Chapter 14.1

253 11 0
                                    

"Para kang sira," natatawang sabi ko kahit ang totoo ay kinikilig ako.

"Tara na. Dalhin mo yan. Gagawa tayo ng buko salad." Sabi ko dahil may nakita akong ingredients sa ref kanina para sa buko salad.

Napaka simple lang ng lahat sa'min ngayon. Walang Amanda. Mas gusto ko ang ganito. Masaya at napaka simple.

"Babe, wanna come with me?"

"Saan?" Naguguluhan kong tanong habang nilalantakan ang banana fries na niluto ko kanina.

"Fishing"

Fishing? Gusto kong sumama. Gusto kong ma try mangisda.

"Yes please," excited na sabi ko. Natawa siya at lumapit sa'kin.

"You like it?" Tumango ako. Tumingin ako sa mga mata niya at nakatingin siya sa'kin na puno ng... Pagmamahal?

Is it true? Or am I assuming things again?

Hinalikan niya ko sa noo at napapikit ako habang ninanamnam ang init niyang halik.

"Alright. Get your things na balak mong dalhin," aniya.

"Food. Magdadala ako ng foods," sabi ko.

"Okay. Hihintayin kita dito," excited na tumalikod ako para kumuha ng pagkain nang biglang tumawag si Divine.

Tumigil ako para sagutin ang tawag.

"Go home Ria," sabi niya. Kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyayari.

"Why? May nangyari ba?" Tanong ko.

"Isinugod namin si Hivo sa hospital." Sabi niya at bigla na lang ang kumabog ang dibdib ko ng malakas.

Tumingin ako kay Steven. Kita sa mukha nito ang pag-aalala. May sinasabi siya pero hindi ko marinig. Ang isip ko ay nandoon sa anak ko.

"Steven, take me home," sabi ko.

"Why? Bakit namumutla ka?"

"Please take me home." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Narinig ko siyang nagmura pero hindi ko na pinansin. Agad kong hinanap ang bag ko.

Gusto ko ng lumipad papunta sa hospital. Papunta sa anak ko.

"Answer me Ria. Bakit? Bakit bigla kang nag-aya umuwi? Why are you crying?"

"My son. Steven, my son needs me. Sinugod siya sa hospital. Kailangan ko siyang puntahan." Sabi ko habang umiiyak. Hindi alintana ang kabayaran ng mga sinasabi ko ngayon. Ang importante sa'kin ay ang anak ko.

"You have what?" Tila nagulat siya sa sinabi ko.

"I'll answer everything later but please take me home. Kailangan ako ng anak ko Steven." Nagmamakaawang sabi ko sa kaniya.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko na rin siya makita dahil sa mga luha sa mga mata ko.

"Okay. Let's go," aniya sa mahinang boses.

Nang nahimasmasan ako ay tahimik lang kaming dalawa. Naka sakay kami sa private jet niya at ngayon ay pababa na. Wala na kong pakialam sa susunod na mangyari. First time madala ng anak ko sa hospital kaya kinakabahan ako.

Naka receive ako ng text from Divine na kailangan kong kumuha ng mga damit ni Hivo sa bahay kaya nagpahatid ako kay Steven sa bahay namin.

Tahimik pa rin siya at hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya. Tsaka ko na siya po-problemahin pag maayos na ang kalagayan ng anak ko.

"Dito lang ako Steven. Thank you," madilim ang mukha nito. Tumango siya at agad na pinaharurot ang sasakyan paalis. Hindi man lang nagpaalam. Parang may kurot sa puso ko dahil dun.

Gusto ko sanang sabihin na ang lahat pero alam kong kukulangin ako sa oras at mas dapat na unahin ko ang anak ko.

Agad na inasikaso ko ang mga damit ng anak ko at agad na nagtungo ng hospital.

"Anong nangyari?" tanong ko pagkarating ko ng hospital.

"Hinihintay pa namin ang findings ng doctor Ri." sabi ni Lia na seryosong nakatingin sa'kin.

"Kanina kasing madaling araw inapoy ng lagnat ang bata. Akala ko sinat lang, pero tumaas ito kanina kaya dinala na namin sa hospital." Sabi ni Divine.

Kasalanan ko to e. Kung ano-anong pinaggagawa ko. Napapabayaan ko na ang anak ko.

"Calm down Ri. Magiging maayos ang lahat." sabi ni Angie.

"Nasa'n si Steven?" Tanong ni Lia.

"Hindi ko alam. I think he's mad. Alam na niya na may anak ako."

"Where is he?" Nagtatakang tanong ni Angie.

"Hindi niya alam na siya ang ama. I think nami-misinterpret niya ang lahat ngayon. I'll explain everything to him kapag ayos na si Hivo." Sabi ko.

Hindi ko alam kung kakausapin pa 'ko ni Steven. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon. What matters to me now ay ang pag galing ng anak ko.

Tumayo ako ng lumabas ang doctor. Agad ko siyang sinalubong.

"Who's the mother of the child?" Tanong niya.

"Ako doc," sabi ko.

"Kamusta ang anak ko? Anong nangyari?" Pahabol na tanong ko sa kaniya.

"Calm down misis. May dengue ang anak mo. Mabuti na lang at nadala niyo siya agad dito."

What? Paano magkaka dengue ang anak ko? I always make sure na walang mababahayan ang lamok sa bahay.

"I think doon sa zoo nang pinasyal sila ni Agatha kahapon." Sabi ni Angie.

"Thank you doc. Please wag niyong pabayaan ang anak ko," nagmamakaawang sabi ko.

"No worry. It's my job. Hindi ko pababayaan ang anak mo. Be ready in case na may urgent na kakailanganin para sa bata. Excuse me, bibisitahin ko muna yung iba ko pang pasyente." Sabi niya.

"Sige po doc."

"What if needed ng blood donor. Don't tell me papupuntahin mo dito si Steven, Ria." Sabi ni Lia. She looks concerned. Hindi ko alam bakit.

"Kung kailangan, oo," sagot ko. Dahil type A ako samantalang negative AB si Hivo. At alam kong pareho ng dugo nito ang papa niya. Kung kailangan ng anak ko ang dugo papa niya in case, then gagawin ko. 

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon