Chapter 2.1

323 16 0
                                    

"Kinukulit na nga nina mama at papa si kuya para sa bagong taga pagmana pero ayaw ko namang galing sa bruhang 'yon ang magmamana nang legacy namin. Kahit ganoon si kuya, hindi naman niya tinatakbuhan ang responsibilidad niya. Matagal na silang wala ng Amanda na 'yon kaya nang sabihin niya na hindi kaniya ang bata ay naniniwala ako sa kaniya." Dagdag pa niya saka tumayo at lumapit sa anak ko.

"But I guess, hindi nako dapat na ma stress pa. Your son is the first born of kuya so dapat lang na siya ang tagapagmana niya."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Please huwag mo munang sabihin. Hindi ko hinangad ang kayamanan ni Steven. Kaya kong buhayin ang anak ko. Ang gusto ko lang ay lumaki siya na malayo sa gulo," sabi ko. Ayaw kong makisawsaw sa kaguluhan nila.

Ayaw kong madamay ang anak ko.

"I respect your decision Ri. Hindi ko rin sasabihin kay kuya kahit hindi ka makiusap sa 'kin. Kailangan ko munang makita na responsable na siya sa buhay niya." Sabi niya at ngumiti.

"Mas gusto kita maging sister in law," sabi niya na ikinapula ko. Nakakahiya! Hindi naman sumagi sa isip ko na maging kami ng ama ng anak ko. Ang gusto ko lang ay mapagbigyan ang anak ko sa kagustuhan niyang makilala ang ama niya.

"Maaari ko bang dalawin ang bata sa 'yo? Maari ba akong magpakilala bilang tita niya? Pwede ko ba siyang hiramin kahit sandali lang? Promise, mag-iingat ako," sabi niya na puno ng pagsusumamo.

Natawa ako sa tinuran niya. Ewan ko pero kahit bago palang kami nagkausap e pakiramdam ko, ilang dekada na kaming magkakilala.

"Ayos lang sa 'kin. Pero dapat ka muna niyang makilala at dapat masanay siya sa 'yo. Sandali lang kami dito sa Canada, uuwi rin kami ng Pinas sa susunod na lingo." Sabi ko na ikinatuwa niya.

"Sige. Can I have your address doon? And your number as well. If okay lang naman."

"Sure," sabi ko at ibinigay sa kaniya ang address at cellphone number ko saka siya nagpaalam para umalis.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nararamdaman ko na namang gising na rin 'tong anak kong 'to na nasa tabi ko.

"Good morning mama," masiglang bati ng anak ko na halos mapunit ang bibig sa laki ng ngiti.

"Good morning anak," sabi ko at hinalikan siya sa magkabilang pisngi na tinawanan niya.

"Mama, where's the beautiful lady last night?" agad na pumasok sa isip ko si Hannah. Kung ganoon, nakita siya ni Hivo kagabi.

"Nasa room niya anak but magkikita tayo later sa kaniya. Sasabay siya sa atin sa breakfast."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Hivo at nagtutumalon sa tuwa. Agad naming ginawa ang morning rituals namin dalawa saka kami bumaba para e meet si Hannah. Kompleto ang facilities dito sa hotel at may something like resto sila dito and well-accomodated lahat that's why I like it. Simple yet cozy.

"Oh! Hi darling," sabi ni Hannah nang makalapit kami sa kaniya sa table. Bahagya siyang lumuhod para pantayan ang tangkad ng anak ko na nakatingin sa tita niya.

"Hello po," medyo nahihiya na bati ni Hivo.

"Hi Hivo. Do you know me?" tanong ni Hannah.

"No po but I saw you last night in our room. I wasn't able to talk to you because I'm sleepy. I'm sorry po.."

Aw! My baby is so adorable! Nakakaproud maging ina niya.

"It's okay darling. By the way I am your tita Hannah."

"You're so pretty po tita Hannah. My name po is Hivo," masiglang sagot ng anak ko at nang mapatingin ako kay Hannah ay nakatingin na siya sa akin.

"Hello Hivo. C'mon, let's eat. I already order the food," sabi ni Hannah at umupo kami sa round table na hindi naman spacious para sa aming tatlo.

Magkadikit si Hannah at Hivo and it seems fine to me. I know this is sounds weird but wala akong choice kung hindi maki get along kay Hannah. Isa pa, she's nice and kind so I hope na hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan siya.

Afterall kapatid niya si Steven and naniniwala ako na blood is thicker than water.

"Say bye to tita Hannah, anak." Sabi ko sa anak ko dahil tutungo na kami sa bahay ni Agatha.

"Bye po tita Hannah," magiliw na sabi ni Hivo kay Hannah na ngayon ay naiiyak dahil gusto pang makasama ang anak ko.

"Sama niyo nalang kaya ako Ri," sabi ni Hannah na tinawanan ko lang. Sumimangot siya at kinarga ang anak ko.

"Tangi. May e me-meet kang producer diba?" sabi ko at mas sumimangot pa siya. Yun kasi ang sabi niya kanina kaya nandito siya sa Canada ngayon.

"Sama niyo ako baby Iv," pa cute na kausap niya sa anak ko. Lumingon sakin si hIvo na tila nanghihingi nang tulong kung paano sagutin si Hannah.

"Kasi tita Hannah, mama and I, will go to the house of tita Agatha po and after that, we will find my papa po," napabuntong hininga ako at alanganing ngumiti kay Hannah. Hivo didn't know na kapatid ng ama niya si Hannah. Hindi naman pinaalam ni Hannah ang kaugnayan niya sa ama nito kaya nagpapasalamat ako dahil doon.

"Do not worry baby Iv. For sure kung nasa'n man si papa mo ngayon, love na love ka niya. Besides, andito si mommy mo at ako para sa 'yo," sabi nito at hinalikan ang anak ko sa magkabilaang pisngi. Hindi nagtagal ay nagpaalam na kami sa kaniya at dumiretso sa bahay ni Agatha.

Pagkatapos kong mag kwento kay Agatha ay literal din siyang napanganga.

"What a small world," sabi pa niya.

"Indeed!"

The Lust Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon