Chapter 3

326 14 0
                                    

Hindi kami nagtagal sa Canada at agad na bumalik sa Pinas. Ngayon ay nasa bahay ulit ako ni Steven para mag trabaho. Wala si aleng Lourdes dahil naka leave ito kaya ako lang ang mag-isa dito dahil dalawa lang naman kaming katulong sa bahay ni Steven.

"Good morning sir. Breakfast is ready," sabi ko nang makita siyang hubad barong naglalakad papasok sa kusina. Namula ako bigla at nag iwas ng tingin nang lantad sa harapan ko ang katawan niyang walang saplot. Tanging isang piraso lang sa ibaba ang suot niya.

"Sige po sir," sabi ko at iiwan sana siya sa kusina pero tinawag niya ko bigla.

"Where are you going?" tanong niya.

"Maglilinis lang po sa labas sir," magalang na sagot ko.

"You'll stay here tonight," sabi niya na ikinagulat ko.

"Po?" hindi pwede 'to. Hahanapin ako ng anak ko, ng anak namin.

"Yes. Dahil walang magbubukas sa 'kin ng gate mamaya. Manang Lourdes is on leave so stay in ka sa bahay hangga't hindi pa bumabalik si manang." Sagot niya at kumain.

Nanghihinang napa-sandal sa labas dahil doon. Sino ang maiiwan sa anak ko? Tawag ko nalang kaya si Lia mamaya? I'm sure she won't mind na maiwan sa kaniya si Iv.

Nilinis ko na ang labas at nang bumalik ako sa loob ay nakita ko si Steven na nakaupo sa sofa at may nirereview sa laptop niya.

"Paki ready ng suit ko," sabi niya sa 'kin. Trabaho ba ni manang 'to? Akala ko ba bawal pumasok sa kwarto niya?

"Papasok po ako sa kwarto niyo sir?" tanong ko kahit na kinakabahan ako.

"Yes? Dahil kukunin mo nga 'di ba ang susuotin ko?" sabi niya na nasa laptop pa rin ang paningin.

"Yes. Copy po sir," sabi ko at nagmamadali sa pag pasok sa kwarto niya.

Nang makapasok ako sa kwarto niya ay agad kong nilapitan ang closet niya. Ano ba ang gusto niyang suotin? Bahala na nga.

Agad kong kinuha ang sa tingin ko ay babagay sa kaniya though lahat naman yata ng andito ay bagay na bagay sa kaniya.

Agad kong inayos ito gamit ang plantza. Nag-iingat na 'wag 'tong masunog dahil mukhang mamahalin ang mga damit niya.

Patapos na ako ng pumasok siya sa loob.

"Naayos ko na po sir," sabi ko nang nakayuko.

"Really?" sabi niya at lumapit sa 'kin. Napaangat ako ng tingin at nakitang titig na titig ito sa akin. Bakit? May dumi ba sa mukha ko?

"Wait here," paos na bulong nito at tumalikod saka pumasok sa banyo.

'Ano nang gagawin ko dito?" buntong hininga ko. Gaya nang sabi niya kanina ay naghintay ako hanggang sa matapos siyang maligo.

Nakatapis lang siya ng tuwalya na lumapas sa banyo. Namula ako bigla ng maisip na ganyang katawan ang nakauna sakin.

"Help me to wear that suit," sabi niya na titig na titig sa 'kin. Trabaho pa rin ba 'to ni aleng Lourdes?

Kumuha siya ng boxer kaya tumalikod agad ako nang makita na akma niya nang isusuot ito. Grabe, hindi man lang nagbigay ng signal.

"Bakit ka tumalikod?" tanong niya. Nangunot ang noo ko at dahan-dahang humarap sa kaniya.

Hindi ko nalang siya sinagot at binigay ang mga susuotin niyang ni ready ko. Tinulungan ko siya na isuot ang coat niya at ako na rin ang nag-ayos ng necktie dahil hinintay naman niya na ako ang gagawa. Ang hirap pala talaga ng trabaho ni aleng Lourdes. Parang may bata lang na binibihisan.

Nang makita na ayos na siya ay balak ko na sanang bumaba.

"What about my hair?" napahinto ako at napatingin ulit sakaniya. Anong ibig niyang sabihin? Na ako ang mag aayos ng buhok niya? Ibang level ang trabaho ni aleng Lourdes.

Umupos siya sa kama at lumapit ako sa kaniya para suklayin ang buhok niya. Bahagya akong lumapit sa gilid niya. Biglang namula ang pisngi ko ng ma realize ang position namin ngayon.

Ang dibdib ko'y nasa malapit sa mukha niya. Nakakahiya 'tong pinaggagawa ko.

"T-Tapos na po sir," nauutal na sabi ko. Dali-dali kong binalik ang suklay niya sa table nito at mabilis na nagtungo sa pinto.

"Your boobs is bigger than I thought," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi ako sumagot at agad na bumaba para makatakas sa kaniya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari kanina.

'Ganito ba ang nangyayari sa kanila ni aleng Lourdes? Grabe!' sabi ko sa isipan ko.

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon