Chapter 14

250 13 0
                                    

bandang dibdib ko.

Sinubukan kong kumilos pero mas humigpit lang ang yakap nito sa'kin. Naalala ko bigla si Agatha kaya agad kong hinanap ang gamit ko at nakitang nasa ibabaw ng table nakapatong ang cellphone ko.

Pinilit kong abutin ito at nang nakuha ko na ay binuksan ko agad ang message box. Nakita ko ang message ni Agatha kagabi. Tinanong ako kung nasaan ako but may reply na ito.

'I'm Steven. She's with me and she's safe' reply ni Steven sa kaibigan ko.

'Talaga ba? Sige ingatan mo ang kaibigan namin. Okay lang kahit hindi mo na iuwi yan. Ingat.' Reply ni Agatha.

Napasimangot ako sa nabasa. Parang pinamigay na 'ko ng kaibigan ko e. I'm so touched. Note the sarcasm please.

"Good morning babe," napatingin ako kay Steven na mukhang antok na antok pa at mas sumiksik pa sa'kin.

"Where are we Steven?"

"Island," inaantok na sagot niya.

"Bakit mo 'ko dinala dito?" Tanong ko.

"To have time alone with you," sagot niya habang nakapikit pa rin.

"Pero bakit dito? Isa pa-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng halikan niya ko. Malalim at mapaghanap. Napahawak ako sa batok niya at mas lalo pa niyang diniinan at mas nilaliman ang pinagsaluhan naming halik.

"Just focus on me babe. Stop asking questions." Nakasimangot na aniya. Sandali akong napatitig sa mukha niya dahil ngayon ko lang mas na realize na hindi nakuha ng anak namin ang mata niya. Yung, mga mata niya ay golden brown. It's so attractive and beautiful.

My eyes is black at namana yun ni Hivo. Matangos ang ilong at ang perpekto ng pagka hulma sa mukha niya. Salamat pala that night na hindi ako biniro ng mga mata ko. Thanks to his genes, sobrang gwapo ng anak ko.

"Babe, I'm hungry,"

Mapula ang mga labi niya. Natural lang, nakakatakam.

"Babe, let's eat. Alam kong gwapo ako but I'm really hungry. I didn't eat last night."

"Why?"

"Hinanap kita. Pagka-uwi galing hospital, nakauwi ka na daw. And pinuntahan ko yung address sa resume mo but ibang address yun." Kumunot ang noo at halatang maraming tanong ang gustong itanong sa'kin.

Supposed to be, kakabahan na 'ko ngayon. But wala. Wala akong maramdaman kahit ano. I think I'm ready. Sasabihin ko na ang lahat.

"I should ask some help to Akhael, my friend but I saw you in his club. I'm confused. Hindi sa ina underestimate kita pero that club, it's costly. Not to mention na naka ilang shot ka na ng tequila. Compare sa sinisweldo mo sa'kin, I think kukulangin yun." Sabi pa niya. Seryoso ang boses nito at nakatingin sa ceiling. Parang imbestigador na pinagtagpi-tagpi ang lahat.

"You're indeed mysterious to me. Rialyn ba talaga ang pangalan mo? Pinaglalaruan mo ba ako? Bakit ka pumasok bilang katulong ko?" Dagdag pa niya.

"Ilan lang yan sa mga tanong ko when I found out na iba ang address mo kahapon. Na hindi totoo yung nilagay na address sa resume mo. I should be mad at you. But when I saw you in the club, I can't help myself but to own you. I want you. All of you. So I said to myself, baka may reason ka. I can feel it na hindi ka masamang tao. So I trust you."

Hindi ko mapigilang hindi maging emotional sa sinabi niya. Hindi ko ini-expect to. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Yumakap ako sa kaniya. Naramdamam ko ang bahagyang paghalik niya sa ulo ko.

"Thank you Steven. And I'm sorry," sabi ko.

"It's okay babe. I'll wait. Kung ano man ang rason mo, hihintayin kong sasabihin mo sa'kin. I'll gamble with you." Aniya.

----

This is indeed an island. I thought may mababago sa pakikitungo niya sa'kin but I was wrong. Mas naging kampante ako sa kaniya.

"Get that one Steven," sigaw ko habang naka tingala sa kaniya na kumukuha ng buko.

"Where's the 'babe' babe?" Napairap ako ulit dahil sa pagka bossy nito.

"Fine. Get that one, babe." Ulit ko sa sinabi ko kanina kahit nag mumukha akong tanga. Pinilit kong sumimangot pero hindi ko nagawa dahil mahirap kalabanin ang saya sa dibdib ko.

Marami-rami rin ang nakuha ni Steven na buko bago ito bumaba. Tinulungan ko siyang tanggalin ang mga dumi na kumapit sa katawan niya.

Pinunasan ko rin ang pawis niya at nakatayo lang siya habang nakatingin sakin nang nakangiti.

"Why are you smiling?" Natatawang tanong ko.

"You're pretty and I like you," napahinto ako sandali at napatingin sa kaniya.

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon