"Wrong? Kuya... Really? Hinatid mo lang si Ria sa kanila tapus nandito ka para uminom?" Puno ng sarkasmo ang boses nito. Naguguluhan ako sa pinupunto niya. Kailan pa sila naging close ni Ria? At bakit ba galit na galit siya?
"Hannah, easy. Ano ba ang problema?" Pagpapakalma ni Akhael sa kapatid ko.
"Han, what's the problem? Hindi ko alam kung anong kinagagalit mo? Ano bang masama na ihatid ko si Ria sa bahay nila?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Ang masama kuya? Nandito ka uminom ng alak samantalang may buhay doon na nasa critical na condition." Wala talaga akong idea sa sinabi niya. Sino ang tinutukoy niya?
"Sino ba ang tinutukoy mo?"
"You know what kuya dapat mag mature ka na. Diyan ka na nga! Pakalasing ka sa mga alak mo." Sabi nito at nilayasan kami.
Tumingin ako kina Diego at Akhael na puno ng pagtataka. What was that? Bakit galit na galit ang kapatid ko?
"May ginawa ka ba?" tanong ni Diego.
"Wala. Obviously wala. Wala nga akong ideya kung bakit galit na galit siya. Ano bang ginawa ko?" Nauubusan na 'ko ng pasensya. I know may sister. Hindi yun magagalit agad ng walang dahilan.
"I think the reason kung bakit galit na galit si Hannah ay yun ay dahil wala kang ginagawa." Sabi ni Diego. And so? Dapat ba may gawin ako? Hindi ba pwedeng uminom?
"So anong connect?"
"Galit si Hannah dahil nandito ang magaling niyang kapatid habang may buhay na nasa critical na condition." Paliwanag ni Diego. Here he is again, trying to be a detective.
"Kaninong buhay?" Naguguluhang tanong ko.
"Kaninong buhay, man? May kapamilya ka ba na nasa hospital at critical?" Tanong ni Diego.
"Wala." Sinong kapamilya naman? Besides sasabihin yun ni mommy sa'kin. And both of their relatives ni dad are totally fine. So wala akong maisip na isinugod sa hospital.
"So anong connection nitong Ria? I think isa yun sa ikinagalit ni Hannah."
"May na hospital ba man na related kay Ria?" Tanong ni Diego. Naalala ko bigla ang mukha ni Ria kanina na nagmamakaawa na uuwi na para sa anak niya.
May masama bang nangyari sa bata?
Kailangan ba ko ni Ria dun? Should I go there? Baka nandun ang ama ng anak niya. With that thought nag-iinit ang ulo ko.
"Hon," napatingin ako sa bagong dating. If I'm not mistaken she's Agatha. Akhael's wife.
"Hello hon. Where's our daughter?" Rinig kong tanong ni Akhael sa asawa. Sa amin lahat si Akhael ang unang nag-asawa. At dahil hindi ako nakapunta sa kasal nila ay first time kong makita ang asawa niya.
"She's with Angie. By the way, sino sila?"
"Oh yes. By the way, mga kaibigan ko sila. Yung dalawang hindi nakarating sa kasal natin." sabi ni Akhael na puno ng panunuya sa tono. Napailing nalang ako. Busy talaga ako that time kaya hindi ako nakadalo but I make sure na I send them my gift. Pinalipad ko yun from Philippines to Canada.
"Hi. I'm Agatha. Akhael's wife." Sabi nito sabay lahad ng kamay but kinuha lang ni Kael ang kamay nito at itinago.
"No need for that honey."
Napaka possessive ng g*go.
"Hi. Diego Reis," Diego said.
"Oh. Kaibigan ka pala ng asawa ko. Divine's ex right?" Nakangiting sabi ng babae. Natigilan si Diego at nawala ang ngiti nito.
"I'm one of her best friends. Naikwento ka niya sa'min kaya medyo kilala kita." Sabi niya.
"It's okay. And hindi ako na inform na wala na kami. Last thing I know, hindi ako pumayag sa hiwalayan." Halatang nagulat si Agatha at humingi ng paumanhin. Parang may nangangamoy away nito mamaya.
"And you are?" Tanong nito sa'kin.
"Steven. Steven Marcus Alvante."
"YOU'RE WHAT?" Tila hindi makapaniwalang tanong niya to the fact na tumaas ang boses nito.
"Hey hon. May problema ba?" Tanong Kael sa asawa niya.
"No hon," ngumiti si Agatha ng pilit at tumingin sa gawi ko.
"Nice to meet you S-Steven... Ano, hon... I need to go now. May pupuntahan pa 'ko," sabi niya. Halatang medyo nataranta.
"Are you going to the hospital?"
Inoobserbahan ko sila at kita sa mga mata ni Agatha na kinakabahan ito. Kahit si Kael ay nag-alaala sa ikinikilos ng asawa niya.
"Hey, ayos ka lang ba?" Tanong ko.
"Yes," sagot niya.
"Hatid na lang kita. You're not okay hon. Namumutla ka," nag-alaala na sabi ni Kael dito.
"No hon. Ayos lang talaga ako. Kailangan ko na rin mag madali dahil ako muna ang magbabantay kay," tumikhim muna ito sandali saka nagpatuloy. "Kay Hivo sa hospital."
Hivo? Who's Hivo?
"Is he okay?" Nag-aalalang tanong ni Kael. Importante siguro para sa kanila itong Hivo. Sa pagkakaalam ko kasi ay babae ang anak ni Akhael.
"Dengue daw. Mabuti na lang nadala agad sa hospital."
Uminom ako ng alak sa baso at hindi ko na makita si Diego sa tabi. I bet nakaalis na kanina.
"Kamusta si Ria?" Tanong ni Kael.
Kumunot ang noo ko ng marinig ang pangalan na Ria. Masiyadong common ang pangalan na Ria kaya hindi malabo na may kapangalan siya.
"She's not okay. I hope magiging maayos na si Hivo."
Hivo. I don't know but I like the name Hivo. It's kinda unique. Kael and his wife are concern about him. Relatives siguro nila ito.

BINABASA MO ANG
The Lust Love (COMPLETED)
RomanceKailangang magpanggap ni Ria bilang katulong sa isang mayamang arogante na si Steven Alvante. 6 years ago, nagbunga ang nagawa niyang kapusukan na ngayon ay dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Kailangan niyang kilalanin ang ama ng ana...