya. Kaya napapaisip ako kung sino ang tinutukoy mo"

Nanlumo ako bigla sa sinabi ni aleng Lourdes. Pakiramdam ko ay nabisto ako sa salang hindi ko naman ginawa.

"Akala ko nong una ay gaya ka nila, na manggagamit," dagdag niya. "Pero sa nakikita ko ay mabait kang tao," sabi niya.

"Hindi ko na tatanungin kung anong pakay mo dito. Ang gusto ko lang malaman kung anong intention mo sa alaga ko, kung masama ba o hindi." Seryoso ang boses nito, malayo sa malambing na aleng Lourdes.

"Wala po akong masamang binabalak manang. Maayos po ang intention ko dito. May gusto lang akong malaman kaya nag trabaho ako dito," sabi ko. Alam ko na ang turing niya kay Steven ay anak at alam ko yun dahil ganoon ako sa anak ko.

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon