"Sige. Ilang araw tayo sa Tagaytay?" Tanong niya.
"Uuwi rin tayo mamaya. Bihis ka na, magbibihis lang ako," sabi ko. Ngumiti ako ng makita ang saya sa mukha niya. Nakakahawa ito at somehow, it touches my heart.
Umalis siya at umakyat ulit sa kwarto niya. Pinanood ko muna siya na makaakyat saka ako nagbihis. I feel like I am the guy in this situation pero okay lang naman, I mean wala namang masama kung minsan yung babae yung mag effort para sa lalaki. Nasa mundo na naman tayo na kung saan, pantay na lahat so lulubusin na natin.
Inayos ko na ang lahat ng gamit ko pati ang bag na dadalhin ko at kinuha ang envelope na kinuha ko kahapon sa hospital. It is the DNA result na pina test ko nong unang araw ko palang dito. Ilang linggo din ang hinintay ko at ngayon, nakuha ko na ang result.
I know na si Steven ang ama ng anak ko pero kailangan ko to in case na hindi maniwala si Steven na may anak kami. I just need this paper as my supporting evidence. Ayokong isipin niya yung negative na side na kesyo ginagawa ko to dahil mayaman siya or what. Na naghahabol ako ng pera.
Positive ang result kahapon at nakahinga ako ng maluwag kahit na alam ko naman ang totoo talaga. Kinabahan pa rin kasi ako habang di ko pa nakikita ang result. Agad kong nilagay ito sa bag at lumabas. Nakalugay lang ang buhok ko at hinayaan ang medyo kulot kong buhok sa likod ko.
Paglabas ko ay siya ring pagpasok ni Steven sa loob ng bahay. Suot pa rin nito ang sinuot kanina. Bagay naman sa kaniya at maayos ang damit pero akala ko magbibihis to.
"I didn't change the clothes. Naubusan ako ng time. Tinawagan ko kasi ang secretary ko to cancel the appointments this day and medyo napahaba so yeah. Ayoko namang pag hintayin ka." sabi niya.
Tumango nalang ako at kinuha ang basket na nilagyan ko ng pinaghandaan kong pagkain
"Okay na yan. You look good naman kahit anong suotin mo. So tara na?" Pag-aya ko sa kaniya.
Agad niyang pinatay nag mga maaaring mag cause ng sunog sa bahay bago kami lumabas.
Ngayon pa lang ay kinakabahan ako sa maaaring mangyari mamaya, magugalat siya and I know it. Hinanda ko na ang sarili ko sa reaction niyang yan. Kahit naman siguro ako, malalaman ko na lang na may anak pala ako ay magugalat rin ako.
Pero, ikinakatakot ko bilang ina ay kung hindi niya ba ta tanggapin ang anak namin. Iniisip ko palang ang itsura ng anak ko na malungkot o umiyak dahil sa ama ay nadudurog ako. Hivo is my life now. He's my everything. Nandito ako kasama si Steven dahil sa anak namin. Lahat ay gagawin ko para sa anak ko. Kung ikakasaya niya makilala si Steven, dapat ko munang masiguro na sasaya nga siya.
Naka sakay na kami sa sasayan at tahimik lang akong naka upo. Napansin siguro iyon ni Steven
"Why are you so quite? Ayos ka lang?" Tumingin ako sa gawi niya at pilit na ngumiti. Pinilit kong wag muna mag overthink at susulitin nalang ang byaheng to kasama niya. Ilang linggo palang ako kasama niya, pero magaan na ang loob namin sa isa't-isa.
"Babe, you know what, sa kwarto ko na dapat ikaw matulog every night," biglang sabi niya. Isang linggo na rin niya akong kinukulit about diyan na iniirapan ko lang. Ilang beses ko na rin kasing sinabi ni hindi, ayoko pero hindi pa rin siya tumitigil. Ang kulit talaga.
"Ilang beses mo na yan sinabi sakin sa linggong to?" Tanong ko sa kaniya.
"More than 100? I think?" Sabi niya. Napailing nalang ako at itinuon ang attention sa labas.
"Bakit ayaw mo kasi? I mean, behave naman ako lagi babe e," pagrereklamo ng mokong.
"Mukha mo behave, Steven." Sabi ko at nag pout siya na parang babae kaya natawa ako sa itsura niya.
After that day na umuwi siya ng lasing, medyo nag improve ang relationship namin dalawa. Naging instant girlfriend-wife niya ko which is weird on my part. It's my job to serves him dahil katulong niya ko pero lumalagpas yung trabaho ko pag dating sa kaniya. Wala naman akong reklamo dun, but sometimes, it feels like mali. Mali na gawin ko yung mga yun kahit na walang kami.
Ginagawa ko yun hindi dahil sa inuutos niya, ginagawa ko ang mga bagay na yun dahil I feel like doing it. Gusto kong gawin so ginawa ko. Ang rupok! Kahit ang paghalik niya every morning, pag umaalis siya or umuuwi ay na dagdag sa'min. Yung tipong required talaga siya na humalik sa'kin.
Nong una, nahihiya o naiilang pa ko, pero ngayon, nasasanay na.
Hindi nasundan ang gabing yun kung saan nag isa kami kahit sa sumunod pang mga araw. We did things like, watching movies together, eat together or yung mga simpleng gawaing bahay ay magkasama naming ginagawa dahil tinutulungan niya ko.
Ang isa lang sa hindi ay ang matulog kami sa iisang kwarto. Hindi ako pumayag sa offer niya kasi dahil hindi naman kami mag-ano. Kahit na ganito ako, pinalaki pa rin ako ng lola ko at natatandaan ko pa yung ilan sa mga konserbatibong pangaral niya sakin.
Kahit sa adopted parents ko ay tinuruan pa rin ako how to act like a conservative lady. Na adapt ko pa rin ang konserbatibong kultura ng Pilipino. So I always decline his offer at nakukulitan na nga ako.
"So aside sa gusto mo kong masolo babe, ano pang reason mo bakit gusto mo mag Tagaytay?" Tanong ni Steven.
"Wala na," plain na sagot ko.
"Babe naman," nagsimula na naman siya. Parang bata talaga. Jusko! Ang kulit.
"Ano ba kasing gusto mong marinig?" Natatawang tanong ko at binalingan siya ng tingin.
"Na gusto mo na 'ko," sabi pa niya.
Hindi ko siya sinagot dahil na a-abnormal na naman ang utak niya. Bahala ka diyan. Mas makulit ka pa sa anak mo.

BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
عاطفيةKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...