Nasa sasakyan niya kami ngayon at patungo sa grocery store. Tinignan ko muna ang mga sinulat ko sa isang pirasong papel at saka sinilip ang ngayon ay ang nakasimangot na driver ko. Kung umasta to parang bata e.
"What?" naiinis na turan nito nang makita na nakatingin ako sa kaniya. Ang sungit!
"Ang gwapo mo po" sabi ko at natawa nang makitang pinipilit niyang hindi mangiti sa sinabi ko kahit na yung labi niya ay umaangat ng kusa. Kilig yan? Haha.
"Marami ang bibilhin mo ngayon?" pag-bubukas niya ng usapan.
"Opo" ikling sagot ko habang tinitext ang anak ko kung kamusta na ito. Uwi na raw ako sabi niya dahil miss na niya ko at ganoon din naman ako pero wala rin akong choice dahil kailangan ko ring gawin ito para sa kaniya.
Malapit nang makuha ni Steven ang tiwala ko. Siguro soon, ipapakilala ko na ang anak namin sa kaniya.
"What are you doing?" tanong nito kaya nag-angat ako ng tingin at nakitang nakakunot na naman ang noo. Tinago ko ang cellphone ko dahil mukha'ng hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
"Tinext ko lang po ang pamilya ko" sabi ko at nag-iwas nang tingin.
"What's with the formalities?" kunot noong tanong niya.
"Po?" takang tanong ko.
"You keep on saying po, opo and sir. Do I look old?" tumingin ulit ako sa kaniya at natawa nang makitang lukot ang mukha.
Grabe naman tong 'sang to. Kung ganoon, anong gusto niyang itawag ko sa kaniya? Like casual lang?
"e ano ba ang dapat na itawag ko sayo?" tanong ko.
"Sweetheart" sagot niya.
"Huh?" para yata akong nabingi sa narinig.
"I mean Steven" paglilinaw nito at agad na itinuon ang tingin sa harapan.
Steven daw e rinig ko ang word na sweetheart e 'Grabe anak ang landi ng papa mo. No wonder sumama agad ako sa kaniya non kahit na hindi pa ako naka inom ng kahit na anong alak' ani ko sa isipan.
"Okay Steven" sabi ko at binalik ang paningin sa harapan nang biglang huminto ang sasakyan dahilan kung ba't ako napatili. Hawak ang dibdib na balingan ko ng tingin si Steven. Ano bang pumasok sa isip niya?
"What did you say?" tanong nito na sa'kin lang nakatuon ang tingin.
"Huh? May sinasabi ba ko?" takang tanong ko.
"Say it" sabi niya na ikinagulo ng utak ko lalo. Ano bang sasabihin ko?
"My name. Say my name once again" sabi pa niya.
"Steven" pag-uulit ko.
"Weird. It sounded so familiar" sabi nito bumalik sa pagmamaneho na parang walang nangyari.
What's weird of his name? Syempre pamilyar sa kaniya dahil pangalan niya yun.
"Have we met before?" tanong ni Steven kaya tumahimik ako. May natatandaan ba siya sa nangyari sa'min non sa Canada?
"Hindi pa ata" pinilit kong magsalita na parang normal lang. Natatakot ako na baka mahalata niya'ng kinakabahan ako ngayon.
"Are you sure?" tanong niya ulit.
"Yeah" sagot ko at ibinaling ang paningin sa bintana para maiwasan ang mga sulyap niya'ng tila nanunuri.
Thanks God dahil hindi na siya nag tanong pa. Just a little longer ay nakarating kami sa grocery store. Hindi ko talaga alam kung bakit pa siya sumama kaya hinayaan ko na lang.
Kumuha siya ng cart yung malaki na at sumunod sa'kin. Dumeretso ako sa meat section para kumuha ng mga karne.
"Ang gwapo naman nang taga bitbit ng pinamili mo miss" rinig kong sabi ni Steven. Napailing nalang ako sa isip ko at hindi siya pinansin. Nag papa-pansin lang naman ang mokong. Parang timang!
"So tell me about your family Ria" napahinto ako sa pagkuha ng manok nang marinig na banggitin niya ang pangalan ko.
"My adopted parents throw me away six years ago" pag-uumpisa ko. Kumuha muna ako ng pitong karne na naka pack na at nilagay sa cart saka nag patuloy sa pagsasalita.
"I haven't met my biological parents. Nong baby ako hanggang nag 2 years old ay ang Lola ang kumopkop sa'kin pero namatay ito kaya kailangan nilang humanap ng mag-aalaga sa'kin" pagpatuloy ko.
"Then I met mommy Violet and daddy Alberto, they were my adopted parents. Sila ang nagpalaki sakin hanggang sa mag dalaga ako. Pero ika nga nila na blood is thicker than water, so pinalayas ako dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa" sabi ko.
"I'm sorry" rinig kong sabi ni Steven. Ngumiti lang ako at kumuha ng mga gulay na nasa listahan na bibilhin namin ngayon.
"It's okay. Hindi mo naman kasalanan yun. Alitan namin yun ng kapatid ko. My sister did something bad and pinasa sa'kin ang kasalanang yun. I tried to explain my side but mom and dad believes her over me" sabi ko at hinigit siya papapunta sa mga nakahilerang mga cup noodles.
BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
RomanceKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...