CHAPTER X

2.5K 82 1
                                    

Ang bilis ng panahon sa susunod na linggo pasukan na, pero kami ni Justine ganun pa rin, eh paano ba naman kasi parang may PMS araw-araw.

Minsan mabait pero madalas masungit, 'yong tungkol naman sa sinabi niya kay nanay sinabi niya lang daw 'yon dahil dadating din naman daw ang panahon na malalaman niya 'yon, inunahan lang niya.

Hindi naman malalaman 'yon kung hindi niya sinabi at ano pa ang silbi nun eh peke naman ang relasyon namin!

Kasalukuyan akong naglilinis ng sala ng mag vibrate ang phone ko.




1 messaged received from *pretty Chary:

   - Girl, punta tayong mall

Reply

  - Anong gagawin natin dun?

1 message from *pretty Chary

  - magsasabunutan tayong apat doon para masaya ! Hay naku Zowie saan napunta yang utak mo, pasukan na next week kaya dapat new school, new things, new look!

Reply

  - Sige na nga, basta treat niyo ko hah ^____^

1 message from *pretty Chary

Kay Jhoane at Jhoanna ka mag pa treat hindi sa'kin! O hindi kaya sa BOYFRIEND mo na lang :P Basta bilisan mo dyan magkita na lang tayo doon, wala na kong load babooosh :*

       Napagdesisyunan kong sumama na lang sa kanila total may pera pa naman ako at nakakabagot dito. Wala kasi dito si Justine kaya walang nambwebwes*t. Sabi niya may pupuntahan siya kaya I'm free to go wherever I want, kailangan ko lang siyang maunahang umuwi para hindi niya malamang umalis ako.


      Mabilis akong naligo at nagbihis. As usual simple lang ang sinuot ko, hindi kasi ako sanay magsusuot ng maarteng damit, parang limitado 'yong galaw mo.

My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon