Nang kumalma na ang kaba sa dibdib ko ay hinugasan ko nalang ang pinggan na pinagkainan ni Steven kanina.
"I'm leaving," sabi niya. Anong sasabihin ko?
"Ingat po sir," sabi ko ng hindi lumilingon sa kaniya. Akala ko ay umalis na siya kaya sinilip ko ang likuran ko at napasigaw ako bigla ng nasa likuran ko siya at taimtim na nakatitig sa 'kin.
"B-Bakit po sir?" nauutal na tanong ko.
"I'm dying to taste that lips," sabi pa nito.
Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumayo sa kaniya. Pero kinabig niya lang pabalik ang beywang ko kaya naglapit ang katawan namin dalawa.
Tumingin siya sa mga labi ko at napalunok ng ilang beses. Tinignan niya muna ako sa mga mata saka niya ibinaba ang ulo papalapit sa 'kin nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang.
Kinuha ko ito at sabay kaming napatingin sa tumawag sa 'kin.
Lumayo siya at kumunot ang noo na tinignan ako.
"Fucking taken," sabi niya at umalis.
Malalim ang buntong hininga ang pinakawalan ko ng umalis na ito at agad na sinagot ang anak ko.
'My love' 'yan kasi ang nilagay kong pangalan niya sa contact list ko.
Nakakatawang isipin na akala ni Steven ay nobyo ko ang tumatawag sa 'kin. 'Tangi! Anak natin 'yon uy' bulong ko.
"Yes anak?" sabi ko ng masagot ang tawag niya.
"Mama! Tita Divine told me na hindi ka uuwi mamaya," maktol nito.
"Yes baby. Mama gonna stay here sa work niya. Pwede bang doon ka muna kay tita Lia mo mamayang gabi?" sabi ko.
"Hindi ka ba talaga pwedeng uuwi mamaya mama?" malungkot na saad ng anak ko.
"Yes anak. I'm sorry. Naiintindihan mo naman si mama diba?" tanong ko.
"Okay po mama. Take care. I love you," sabi nito. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"I will. I love you too my love." Sabi ko saka binaba ang tawag. Bumalik si Steven sa loob na nakakunot ang noo at madilim ang mukha. Kinuha niya ang suitcase niya na naiwan sa mesa at supladong nag iwas ng tingin.
"Dito ako kakain mamaya so cook for me," masungit na saad nito at umalis.
'Anyare doon?' naguguluhang tanong ko sa inasal niya.
Kinabukasan ay nandito parin ako at sa bahay niya. Late na ng nagising si Steven. Actually kakababa lang niya galing sa kwarto niya.
"I want coffee," sabi niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Yes sir," sabi ko.
Dali dali akong nag timpla ng kape at agad na binigay sa kaniya saka ako bumalik sa ginagawa ko kanina. Naiilang ako minsan dahil pakiramdam ko nakatingin sakin si Steven habang naglilinis kaya inaangat ko ang tingin ko sakaniya para makasigurado pero nahuhuli ko siyang nagbabasa ng mga papeles sa table niya. 'Nag iimagine lang yata ako' bulong ko sa sarili pag ganoon ang naabutan kong ginagawa niya.
"Sir what do you want for lunch?" tanong ko sa kaniya.
"You." Nanlaki ang mga mata ko sa turan niya sakin. Huh? Ako raw? Last time I check naglinis ako ng tenga kaya malabong namali ako ng dinig.
"Po?"
"I mean, how about you?" ulit niya sa sinabi niya saka nag angat ng tingin sakin hanggang bumaba ang paningin niya sa labi ko at agad na ibinalik sa papeles niya sa mesa. 'Okay, what was that?'
"Adobo po. Gusto niyo po ba 'yon?" tanong ko. Tumango lang siya kaya ni ready ko na ang mga ingredients at gamit na gagamitin ko sa pagluluto.
Binilisan ko ang pagluluto para makakain na siya at ng matapos na ay agad ko na itong hinain.
"Luto na po sir. Kain ka na po," sabi ko.
"Kakain," rinig ko bulong niya ngunit iba ang pagkabigkas niya no'n. Magaspang at hot na nagpa init sa 'kin bigla.
"May sinasabi ka po sir?" tanong ko kunwari para 'di ako mailang sa kaniya.
"Nothing. Let's just eat here- he paused at tumikhim muna sandali "in this table," pagpatuloy niya.
Naguluhan ako sandali sa sinabi niya pero nilagay ko nalang sa mesa ang niluto ko. Siguro balak niyang sa veranda kakain o sa garden niya. Minsan kasi pinapadala niya kay aleng Lourdes ang mga pagkain niya sa kahit na anong parte ng bahay.
Nang maihanda ko na ay aalis na sana ako ng pigilan niya ko.
"Join me. Hindi ko mauubos 'yan lahat," sabi niya kaya umupo nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan.
Kinakabahan ako dahil basically 'di ko alam anong lasa ng luto ko. Kung nasasarapan ba siya o hindi. Some says masarap ang luto ko lalo na ng anak ko but he's the boss so dapat hindi ako mapahiya kahit papaano.
"Masarap?" Tanong ko. Uminom muna siya ng tubig at biglang namula na ipinagtaka ko. Bakit siya namula bigla? May allergies ba siya?
"Masarap," sabi niya at uminom ulit ng tubig. 'Ang weird'
BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
DragosteKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...
