Chapter 2

343 14 0
                                    

"V!" Malayo pa man kami ay rinig na namin ang sigaw ni Oceanie na tuwang tuwa na makita si Hivo. Nasa likuran niya si Agatha na nakangiti sa amin.

"Kamusta ang biyahe?" tanong niya sa amin.

"Tiring," ikling sagot ko. Humalik si Hivo sa pisngi ni Agatha at lumapit naman sa 'kin si Oceanie.

"Hello baby girl," sabi ko dito at yumuko para mahalikan niya sa pisngi.

"Hello po tita Ri."

Hindi na kami hinintay ng dalawang bata at agad na nagtutumakbo papasok sa loob ng bahay.

"What happened? I received your text last night," nag-aalalang tanong ni Agatha sa 'kin.

"Pag-usapan nalang natin sa loob. Sila Divine, wala pa ba?" tanong ko dito.

"On the way na raw ang tatlo," sagot nito.

Nang makapasok kami sa loob ay busy ang lahat sa paghahanda. Wala ang presensya ng asawa ni Agatha dahil may pinuntahan daw saglit so basically kami lang ang nandito at mga katulong. Hindi kami lagi nagkaka-abutan ni Kael. Agatha's husband.

"What happened? Spill it Ri," hindi na makapaghintay si Agatha na ikwento ko ang tungkol sa nangyari kahapon kaya sinimulan ko na ang pag ki-kwento ko sa nangyari sa airport at sa pagdating ni Hannah.

(Nangyari sa hotel)

Hannah waited me dahil inasikaso ko pa ang bata. Pinalitan ko nang damit saka pinatulog. Hindi na nagtanong masiyado about Hannah ang anak ko dahil inaantok na rin so wala na siyang kamalay-malay anong nangyayari sa paligid niya. Kung hindi ito inaantok, kanina pa niya for sure dinadaldal si Hannah.

"He looks exactly like kuya at kung magsalita siya o kumilos ay parang si kuya," sabi niya habang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog. I must to agree with her dahil sa dalawang Linggo na paninilbihan ko kay Steven ay minsan natutulala ako pagnakatingin sa kaniya dahil parang ang nakikita ko ay ang mature na version ng anak ko.

"Ilang taon na siya?" tanong niya.

"5" sagot ko.

"I see. Pero bakit?" I know what she means bakit. Bakit ko tinago ang bata? Bakit ko nilayo ang bata? Bakit hindi ko siya pinakilala sa kapatid niya.

"Because hindi naman matandaan ng kuya mo ang nangyari sa 'min 6 years ago. Kaya magugulat siya kung malaman niya na may anak siya sa 'kin bigla lalo na't one night stand lang ang nangyari sa 'min before," paliwanag ko.

"Really? Doubt that. Natatandaan ko pa nga itsura mo kahit na bata pa ako no'n," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"What do you mean by that?" tanong ko.

"Kasama ako ni kuya that time sa bar. I excused myself for a while dahil nagbanyo ako and when I came back, nag-uusap na kayo so hindi nalang ako lumapit pa at hinayaan kayo. Kaya nga malakas ang loob ko na lumapit sa inyo kanina dahil sa kamukhang kamukha ng kapatid ko si Hivo at ang fact na nagsama kayo for one night. Kaya hindi malabo na anak ng kapatid ko ang anak mo."

Literal akong napanganga sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,"

"Besides, may girlfriend na siya. Isa pa, nitong buwan ko lang nalaman na sa Pilipinas siya nakatira. Akala ko kasi ay taga Canada siya kaya hindi ko siya mahanap. It was my friend ang nagsabi sa 'kin ng tungkol sa kaniya. At for the same reason, dahil kamukha daw ng anak ko si Steven, naghinala sila na baka nga siya ang ama ni Hivo."

Natawa si Hannah sa sinabi ko. Napaka ano naman kasi na dahil lang sa kamukha ng anak ko kaya nakumpirma nila na siya ang ama ni Hivo. I can't blame them tho. dahil totoo naman. Hindi na daw kailangan ng DNA, ika pa nila. Mga abnormal.

"Well. Yeah, kamukha nga naman talaga ni Kuya. Ang weird nga lang nang basehan," sabi niya.

"Hivo wants to meet his dad. As his mother, gusto kong masiguro na mabuting ama ang daddy niya. Baka kasi itakwil niya ang anak ko lalo na ng may girlfriend siya ngayon. Pumasok ako bilang katulong sa kuya mo para kilalanin siya, kung tama ba na ipakilala ko ang bata sa kaniya o hindi," tapat na sabi ko kay Hannah.

"I don't like that bitch!" Sabi pa niya.

"It's not my right na manghimasok sa decision mo sa buhay. At tama ka naman na dapat kilalanin mo si kuya. Hindi porke kapatid ko siya e susuportahan ko siya. He's an ass so he needs to change first. Pero mabait naman siya minsan. I can guarantee you with that," nakangiting aniya.

"Thank you," sabi ko. She's nice, malayo sa ugali ng kapatid niya.

"What is your name by the way?" natawa siya. Oo nga naman, kanina pa kami nag-uusap pero heto at hindi pa niya ako kilala.

"Rialyn. Just call me Ri o Ria," sagot ko.

"It's nice meeting you, Ria. Anyway, gusto ko lang e clarify sa 'yo regarding sa sinasabi mong girlfriend ni kuya. That bitch, Amanda, kini-claim niya na si kuya ang ama ng pinagbubuntis niya. Kuya denied it pero mapilit pa rin ang bruha kaya we don't have a choice kun'di kupkopin siya para after delivery, pwede na kaming mag pa DNA test. Ayaw namin nang scandalo." Sabi niya na puno ng panggigigil. Oh so 'yong girlfriend na lagi niyang kausap ay buntis pala. Ipupush ko ba na ipakilala ang anak ko? O hindi nalang? 

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon