Umuwi rin kami agad sa bahay ni Steven dahil tumawag ang sekretarya nito na nagka problema daw sa kompanya.
Hindi ako umimik dahil nawalan ako ng gana. Dahil wala si Steven sa buong linggo ay hindi niya alam ang pagkadismaya ko sa nangyayari. Hindi pa niya gustong magka anak so I think hindi niya matatanggap ang anak namin.
Bumalik na rin si aleng Lourdes kaya dalawa na kami sa bahay. Hindi na rin ako stay in dito kaya umuuwi ako sa amin at ako na ang kasamang matulog ng supling ko.
"Ria anak, may problema ba?" Napatingin ako kay aleng Lourdes na nag-aalalang nakatingin sa'kin.
"Wala po manang," pilit kong ngumiti para makampamte siya.
Mukhang hindi kumbinsido si manang na ayos lang ako kaya para maka iwas ay sinabi kong lilinisin ko muna ang pool.
Pero bago paman ako maka kilos ay bumukas ang pintuan at pumasok ang mga lalaking may dalang mga maleta.
"Finally!" Napatingin kami sa babaeng Amandaconda na nakapikit at nakangiti. Naguguluhan ako kung bakit siya nandito pero hinuha ko ay base sa mga maleta na dala ng mga bodyguard, mukhang dito siya titira.
Hindi ko alam pero uminit ang ulo ko sa nakita. Pinayagan ba siya ni Steven? Alam ba ni Steven 'to?
"Oh you're here." Halata sa mukha niya ang pang iinis habang nakatingin sa'kin.
"Sige po aleng Lourdes," aalis na sana ako para pumunta ng pool nang hawakan ako ng Amandaconda sa kamay.
"Sandali lang. Wag kang bastos," tumingin ako sa kaniya at halos manginig ang buong katawan ko sa galit.
"Bitaw," sabi ko at pilit na kinakalmahan ang sarili.
"Ayoko. Katulong ka lang dito pero maka asta ka dun sa Tagaytay ay parang asawa ka ng ama ng anak ko" aniya.
"At least hindi ako pinagtabuyan ng sinasabi mong ama ng anak mo. Di gaya mo," pahablot kong binawi ang kamay ko sa kaniya nang bigla nalang niya akong sampalin.
Nagngingitngit ako sa galit kaya sinampal ko siya pabalik. Wala akong paki-alam kung buntis siya. Gaya ng sabi ko, hindi ako gaya ng iba na basta apihin na lang.
"Anong kaguluhan to?" Sigaw ng magandang babae habang nakatingin sa'min ni Amandaconda.
"Naku Ria!" Bulong ni aleng Lourdes sa akin.
"Pasensya na po ma'am. Pag sasabihan ko po si Ria," paghingi ng paumanhin ni aleng Lourdes para sa'kin.
"Tita, palayasin niyo na po ang babaeng iyan. Sinaktan niya po ako," umiiyak na drama ng babaeng Amandaconda. Grabe! Ang plastik!
"Is that true?" walang emotion ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.
"I'm sorry ma'am," sabi ko dito.
"Apologize to her. Hindi mo ba nakikita na buntis siya? Baka may mangyari sa bata." Napapikit ako at gustong maiyak dahil alam kong ang unfair ng sitwasiyon.
"What are you waiting for? I said apologize to her," ulit niya ng hindi ko sinunod ang gusto niya.
"Ria, sige na," bulong ni aleng Lourdes.
"I'm sorry," napipilitang bigkas ko.
"Good. Lourdes, where's Steven?"
"Nasa kompanya niya po ma'am," magalang na sagot ni aleng Lourdes habang sinisenyasan ako na magtungo na sa swimming pool.
Ina ba yun ni Steven? Ang saya naman, protective siya sa anak ni Amanda habang wala silang ka ano-ano sa anak ko. Apo nila yun e/ Napabuntong hininga nalang ako.
Nilinis ko na ang pool at pagkatapos ay nakasalubong ko si Steven na nakakunot ang noo at papunta sa gawi ko.
"Bakit?" Tanong ko pero nagulat ako ng niyakap niya ko bigla.
"Sinaktan ka ba nila?" Tanong niya sakin habang sinusuri ang katawan ko na para bang may mga pasa ako.
"Ayos lang ako Steven," sabi ko sa kaniya ng malumanay.
"Steven, what are you doing?" Rinig naming sigaw ni Amandaconda.
Galit na lumingon sa kanila si Steven at itinago ako sa likuran niya. Animo ay pinoprotektahan.
"Mom, what are you doing? Bakit nandito siya?"
"Calm down anak. She's here because you're the father of her child."
Tahimik lang ako at gusto ng umalis dito. Ganito ba ang magiging buhay ng anak ko kasama ang papa niya? Magulo.
"Mom, ilang beses ko bang sabihin na hindi nga ako ang ama niyan."
"Why are you defending that maid?" Tinignan ako ng mama niya ng seryoso at hindi pinansin ang anak na galit na galit na nakatingin sa kanila.
"Tita, inaakit niya po si Steven. Pinaimbestigahan ko po siya at nalaman na pera lang ang habol niya sa anak niyo."
Napapikit ako at balak nang sugurin ang Amandaconda na yun pero mas pinili ko nalang na manahimik.
Kanina pa ako napupuno sa kaniya. Sana pala sinampal ko siya dun sa Tagaytay.
"Fire her son." I see it coming. Alam kong mas kakampihan niya si Amandaconda. Sino ba naman ako para kampihan niya? Maid lang naman ako ng anak niya.
"No! Ako ang nag hire sa kaniya kaya wala kayong karapatan na palayasin siya."
"At sinasagot mo na ako ngayon dahil sa babaeng yan?"
"No mom! Pero sobra ka na. Bakit mo ko pinapakialaman? Bakit ba na pinipilit mo na ako ang ama ng bata e hindi nga ako." Binawi ko ang kamay ko na hawak ni Steven at hinarap ang mama niya.
BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
RomanceKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...