"I'm sorry ma'am, mag re-resign na lang po ako"
"Good!" sabi niya. Kawawa ang anak ko sa kaniya. Mabuti na lang hindi ko pa sinasabi sa kanila ang lahat.
"No! Hindi ako papayag!" Protesta ni Steven. Sa lakas ng sigaw nito ay kahit si Amandaconda ay hindi naka arte. Mararamdaman mo ang galit at tutol nito sa desisyon ko.
"Why are you leaving?" Napatingin kami sa bagong dumating. It's Hannah at nakakunot ang noo nito.
"Sister in law, yang babaeng yan, inaaway ako," sumbong ni Amandaconda kay Hannah at kumapit pa ito sa braso ng dalaga.
"Get away from me. Hindi tayo close." Sabi ni Hannah. Siguro kung wala kami sa seryosong sitwasiyon ay matatawa ako lalo na nang makita na napahiya si Amandaconda.
"Mom, pabayaan na natin si kuya. Kung gusto mong dito tumira yang babaeng yan, sa guest room siya ni kuya matutulog at wag siyang feeling asawa dito dahil dito rin ako titira. Isa pa, ilang months nalang man din, pwede na tayong magsagawa ng DNA result sa anak niya."
Halatang hindi niya talaga gusto si Amanda. Feeling close kasi, yan tuloy napapahiya. Bumuntong hininga ang mama nila saka sumagot.
"Fine. Anyway, I'm leaving," sabi nito at taas noo na umalis sa harapan namin. Nang tumingin si Hannah sakin ay kinindatan niya ko bago lapitan si Amanda.
"Ayusin mo ang gamit mo sa guest room. At wag kang magpatulong sa kahit na sino dahil may kamay ka naman." Sabi nito at sinundan ang ina.
Sumimangot ito bago umalis. Nang tignan ko si Steven ay galit itong nakatingin sa'kin.
"Bakit?"
"Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo kanina." Namumula ang buong mukha niya. Galit nga.
"Mag-aaway lang kayo ng mama mo dahil sa 'kin so it's better na aalis na lang ako."
"And you think papayag ako?"
"Yes. Dahil pwede ka namang mag hanap ng iba. Hindi ako kawalan."
"What? What did you say?"
"Steven, mamaya na tayo mag usap. May gagawin pa ako," hindi ko na alam kung san papunta tong usapan namin.
"No, let's talk right now. Hindi ka pwedeng umalis ng bahay. Dito ka sa'kin at akin lang."
Sandali akong nagulat sa mga sinabi niya. Pilit kong iniintindi ang mga salita na lumalabas sa bibig niya.
"Sorry, Steven pero hindi mo ako pagmamay-ari"
Magsasalita na sana siya ng bumalik si Hannah at tawagin ang kuya niya. Walang nagawa ang binata kundi ang puntahan ang kapatid.
Nakita kong kinausap ng dalaga ang kuya niya at mukhang may sinabi ito kaya napilitan si Steven na sundin ang sinabi ni Hannah kahit ayaw niya.
"How are you?" Tanong ni Hannah ng makalapit ito sa gilid ko. Ibinalik ko naman agad ang paningin sa papalayong si Steven.
"Ayos lang. Salamat nga pala kanina Han ah."
"Don't mind it. Mabuti at sinundan ko dito si mommy. Nag-iinarte na naman kasi ang babaeng yun. Feeling close pa. Kung hindi niya niloko si kuya, ayos sana kami ngayon but after those things na naabutan namin sa Canada 6 years ago, I hate her."
Halata na hindi niya talaga gusto ang babae. Pero na curious ako kung anong nangyari sa kanila 6 years agi kung bakit ganito kagalit si Hannah kay Amanda.
"Kamusta na ang gwapo kong pamangkin?" Biglang tanong ni Hannah.
"Ayun, hinanap ka kagabi. Sabi ko busy ka."
"Alam mo Ri, ayos sana ang lahat kung wala lang ang babaeng malandi na yun. Matatanggap ng pamilya si Hivo." Alanganin akong ngumiti kay Hannah. Sa nakikita ko sa mama nila kanina, I doubt that.
"Si mommy kasi gusto ng magka-apo. Nang sabihin ng malanding yun na si kuya ang ama ng pinagbubuntis niya ay labis na natuwa si mommy kahit na matagal nang hindi nagkikita si kuya at Amanda."
Siguro gusto niyang magka apo kay Amanda but hindi sa akin o sa ibang babae kaya pinipilit niya si Steven na tanggapin ang bata.
"So anong balita sa inyo ni kuya? May something na ba sa inyo?" Pang uusisa niya.
"Walang kami Han," sabi ko.
"Wala pero ipagtanggol ka ni kuya na parang asawa ka niya kay mommy." Nag iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
"Advance ka lang mag-isip."
"Hindi kaya. I could feel it. Siguro nga, ginagawa niyo na ang second child niyo," aniya. Tumigil ako sa sandali at napa-isip sa sinabi niya.
Last time na may nangyari sa'min ni Steven, hindi siya gumamit ng protection.
"So stay in ka dito?"
"Uuwi ako Han. Hindi ako stay in dahil nandito na naman si aleng Lourdes."
"Pwede bang sumama sayo mamaya pag uwi?" Kumapit pa siya sa braso ko at nag pa cute.
"Alam mo, ikaw nagseselos na si Divine at Lia sayo," natatawang sabi ko. Nag pout lang naman siya at sinimangutan ako.
"Ngayon lang naman ako e. Isa pa, ako nga yung nagseselos. Mas paborito sila ni Hivo kesa sa'kin. Pero mas nakakasundo ko si Divine, si Lia lang ang hindi ko feel." Napairap ako sa kawalan ng mag drama siya sa gilid.
"Ewan ko sa inyo. O sige, sumama ka sa'kin pag uwi. Sa bahay na lang tayo mag dinner if ayos lang sa'yo."
"Sige ba! Yehey excited ako," pumalakpak pa siya na parang bata. Halatang excited.
"Excuse me sister in law," napatingin kami kay Amanda na nasa pintuan.
"Argh! Kairita," bulong ni Hannah sa gilid. "She keeps on calling me sister in law. Kala mo naman papakasalan ni kuya," dugtong nito.
"Bakit?" Striktang sagot niya kay Amanda. Ibang-iba sa pakikitungo sa 'kin.
"Pwede bang sabay tayong mag dinner later?" Mahinhin na tanong niya. Napaka plastik.
"Hindi pwede. Sasabay ako kay Ria mamaya," tumikhim ako para pigilan ang pagtawa lalo na nang makita ang pagkadismaya sa mukha ni Amanda.
"Pwedeng sumabay sa inyo?" Tanong niya.
"Hindi pwede,"
"Sige na-"
"Amanda, know your place. Hindi kita close at hindi kita gusto. Wag ka ng mapilit pa." Pagputol ni Hannah kay Amanda na kulang nalang ay iiyak.
"If wala ka ng sasabihin, aalis na ko!" Bumaling sa'kin si Hannah "See you later Ri," malambing na sabi nito sa 'kin bago umalis.
Nang tignan ko si Amanda ay masama ang tingin nito sa 'kin. Inirapan ko lang siya bago talikuran. Ma inggit ka girl!

BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
RomanceKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...