Chapter 7.1

283 12 0
                                    

 But after I read the message, tang*na. It's too much! Is she taken? Okay fine, a-agawin ko siya sa kung sino mang p*t*ng*na'ng lalaking yun.

"Man, why are you here?" salubong sakin ng kaibigan ko na si Philip. Himala yata na nasa Pinas to at wala sa ibang bansa. Sa lahat ng mga kaibigan niya ay si Philip itong hindi maka-pirmi sa iisang bansa.

"Nothing. Just wanted to chill" sabi ko.

"Is it because of Amanda?" tanong nito.

"Of course not. Matagal na kaming wala" sabi ko. Wala na akong paki alam sa babaeng yun. After she cheated on me six years ago, na realized ko na I was so dumbed na binigay ko sa kaniya lahat. She's not worthy of the love I gave.

"Here" tinanggap ko ang alak na binigay niya at tumabi sakin. Nasa VIP room kami ng bar niya. Wala sa plano kong pumunta dito ngayon, but I need to chill and calm my system.

"Thanks bro" sabi ko.

"Anyways, naniniwala ka na ba sakin na may anak kang nakita ko sa airport kamakailan?" sabi nito na inilingan ko lang. Yeah, tumawag siya sakin at sinabing may bata siyang nakita na kamukhang-kamukha ko. It's probably my son na hindi ko lang alam. Baka anak ko raw sa babaeng naka one night stand ko which is impossible dahil lagi akong nagsusuot ng protection while doing those to random girls.

"So you don't believe me. Man, anak mo nga yun. Sure ako dun dahil hindi lang naman kayo hawig, mukha mo nga yung mukha ng bata. Kung hindi mo anak yun e ano? Bunsong kapatid niyo ni Hannah?" pagkumbinsi nito sakin. Tinignan ko lang siya nang natatawa.

"That's too much, Philip. Safe ako lagi sa mga naka one night stand ko" sabi ko.

"Hindi e. Anak mo talaga yun. Basta, ipapahanap ko sila sa Canada at pag nahanap ko na, ipapadala ko yung mga litrato sayo. Kaya ngayon pa lang, magtino ka na" sabi nito na hindi ko sineryoso. He's crazy. Alam ko talagang wala akong anak. Kung meron man, dun ko plano sa babaeng gusto kong makasama habang buhay.

"Bakit magtitino si kuya?" napatingin kaming dalawa sa bagong dating. It's my sister, Hannah. Umayos ng upo si Philip ng makita ang kapatid ko. Matagal na niya itong gusto but Hannah is hard to please kaya minsan naaawa ako sa kaibigan kong torpe.

"Dahil may anak siya Han. I saw it!" sabi ni Philip. Nakita ko namang nagulat ang kapatid ko.

"Anak mo ba yung pinagbubuntis ni Amanda, kuya?" tanong nito sakin.

"No. Hindi akin yun" firm na sagot ko.

"So sinong anak ang tinutukoy ng mokong na to?" tanong niya.

"Hey" alma ni Philip nang tawagin siya ni Hannah na mokong.

"It's true. May nakita akong bata na kamukha-kamukha ng kuya mo. Hinala ko ay anak niya yun dun sa ina ng bata. Baka isa sa naka one night stand niya" sabi ni Philip.

Tinawanan lang siya ni Hannah kaya napailing ako sa dalawa.

"Kakauwi mo lang?" sabi ko. I heard from mom na pumunta itong Canada.

"Yeah. I'm so tired nga e" sabi niya. Napansin ko naman ang paper bag na bitbit nito. Based sa nakaprinta sa lagayan ay isa itong laruan na robot? Bakit may ganyan ang kapatid ko? Saan naman niya ibibigay yan?

"Para kay kanino yan?" tanong ko referring sa dala niyang laruan.

"It's a present kuya. Para sa anak ng kaibigan ko" sabi niya at ngumiti. I know my sister very well. She's lying.

Nang makita niyang hindi ako kumbinsido ay nagpaalam ito agad na aalis na. Pinili ko nalang na hindi ito pansinin at uminom nalang.

"So bakit ka nandito at uminom?" usisa ulit ni Philip.

"Well, I met a woman. She's pretty man. She's gorgeous, beautiful and ugh.. lovely"

"Are you drunk bro? Puro synonyms lang naman yun ng maganda ang sinasabi mo e" naiiling at natatawa na sabi ni Philip.

"Ohh..Really? Well.. She's indeed beautiful man and amazing too."

"You love her" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya bigla.

"I don't know. Basta, I can't take my eyes on her" sabi ko

"So what's your problem?" Philip asked.

"I think she's taken. You know, I have been in different relationships with different girls and hindi pa ko umabot sa point na gustong mang angkin ng attention ng babae. Kung mag paramdam siya, good but if hindi e okay lang. But in my case now, I want everything from her. Gusto ko ako lagi ang pinapansin niya. Gusto ko wala akong kaagaw" sabi ko at ininom ulit ang isang shot sa baso.

"Man, you're inlove" seryosong saad ni Philip.

"So anong balak mo ngayon?" dagdag nito.

"I'm willing to be her 'kabit' for the meantime. Balak kong agawin siya sa kung sino mang tang*nang karelasyon niya ngayon"

"Man, you're crazy. It's not so you" natatawang sabi ni Philip.

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon