Chapter 13.1

245 10 0
                                    

"Alam ko yun. Pero masiyadong magulo sa bahay niya. Lalo na ngayon na pinaniniwalaan ng ina nila na apo niya ang dinadalang anak ni Amanda. Kahit nga ako, hindi sigurado kung hindi nga ba anak ni Steven yung bata sa sinapupunan o sadyang tinatakbuhan niya lang ang responsibilidad niya." Mahabang sabi ko sa kanila.

"Yung buhay niyo parang pelikula. Hindi ko alam sino ang leading lady ni Steven. Ikaw ba o si Amanda." Sabi ni Angie.

"Basta! For me lang ah, dapat mo sabihin mo na kay Steven ang lahat Ri." Sabi ni Agatha. "Anyway, sama ka sa'kin?" Tanong niya.

"Where are you going?" Tanong ni Lia.

"Sa B.H.B club. Pupuntahan ko asawa ko," sagot niya.

"Pass," sabi ni Divine.

"Ako rin, pass," dugtong ni Angie.

"Si Ria na lang isama mo," sabi pa ni Lia.

"Walang maiiwan kay Hivo dito," sabi ko sa kanila.

"Para namang wala kami dito. Sige na sumama ka na kay Agatha para maka pag relax ka sandali."

Napabuntong hininga na lang ako at pumayag na rin. Siguro I need to unwind sometimes.

------

Papunta na kami sa nasabing club. Si Agatha ang nagmamaneho at tahimik lang ako habang nakatingin sa labas.

"Papasok ka bukas?" tanong ni Agatha. Hindi ko alam. Parang sa sinabi ni aleng Lourdes ay na guilty ako bigla.

"I don't know,"

"Wag mo nang isipin yun. Mabuti pa mag girl bonding tayong dalawa mamaya."

Nakarating kami sa B.H.B club and as usual maingay.

Dahil may V.I.P pass yata ang kaibigan ko, dumiretso kami sa taas kung saan puro mayayaman lang makikita.

"Puntahan muna natin ang asawa ko Ri and then let's have some fun later," sabi ni Agatha sa'kin. Pumasok kami sa office ni Akhael. I forgot to mention na si Akhael na husband ni Agatha ang nagmamay-ari ng B.H.B club na ito.

"Pwede bang sa baba na lang kita hintayin A?" I forgot to mention also na I used to call her A than Agatha. Kami lahat, tawag namin sa kaniya A.

"Okay. Hintayin mo ko sa baba" sabi niya. Tumango ako.

Bumaba ako at pumunta sa single seated area. Gusto kong mapag-isa.

I told the bartender that I want tequila. Just wanna have fun tonight. I want to gather all my thoughts and decide for the right thing to do.

Naka ilang shot na 'ko nang may tumabi sa'kin. Hindi na ako nag abala na tignan kung sino. But pamilyar sa'kin ang amoy niya.

Baka nagkataon lang.

Besides nasa hospital siya ngayon with Amanda.

"Another 1 please," sabi ko sa bartender.

"That's enough," sabi ng katabi ko and he sounded like Steven. It's funny! Bakit naririnig ko siya. I'm crazy.

"Where's my tequila?" Tanong ko sa bartender nang makita na nakatingin lang ito sa'kin.

"Wag mo nang bigyan," rinig kong sabi ng katabi ko kaya nakasimangot na binalingan ko ito ng tingin.

"Hey, bakit mo 'ko pinapakialaman?" Pag alma ko sana pero napatigil nang makita ang seryosong mukha ni Steven na nakatingin sa'kin. Why is he here?

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Because you're here."

"You shouldn't be here. Nandoon ka dapat sa tabi ni Amanda. Inaalagaan mo dapat ang mag-ina mo." Di ko maitago ang tabang sa boses ko. Masiyado akong bitter para magkunwaring okay lang ako.

First of all, ang unfair nila sa part ng anak ko pero hindi ko dapat sila sisihin dahil hindi ko naman sinabi agad.

"Are you jealous?" Tanong niya. Jealous? Who? Me? No... Yes!

"Hindi. Ang unfair mo lang. Your baby with her, naalagaan mo. How about me? How about-" I stop nang ma realize ko ang sinasabi ko.

"I'm leaving," sabi ko pero pinigilan niya ko.

"Are you pregnant?" Napahinto ako sa sinabi niya. What? Ako buntis?

"What? Of course not. Iinom ba 'ko ng alak kung buntis ako? Wag mo ng isipin ang sinabi ko. I'm just... drunk." Sabi ko at tumayo. Ba't antagal ni Agatha? Dinidiligan ba ni Akhael?

"Where are you going? You're drunk."

"I'm going home sir," sabi ko at inirapan siya.

"C'mon. Ihahatid na kita," pag pilit niya.

"No. Kaya ko ang sarili ko," sabi ko sa kaniya.

"Baby you're so stubborn. Halika na," sabi pa niya. Baby mo mukha mo.

"Mag re-resign na 'ko," sabi ko at nakita ko sa mga mata niya ang pagdaan ng gulat at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"What?"

"I'm going to resign," sabi ko ulit dahil parang hindi niya narinig or more likely ayaw niyang tanggapin. Kahit naka inom ako, alam ko ang ginagawa ko.

"No! Di ako papayag," sabi pa niya at hinigit ang kamay ko palabas ng club.

Sinubukan kong bawiin ito pero mas hinigpitan niya lang lalo ang paghawak sa kamay ko.

"Let me go Steven," sabi ko dito.

"No! If I let you go, tuluyan ka nang mawawala sa'kin. And correction babe, hindi ko nga anak ang bata sa sinapupunan ni Amanda."

I don't care. Ang akin lang tanggapin mo ang anak natin oras na malaman mo ang tungkol sa kaniya.

"Take me home," sabi ko sa kaniya.

"You come with me,"

"Where?" Nagtatakang tanong ko.

"To my island," No. Hindi pwede. Hahanapin ako ng anak ko.

"I can't. Hindi ako sasama sa'yo."

"It's decided babe. You'll come with me whether you like it or not." Agad kong naramdaman ang labi niya sa labi ko at huli na nang maka react ako dahil may panyo siyang tinakip sa ilong ko pagkatapos akong halikan.

"Sleep well babe," last thing I heard before everything's went black. 

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon