CHAPTER XX

2.1K 65 5
                                    




"What are you doing here Mom?" Badtrip na tanong ni Justine nang makapasok kami.


"Binibisita kayo. Why ?are you hiding something here?" Sagot ni Mom at sinundan si Justine papuntang kwarto habang ako ay tumigil sa sala at hinayaang magkausap sila.


"Tsk -____- wala. Magbibihis lang ako at si guro naman wala kayong balak sundan hanggang sa loob" Sabi niya at mabilis sinarado ang pinto ng kwarto niya.


Naiiling na lumapit si Mommy sa'kin.


"Ang sungit noh? Mana talaga sa Dad niya" Umupo ito sa tabi ko. Siguro sanay na siya sa ugali ng anak dahil mukhang hindi man lang ito apektado.


"Ah oo nga po" Maikling sagot ko at pilit na ngumiti.



"Ikaw Zowie? Sinusungitan ka ba ni Justine. Just tell me" Nagulat ako sa tanong niya. Kapag nagsumbong ako lagot si Justine pero ako naman ang malilintikan sa kanya.


"Hindi po mommy, mabait naman siya sakin. Sinasabay pa nga niya akong pumasok" Pag-eexplain ko at mukhang di siya makapaniwala.

"Oh really? You're lucky iha. Konti lang nakakasakay sa kotse niya. Mostly girlfriend pa niya" Girlfriend naman po niya kaso lang fake iyong samin -____- Gusto ko sanang sabihin pero nakakahiya at siguradong hindi siya maniniwala.

"Baka po naawa lang siya sakin, palagi kasi akong nalalate" Tumango ito. Iyon naman talaga siguro ang reason, ako lang itong assuming at nag-iisip ng kung anu-ano.


"Hmm siguro nga... Hindi talaga ako nagkamali sa pagkuha sayo dito Zowie. Look, sobrang laki ng pinagbago ng condo niya" Nakangiting sabi ni Mom. I smiled back.

Sa totoo lang parang hindi naman makalat si Justine and besides minsan lang siyang lumabas ng kwarto niya.


"Thank you po pero hindi naman gaanong makalat si Justine kaya wala akong masyadong ginagawa dito" Pagsasbi ko ng totoo.

"Hay naku iha nahihiya lang 'yon sa'yo, kung wala ka dito siguradong gagawin na naman nilang tambayan 'to" Napansin kong pa tingin tingin ito sa kwarto ni Justine at halatang hinihintay niya itong lumabas.

"Zowie puntahan mo nga si Justine sa kwarto niya, kanina pa 'yon ah. I prepared some food for us at gusto kong sabay tayong kumain" ....

"Po O.O?" Gusto ko sanang umayaw kung hindi lang si Mommy ang nag-utos.

"For sure di lalabas ang anak kong 'yon kung hindi pa tatawagin kaya sige na iha at aayusin ko na ang table so that we can eat early" Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na natuloy dahil tumalikod na si Mom at pumunta ng kusina.

Nemen ehh! Bakit ako pa? Siguradong pagsusungitan lang ako ng lalaking 'yon.

Mabibigat ang mga paang naglakad ako papunta sa kwarto ni Justine. I took a deep breath before knocking on his door.

*tok *tok *tok


"------"


*tok tok tok


"------"

*tok tok tok


Mahinang akong napamura sa inis dahil hindi man lang ako pingbuksan ng pinto. Pasalamat siya nandito si Mommy kung hindi, hinding hindi talaga ako lalapit kahit hanggang sa pintuan lang ng kwarto niya.


Mas nilakasan ko pa ang pagkatok pero wala pa rin. Nacurious ako kung ano ang ginagawa niya kaya dinikit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan kung ano man ang maaring ginagawa niya.

Mukhang tahimik naman, siguro natutulog na. Aalis na sana ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"What?" Masungit na tanong niya sa'kin. Tengene! Kaya pala hindi ako naririnig kasi nakaheadset.


"Kakain na daw.." Simpleng sagot ko tinalikuran siya.


"May pupuntahan ako" Anong paki ko! Gusto ko sanang sabihin, bakit sa'kin niya sinasabi 'yin at hindi sa Mom niya.


"Pakisabi kay Mom" Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.


"Ayoko ko nga" Mataray na sagot ko at mabilis na pumunta sa kusina. Naabutan ko si Mom na naglalagay ng plato at maya maya ay dumating din si Justine.

"Mukhang may lakad ka?" Tanong niya kay Justine na nakatayo na sa likuran ko.

"Yeah" Walang emosyong sagot niya. Kahit kailan talaga -___-

"I won't allow you to go out tonight unless sasamahan mo kaming kumain ni Zowie" Seryosong sabi ni Mom. Kahit sino siguro mapapasunod sa tono ng pananalita niya.

"Iha maupo ka na" Mabilis naman akong sumunod. Tiningnan ko si Justine at ang sakit ng tingin niya sa'kin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at nang makitang nakatalikod si Mom ay mabilis ko siyang binelatan.


"Justine minsan lang naman akong humingi ng favor di mo pa 'ko mapagbigyan" Pangogonsensya ni Mom sa kanya at mukhang tinablan naman ang loko.



"Tsk tsk damn!" Sabi niya at padabog na umupo sa harap ko. Masakit pa rin ang mga titig niya pero di ko na pinansin at kumain na lang. Ilang sandali lang ay umupo na din si Mommy at nagsimulang kumuha ng pagkain.



"Son, si Emmanuelle pa rin ba ang girlfriend mo?" Biglang tanong ni Mom kaya muntik ko nang malunok ang boto ng manok kinakain ko.


Hindi nagsalita si Justine kaya tumahimik din ako.



"Okay , I'll change the question na lang, I'm your Mom so I have the right to know kung may girlfriend ang anak ko, meron ba?" Kinikilig na tanong ni Mom. Hinintay kong sumagot si Justine Pero bago 'yon binigyan niya 'ko ng makagulugang ngisi.



"Meron"....





"Sxcdjdjdndndnx!" Mabilis na sagot ko kahit puno ang bibig ko.



"What is it Zowie?" Nag-aalalang tanong ni Mom ng makitang nahihirapan akong lumunok. Inabutan niya ko ng tubig habang hinahagod ang likod ko.


"Wala po siyang girlfriend!" Nagtaka naman si Mom dahil parang ako pa 'yong mas nakakaalam.




"Hahaha nalilito ako sa inyo, ano ba talaga?" Natatawang tanong niya.



"Meron/Wala" Justine/Ako...



Sinipa ko ang paa niya mula sa ilalim ng mesa at binigyan ng nagbabagang tingin. Kita sa mukha ni Mommy na mukhang nalilito siya at gustong matawa sa pinanggagawa namin.




Sinipa ko siya ulit pero nagulat ako ng hawakan niya ang paa ko.


"Actually......she's my girlfriend" Nakangising sabi niya kay Mommy pero sa'kin nakatingin. Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko at namumutlang umiling kay Mommy na palipat lipat ang tingin sa'min ni Justine.

I'm dead -______-

My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon