ZOWIE'S POV
"Nay asan na 'yong hello kitty t-shirt ko!?" Nasaan na ba kasi 'yon favorite t-shirt ko 'yon eh. Mamaya andito na c Mommy hindi pa ko nakapag bihis.
"Tinapon ko na nak" Nakuha pang magbiro ni nanay eh halos maiyak na ko dito.
"Nay seryoso na po! -_-" Huhu ano na lang ang isusuot ko nito. 'Yon na lang talaga ang choice ko eh nabalot ko na kasi 'yong iba.
"Simple lang ang solusyon diyan nak, hanapin mo gamit ang mata mo hindi 'yang bunganga mo !"
"Opo nay salamat po sa maganda ninyong advice" Sarkastikong sabi ko.
"Hay naku anak, hanapin mo na lang diyan at maya maya nandito na si mam Christy" Huhu nasaan na kasi 'yon.
Hanap dito......
hanap doon.....
And after 123456789 years nakita ko rin ang pinakamamahal kung t-shirt. Nasa ilalim lang pala ng kama ko, ewan ko nga kung paano nakarating doon 'yon, siguro naglakad itong si hello kitty Hihi ^____^
Pagkatapos kong mabihis ay lumabas na ko ng kwarto sakto namang may narinig akong busina ng sasakyan. Kaya dali-dali akong lumabas ng bahay para salubungin si mommy.
"Nandito na po pala kayo mommy. Pasok ka po muna".
"Abah mukhang ready ka na talaga iha" Sabi ni mommy nang makita niya 'yong bag ko.
"Hindi naman po mommy, si nanay kasi excited kaya pina empake niya na 'ko" Pagkasabi ko nun ay sakto namang lumabas si nanay galing kusina.
"Ah Zonia nandito pala ko para sunduin tong Zowie, nakapag paalam naman na sya siguro sa'yo diba?"
"Ah oho Mam mabuti nga 'yon at may pandagdag ipon na kami para sa gastusin susunod na pasukan"
"Mabuti naman kung ganoon, wag kang mag-alala sa mabuting kamay siya magtatrabaho at pwede rin naman siyang umuwi tuwing linggo"
"Salamat nmn kung ganoon Mam, alam niyo namang kahit makulit at madaldal yang si Zowie mahal na mahal ko yan" naluluhang sabi ni nanay kaya niyakap ko sya hanggag sa napaiyak na rin ako
"Waaah *huk*huk*huk*ma mimiss ko po kayo nay at tsaka mahal ko din po kayo, wag po kayong madadala ng lalaki dito hbng wala ako huh" kahit may edad na c nanay hindi maitatangging mganda siya kaya maraming manliligaw yan
"Ikaw tlagang bata ka" sabi niya habang kinukurot ako HuHu sa dinadami ng sinabi ko sa huli lg sya nag focus. Narinig kung tumawa si mommy kaya naalala kung kailangan pala naming umalis.
"Ansaket nmn eh -_- kailangan na pala naming umalis nay"
"Oh sya sige, mag iingat ka doon at umuwi ka tuwing linggo"
"Opo nay mag iingat din po kayo rito"
"Mommy tara na po"baling ko kay mommy na nanonood lg sa amin.
"Oh cge iha"
"Mam Christy kayo na po ang bhala sa anak ko"
"Makakaasa ka Zonia, kailangan na pala naming umalis" paalam ni mommy
Hinatid kme ni nanay hanggang sa labas ng bahay at bago ako sumakay ng kotse ay yumakap muna ulit ako sa knya.
Habang nasa byahe kmi ay todo kwento itong c mommy tungkol kay Justine. 4th year na rin pala siya sa pasukan at Architecture ang kinukuha niya akala ko nga Culinary ayaw humiwalay sa pagkain nun eh. Sa Madson University pala siya nag aaral ang mahigpit na kalaban ng school namin lalo na sa basketball.
"Iha ba't hindi kana lng lumipat nang school kung saan nag-aaral si Justine" biglang sabi ni mommy na ikinagulat ko.
"Ahhh eeh hindi na kailangan mommy okay nman po yung school na pinapasukan ko" At tsaka ayaw ko kayang iwan ang mga bestfriend ko dun, wala ng manlilibre sakin ^__^
"Sayang naman, meron sana akong gustong e offer sayo iha"
Ito na nmn c mommy sa mga offer2 niya, panigurado tungkol na naman to sa baboy niyang anak.
"Kung tungkol po to kay Justine, ayoko po" Allergic ako sa baboy ei ^___^
"Please iha, huli na to. Kaya gusto kitang lumipat e para mbntayan mo si Justine nbalitaan kung kaliwa't kanan yung girlfriend niya at palaging lumalabas ksama ang knyng brkada" Sowws kaliwa't kanan raw yung girlfriend ? Eh ampangeet kaya nun !
"Please iha sagot ko lahat ng gastusin mo ngayong pasukan" Kakatukso namn yung offer ni mommy, laking tulong nun para sakin at syempre para hindi na mahirapan c nanay.
"Pag-iisipan ko po mommy" Kailangan ko munang tanungin yung mga baliw kung kaibigan, hindi ako papayag na ako lng yung lilipat damay damay na toh Hihi.
"Salamat sana pumayag ka, nandito na pala tayo iha" Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na napansin na nasa parking lot na pala kami ng isang condominium.
Habang papasok kmi sa loob ay nakaramdam ako ng kaba. Parang gusto kong maihi na ewan. Nang sumukay kami ng elevator ay lahat ng tingin lumipat sakin. Anong bang mali sa suot ko? porket ako simple lang eh 'yong sa kanila halos lumabas na ang hindi dapat lumabas. Uhmp sarap e-stapler ng mata nila -___-
Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ko agad, sunod lang ako ng sunod kay mommy. Tumigil siya sa isang pinto at nag doorbell.
Parang mahihimatay ako sa kaba, ano na kaya ang itsura ni Justine, mataba pa rin ba, pandak, maitim.....
Napatigil ako sa pag iimagine at halos lumuwa 'yong mata ko ng bumukas 'yong pinto.
O_O OH---EHM---GGGG !!
A/N: Ano kaya sa tingin niyo ang nakita ni madam Zowie ? (: hehe
HELLO PO wag kayong mahiyang mag comment. Lubos ko pong ipagpapasalamat kung magvovote kayo. Thanks :*
Enjoy reading ! GODBless
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Maid (On-Hold)
Teen FictionJustine Keiv has everything in life,the money,looks,brain and all the girls he want to be with everynight. Eh paano na lang kung isang araw ay may isang katulong na papasok sa buhay niya. Hindi lang isang simpleng katulong dahil ito ang babaeng sob...