Chapter 8

292 12 0
                                    

Nagising ako na umaga na. Kinapa ko si Steven pero wala na ito kaya nagmulat ako at sinuyod ng tingin ang buong silid para hagalapin siya.'San na kaya yun?' tanong ko sa kawalan.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa at pinulot ang bag ko na nasa sahig pati na rin ang mga damit ko. Hinanap ko kung nasan na ang panty ko pero hindi ko na ito makita. Hindi ko alam saan tinapon ni Steven yun kagabi.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Steven sa baba pero hindi ko rin siya mahagilap. Bumalik ako sa silid ko para makapagligo muna saka ko tawagan ang anak ko.

Hindi ko alam kung bakit umalis si Steven. Nagka emergency ba sa kompanya niya? Bakit hindi siya nagpaalam? Pero bakit naman siya magpapa-alam sakin? Ano ba kami?

Para maalis ang mga negatibong yun sa isipan ko ay napagpasiyahan ko ng maligo na.

Just like the usual, madali lang akong natapos maligo so tinawagan ko na ang anak ko. I miss him so much.

Unang ring pa lang ay sinagot na agad ito ni Divine.

"Hello" bungad nito umgang-umaga.

"Ba't ang sungit mo?" natatawang sabi ko.

"Wag mo kong simulan Ria. Saan ka kagabi at hindi ka raw nakatawag sabi ni Lili" tanong nito. Bumuntong hininga muna ako saka nagsalita. Nakalimutan ko rin kasi kagabi na mag update kay Hivo dahil hindi ko naman expected yung nangyari sa amin ni Steven.

"Sasabihin ko pag nakauwi na ako, Vine. Anyway, ayos lang naman ako" sabi ko dito.

"How about yang petchay mo?" sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"Yang bunganga mo Divina ah" sabi ko. Kung na sa harapan ko lang siya, alam ko nang naka-ikot na ang mga mata nito sa akin.

"Oh paka-usap ako sa anak ko" sabi ko.

"Yung anak mo? Ayun, hindi na maihiwalay sa tita niya" tila nagtatampong sabi ni Divina.

"Tita? Sinong tita?" tanong ko.

"Sino pa ba? Si Hannah syempre" aniya. Oh My God! Dumalaw si Hannah?

"Nasaan naman sila ngayon?" kuryusong tanong ko.

"Na sa sala. Naglalaro. May pasalubong na dala tong si Hannah ay mali! Scratch that- dinala na yata ni Hannah ang buong factory sa bahay" natawa ako sa sinabi ng kaibigan ko.

"Yung anak ko? Kamusta?" tanong ko.

"Yun. Kinukulit ako bakit hindi ka raw tumawag sa kaniya kagabi. Pero nong dumating yung tita niya e nakalimutan na'ko pati yata ikaw" sabi pa nito. Halatang iniinis ako na inilingan ko lang.

"Sige. Salamat Vine. Tatawag nalang ako mamaya. Wag ka na mag selos jan" panunuya ko.

"Nagseselos?sino?" sabi niya na agad ring pinatay ang tawag. Loko-loko talaga.

So ngayon, dahil mag-isa lang ako at hindi ko mahanap si Steven, magluluto nalang siguro ako para makakain. Mamaya ko na lang lalabhan ang mga labahin niya.

Alas sais na ng gabi, at wala pa rin si Steven. Hindi ko kayang isipin yung bad side. Na kaya siya umalis siya kasi nakuha na niya ang gusto niya. Just like what I did 6 years ago na iniwan ko siya.

Pero hindi naman e. I am still here, sa bahay niya. Umalis man siya ng ilang araw, bahay niya pa rin ito at uuwi siya dito.

So why am I bothered now sa fact na iniwan niya ko after we did that last night?

Nagawa ko na lahat ng diversion pero wala pa ring effect. So I decided to sit down and waited for him. Sa malaking bahay na ito na ikaw lang mag-isa, ma papa-overthink ka talaga.

Lumilipas ang oras at mas lalo akong kinakabahan. Nang may marinig akong busina sa labas ay agad akong lumabas para tignan ito. Dumating na si Steven.

Pinagbuksan ko siya ng gate, pumasok ang itim na sasakyan niya, hindi pa man ito nakarating sa garage ay huminto ang sasakyan. Lumabas si Steven na halatang lasing.

Kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya para alalayan siya at hindi matumba.

"My baby" sabi niya nang makalapit ako sa kaniya. Lumingon siya ng bahagya sa'kin at hinawakan ako sa pisngi.

Sinikap kong dalhin ang bigat niya papasok ng bahay. Hindi ko alam kung bakit ito naglasing. Maayos naman kami kahapon. Naayos naman namin yung pag-aalburuto niya kagabi.

Nang maka pasok sa sala ay agad kaming bumagsak sa sofa. Inayos ko muna siya nang upo at dali-daling kumuha ng isang plangganang tubig at malinis na face towel para punasan siya. Mapula ang buong mukha nito tanda na babad sa alak.

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon