7 a.m pa lang ng umaga at hindi pa rin gising si Steven hanggang ngayon. Nakapagluto na'ko dahil balak kong ayain sana siya kung sasama ba siya sa'kin sa Tagaytay. Hindi ko rin alam kung naaalala pa niya ang mga sinabi niya sa'kin kahapon pero sa ngayon, buo na ang desisyon ko na sabihin sa kaniya ang katotohan tungkol sa anak namin.
Nag ring ang phone ko at nakita ko si Hannah na tumatawag. Tumingin muna ako sa itaas para tignan kung gising na ba si Steven bago ko sagutin ang tawag. Nang masiguro na ligtas na sagutin ang tawag ay sinagot ko na ito.
"Han?" Tawag ko sa dalaga sa kabilang linya.
"My soon to be sister in law. Nasa bahay ka pa ba ni kuya?" Tanong nito. Natawa ako ng bahagya sa tawag niya sa'kin. Maloko talaga, parang kuya niya lang minsan.
"Oo bakit? Wala pa kasi si Aleng Lourdes e kaya stay in ako dito." Sagot ko.
"Naku okay lang yan sister-in-law. Kahit na tumira ka na diyan forever e ayos lang," dahil sa sinabi niya ay tumawa na talaga ako ng malakas. Parang binubugaw niya talaga ako sa kuya niya. Loko talaga.
"Oh ba't napatawag ka?" Tanong ko.
"Ano, ki-kidnap'pin ko lang sana ang anak mo buong araw kung ayos lang. Promise, hindi ko siya ipapahamak. Gusto ko lang talaga maka bonding ang pamangkin ko," sabi niya. Tumahik ako sandali dahil narinig ko ang kalabog sa kwarto ni Steven kaya dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at nag lock.
"Please Ri.. Payag ka na... Swear ibabalik ko siya kay Lia bago mag gabi," dagdag nito.
"Sira! Ayos lang naman. Basta wag mo lang pababayaan ang anak ko ah. If kakain kayo sa labas Han, wag mo siya bigyan ng shrimp. May allergy siya diyan, and he doesn't like to eat beans so if may gulay man, wag mo nalang bigyan ng beans. Medyo mapili talaga si Hivo sa pagkain," sabi ko at nag taka na natawa si Hannah sa kabila.
"Got it Ri. Hindi rin kasi ako into seafoods dahil na rin kay kuya at daddy na parehong may allergy sa shrimps. So yeah, we're not used to it sa mga foods na gan'yan. I think namana ng pamangkin ko yun sa papa niya," paliwanag ni Hannah.
Hindi rin naman nag tagal ay agad na nagpaalam si Hannah para puntahan ang anak ko kaya tinext ko na si Divine na hihiramin ni Hannah si Hivo at nag reply naman agad ang bruha ng got it.
Lumabas ako ng kwarto, at nakasalubong ko si Steven na kakatok na sana sa pintuan ng kwarto. Hubad baro ito at may tuwalya pa na nakapatong sa balikat niya.
Magsasalita na sana ako ng bakit, nang bigla niya kong halikan na ikinagulat ko.
Pagkatapos ay tumalikod siya at nag martsa paakyat sa kwarto niya.
"Sabay tayo mag breakfast baby. Wait for me, maliligo muna ako," sabi niya.
Napahawak ako sa labi ko at nag init bigla sa ginawa ni Steven kanina. Para lang akong teenager na kinikilig sa mga nangyayari kasama ang crush niya.
Dahil dun, bigla kong naisipang mag kape muna at hinintay na matapos na maligo ang lalaking yun. After a while, bumaba ito na parang nag mo-model lang ng damit. Grabe! Totoo ba to?
Lahat nalang yata ng damit niya ay bagay na bagay sa kaniya to the point na parang nag mo-model lang siya for the certain brand. Mga ganiyang awrahan, dapat di pinapakawalan. Assets na pwedeng igala kasama sa mall or sa kahit na sang events. Ang ganiyang itsura na tipong pag bukas palang ng mga mata mo sa umaga ay yan agad ang bubungad. Anong umaga kaya meron ako kung siya ang kasama ko araw-araw?
Hindi ko alam na sobra na pala ang pagtitig ko sa kaniya at nasa harapan ko na mismo ang mukha niya, malapit sa mukha ko. Sa sobrang lalim ko mag-isip, hindi ko namalayan na inubos na pala niya ang kape ko.
"Kanina ka pa nakatitig sa'kin. Ganoon ba talaga ako ka gwapo?" tanong niya.
Hindi ko alam kung anong isa-sagot ko. Ang yabang kasi pero may maipagyayabang naman.
"Oo gwapo," sagot ko .
"Mas gwapo ba sa boyfriend mo? Pwede mo na siyang iwan kasi mas gwapo naman ako," sabi niya kahit na hindi naman niya alam na walang boyfriend na dapat niyang ikompara sa sarili niya. Kung meron man, anak naman niya yun. Parang tanga lang kung ganoon. Magka mukha pa naman sila ng anak niya.
"Mas gwapo naman yun," sabi ko. Pang iinis sa kaniya at mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil masama ang tingin nito sakin ngayon. Hindi ko nalang pinansin at kinuha ang basket na hinanda ko kanina pa.
"Wanna go out with me?" Tanong ko.
"Saan?" masama pa rin ang tingin nito sa'kin pero hindi na gaya kanina.
"Tagaytay," ikling sagot ko.
"Gusto mo akong ma solo? Mag de-date tayo doon?" Nakangiting tanong niya. Asang-asa na oo ang isasagot ko.
"Oo," sabi ko at ngumiti siya na kita ang lahat ng ngipin. Halatang kinilig sa sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
RomanceKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...