Chapter 1.1

371 17 0
                                    

"I heard naghahanap siya ng new maid ngayon." Dagdag ni Lia hindi pinansin ang biro ni Angie.

"Yeah. Siya si Steven Marcus Alvante. Isa sa kilalang mayaman na bachelor sa bansa. Naku! Malaking isda nabingwit mo Ri," sabi ni Divine na tinawanan ng lahat.

Hindi pa rin mag sink in sa 'kin ang lahat ng mga nalaman ko ngayon. Matagal ko na siyang hinahanap dahil gusto siyang makilala ni Hivo. Buong akala ko nasa Canada siya, Yun pala... Pero teka- paano pag masama ugali niya? What should I do?

"Gusto kong mag-apply bilang maid niya," sabi ko na ikinatigil ng tatlo.

"We know. We see that coming and don't worry Ri, ikaw na ipapadala bilang bagong maid niya," confident na sabi ni Angie. Perks of having connections.

(Back to present)

"Saan tayo mag s-stay mama?"

"Sa hotel muna anak bago tayo pupunta sa bahay ng tita Agatha mo," sabi ko sa kaniya.

Kung excited ang anak ko, kinakabahan naman ako. Gusto ko sanang walang aberya ang pagtapak namin pabalik sa Canada.

Agad kong sinecure ang anak ko nang tinawag ang pangalan namin. First time ni Hivo na makasakay sa plane but he seems fine. Hindi siya natatakot o nagtatanong ng bagay-bagay. He's observing to his surroundings.

"Hi," napatingin ako sa gilid naming lalaki ng nagsalita ito. Kinakausap niya ang anak ko na busy kakatingin sa paligid.

The guy looks like in his thirties. Gwapo at halatang edukado.

"Hello po mister," sabi ng anak ko at binalingin ako nang tingin.

"Mama, can I talk to him? You're here naman so I'm safe to talk with strangers, right?" Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi niya. Sa panggigil ko ay hinalikan ko ang magkabilang pisngi nito.

"Of course anak," sabi ko at mukhang narining ng lalaki ang sinabi ni Hivo dahil natawa rin ito.

"How old are you kid?" rinig kong tanong ng lalaki. Why is he asking? Baka nacu-cutan lang sa anak ko.

"I'm five years old po mister," sagot naman ni Hivo.

"I see. You look familiar," nang sabihin niya 'yon kinabahan ako agad. Kilala ba niya si Steven? Shit! Kung sino man ang nakakilala kay Steven, malalaman agad na magkamuka-magkamuka ito at si Hivo na para bang pinabiyak na bunga dahil carbon copy ng bata ang physical appearance ng ama niya. Baka maghinala ito!

"Baby, sleep ka na. Stop talking na with that stranger anak," sabi ko at mukhang inaantok na rin siya dahil isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan at humikab.

Nang mapatingin ako sa lalaki, taimtim siyang nakatingin sa akin at sa anak ko. Parang inoobserbahan kami.

"Don't you mind if I ask you miss kung anong pangalan mo?" tanong niya.

"Hindi ako nagbibigay ng impormasyon namin sa kung sino sir. If you don't mind, please mind your own business." Hindi ko mapigilang magtaray dahil hindi na maayos ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang may hatid siyang hindi magandang balita sa 'kin.

"I see,"

Tumahimik naman siya kaya nakarating kami sa Canada nang walang sagabal.

Nang makababa na kami, hindi na mapigilan ng anak ko na makaalis sa airport. Excited na excited na talaga siyang ma explore 'tong bansang ito.

"Bro, I saw a kid. Yeah. He looks exactly like you..." Sabi nang lalaki na nakausap namin kanina. May kausap siya sa phone and nakatalikod sa amin kaya hindi niya kami nakikita.

Kaibigan ba siya ni Steven? Shit! Kailangan na namin makaalis dito. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang lahat. Hindi pa kampante ang loob ko sa kaniya. Hindi ako sigurado kung mabuting tao ba siya. Ayaw kong isa alang-alang ang kaligtasan ng anak ko kahit na ama pa niya ito.

Hinawakan ko ang kamay ni Hivo at dali-daling pumara ng taxi. Lumabas ang driver sa sasakyan at tinulungan kami sa pag pasok ng bagahe namin sa compartment.

Nang papasok na kami sa loob, tinawag ni Hivo ang lalaki na nakausap niya sa plane kanina.

"Mister!!"

Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang marining ang ilang mga malutong na mura nito. Bad timing ka anak, mamaya baka kaibigan 'yan ng papa mo.

"Shit! they are leaving bro," narinig kong sabi niya sa kausap niya sa phone saka ko sinirado ang pintuan.

"Faster mister. Drive us to this address," sabi ko sabay pakita ng address na sinulat ko sa maliit na notebook ko habang nag-aalala na baka kaibigan 'yon ni Steven.

Thank God safe na nakarating kami sa hotel. This is a five star hotel at hindi ko na chineck kung sino ang may ari. Isang gabi lang naman kami dito mag s-stay.

Nag pa book na 'ko online way back in the Philippines so wala nang koskos balungos pagdating namin dito. Maayos ang facility and secure naman ang hotel. Hivo seems to enjoy it.

"I like it here mama," sabi niya. Nasa may malapit kami sa counter, naka upo dahil hinihintay pa namin sandali ang magle-lead sa amin sa kwarto namin.

"Oh my God!" sabi nang babae habang nakatingin sa anak ko. Ang babae ay parang ka edad ko lang. Maraming bodyguards sa likuran niya so she's probably an important person.

"Iwan niyo na ako. I'm safe here," sabi nang babae.

Nagulat ako ng magsalita siya ng Tagalog. Pinoy ba siya? Bakit siya papunta sa gawi namin? Kilala ba niya si Steven? Kung oo patay kami.

"I'm sorry miss. Pero your child looks so familiar."

Parang nawalan nang dugo ang buo kong katawan sa tanong niya.

"I know na Pilipino rin kayo. I heard this cute little angel said the word po. Am I right kiddo? You came from Philippines?" nakangiting tanong niya sa anak ko.

"Yes po," ngumiti lang siya sa anak ko at tinignan ako sa mga mata.

"Kilala mo si Steven Alvante?" tanong niya. Hindi ako sumagot at pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kaba.

"Based sa reaction mo, it's a yes," sabi niya na seryosong nakatingin sa 'kin.

Hindi ako nakapagsalita lalo na ng may staff na nag excuse dahil sasamahan na niya kami sa room namin.

Nag excuse ako sa babae nang kinakabahan pa rin but that woman follows us.

"Thank you," sabi ko sa staff nang maihatid kami sa room namin.

"I am harmless. Can I go inside? No worry I can guarantee you na hindi ako masamang tao. By the way I am Hannah Alvante and yes, I am the sibling of Steven Marcus Alvante."

Now. I'm totally doomed!

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon