Hindi ko mapigilan ang galit ko. Gusto ko siyang tanungin pero nang makita siya kanina na namumutla at umiiyak, nataranta ako. I can't even find the right words to say, dammit!
Only to find out na may anak siya. May anak siya at hindi ko alam. It hurts dahil pakiramdam ko nagsinungaling siya. Madami na siyang itinago sa'kin pati na ang pagkatao niya and now this? I felt betrayed.
Gusto kong malaman pero hindi ko kayang pilitin siya kung hindi pa niya kayang sabihin lahat. Noon pa man, hindi ko alam kung may boyfriend siya o wala. Ang plano ko ay agawin siya sa nobyo niya kung meron man, pero yung sa part na may anak siya, ay hindi ko alam. Sino ang ama ng bata? Yung nobyo niya na hindi sinasabi sa'kin? Or sa ex niya?
Bakit hindi niya sinabi sa'kin ang lahat na may anak siya? F*ck. Is it hard for her to tell me everything? Wala ba akong halaga sa kaniya? Wala lang ba sa kaniya ang lahat sa'min? Pinaglalaruan lang ba niya ako? This is so gay but damn, masiyadong masakit.
"What's the matter bro?" dumating si Diego kasama si Akhael. They are my friends.
"Woman? Amanda?" Tanong ni Akhael.
"Wala na kami ni Amanda!" Bulyaw ko sa kaniya. Bakit ba laging may Amanda sa lahat ng problema ko? She's not my girlfriend anymore. It's been years ng huli nga kaming nagkita.
Sinubukan ko nang kausapin si mommy regarding sa pagpapatira niya kay Amanda sa bahay and for the sake of our family name, kailangang itago daw ang involvement ko sa pagdadalang tao niya. Like I fvcking care? Kahit ipalandakan niya sa mundo na ako ang ama, hindi ko pa rin tatanggapin dahil hindi naman talaga ako ang ama.
She's just my ex and a former friend. Kung hindi lang ako naturuan ng magandang asal, baka may nagawa na akong hindi maganda sa pag pipirwisyo niya sa'kin.
----
"Then sino?" Nagtataka si Diego dahil hindi siya sanay makita si Steven na nagkakaganiyan. Sa lahat ng kaibigan niya ay ito ang kalma sa lahat ng bagay.
"Bago?" Tanong ni Akhael kay Diego sa walang boses. Hindi sila aware na may bagong babae ang kaibigan. Hindi naman ito nagkikwento sa kanila.
Nagkibit balikat lang si Diego dahil kahit siya ay clueless sa nangyari.
"There's a woman that I like. No! Scratch that. There's a woman that I love. Yes. I love her... Pero recently I just found out na she's faking the information about her..." Steven paused. "That part, it feels like she's fooling me around but it's okay-" tumigil siya sandali at natawa.
While Diego and Akhael are patiently waiting sa susunod na sasabihin niya. Naninibago talaga sila dahil hindi ganoon si Steven.
"What happened next?"
"May anak siya. Akala ko nobyo lang meron siya," dagdag ni Steven habang inubos ang alak sa baso. "May anak din pala." Puno ng pait na sabi nito.
"Wait! Alam mo na she's in relationship with someone else?" Pag klaro ni Diego sa usapan.
"Yes," sagot ni Steven sa kaibigan.
"And still, gusto mo pa rin siyang angkinin?"
"Yes," walang preno na sagot ng binata sa mga kaibigan.
Gulat na napatingin si Akhael at Diego sa isa't-isa.
"So why?" Naguguluhang tanong ni Akhael dito.
"Aagawin ko siya sana sa boyfriend niya. Hindi ko naman alam na may anak siya." Mahihimigan ang tabang sa boses ni Steven.
"Sino ba 'tong babae na sinasabi mo?" Curious na tanong ni Akhael. Never in his life na maiimagine na magkakaganito ang kaibigan niya.
"The most beautiful woman on Earth, her name is Ria." Lasing na sagot ni Steven. "Even her name sounds beautiful, right?" Nakangiting baling nito sa mga kaibigan na ikinailing ni Diego. "He's in deep trouble." Nasabi ni Diego sa sarili.
'Ria? Kapangalan ni Rialyn' sabi ni Akhael sa isipan niya. Kilala niya si Rialyn dahil matalik na kaibigan ito ng asawa niya pero hindi alam ni Akhael na ang Ria na kilala niya at ang Ria na ibig sabihin ni Steven ay iisa.
"So umiinom ka dahil may boyfriend siya at may anak siya?" Tanong ni Diego. Si Diego sa kanilang mag barkada ay ang counselor kaya lagi siyang nilalapitan ng mga kaibigan sa oras ng problema.
"I feel like, niloloko niya ko. Hindi ko alam." Bigong sagot ni Steven.
"Matatanggap mo ba siya kahit na may anak na siya?" Tanong uli ni Diego na nagpatigil sa binata.
----
If I know from the very start na may anak siya, mababago ba ang pag tingin ko sa kaniya? Matatanggap ko ba siya?
Yes. Cause she's perfect.
"Yes. Matatanggap ko siya. She's pretty, man. Magaling magluto, mabait at ..." naalala ko ang nakangiting mukha ni Ria sa isipan ko. "So pretty."
"You're smiling man, para kang tanga." Amaze na sabi ni Diego. Talaga? I can't help it. My baby is pretty. Tumayo ako. Marami mang alak ang na inom ko, nasa sarili ko pa rin ako. I know what I'm doing.
"Kuya!" Napatingin kami sa kapatid ko na papunta sa gawi namin. I stood up and step forward to give her a hug pero nagulat ako ng makita ang galit sa mukha niya. What did I do?
"Anong klaseng tao ka?" Sabi niya. Anong ibig niyang sabihin? May nagawa ba 'kong mali?
"Why? Is there something wrong?" naguguluhan 'kong tanong sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
Roman d'amourKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...