Hindi 'ko magawang tumingin sa kanya pagkatapos nang ginawa niya. Feeling ko sobrang pula na ng pisngi ko dahil sa mararamdaman kong hiya at kilig.
"J-justine a-ano..uhmm hindi pa ba tayo uuwi?" Nauutal na sabi ko habang sa ibang dereksyon nakatingin.
"What?" Di makapaniwalang tanong niya.
"Anong what..?" Balik tanong ko, hindi ko kasi alam kong paraan saan ang 'what' na 'yon.
"Iyan lang ang sagot mo sa sinabi ko?" Agad akong natahimik at napaisip ng maisasagot. Kainis naman eh -____-. Bakit kailangan niya pang itanong 'yon.
"Naniniwala na 'kong nagseselos ka. Diba nga alalay mo ko kaya gusto sa'yo lang ako sumasama, kaya sige hinding hindi na 'ko lalapit kay Luke" Sagot ko at mabilis siyang tinalikuran.
"What the! Do you think I got jealous because of that?" Napatigil ako sa paghakbang ng marinig ang sinabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nang lingunin ko siya, siya naman ang nag -iwas ng tingin sabay himas sa batok niya.
Bakit ganun parang kinakabahan ako sa sasabihin niya. Naalala ko 'yong nabasa kong story, kunwari daw nagseselos 'yong boy tapos sa huli sasabihin din palang "I like you o hindi kaya I love you
Shemay! Bigla akong kinilabutan sa naiisip ko. Malaking imposible kapag si Justine ang magsabi nun, at sa'kin pa? Eh parang kakainin ako na buhay nun kapag nagagalit.
Nang tumingin ako ulit sa kanya, nagulat ako ng makitang nakatitig din pala siya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit parang nahihiya siya at hirap na hirap na sabihin ang gusto niyang sabihin sa'kin.
"May sasabihin ka pa ba?" Di ko mapigilang itanong. He sighed bago nagsalita.
"Zowie..I.....damn! I l--"
"CAPTAIN!" Pareho kaming nagulat at sabay na napalingon sa epal na si Khervy.
Ugh! Kung kailan pinaka importanteng part na saka pa siya dumating. Super galing talaga ng timing.
Halata din sa itsura ni Justine na nababadtrip din siya sa biglang pagsulpot ni Khervy.
"Captain, kanina ka pa hinahanap ni Coach. Punta daw tayo sa bahay nila, may inuman dun birthday kasi ng misis niya" Kaagad na litanya niya ng makalapit siya sa'min.
"Hi Zowie" I just smiled at him..syempre pilit lang. Kainis eh minsan ko nga lang makausap ng ganito si Justine, sinira pa niya.
"Hindi na muna ako sasama, may gagawin pa 'ko" Sagot niya pero sakin nakatingin.
"Pwede mo namang isama si Zowie" Sabi niya ng mapansing nasa akin ang atensyon ni Justine.
Ano naman ang gagawin ko doon ma o-OP lang ako, mabuti sana kung nandun din sina Chary.
"Nah, may pupuntahan siya" Mabilis na sagot nito.
"Kung ganun, mukhang kami lang ang magsasaya mamaya" Nakangising sabi niya. Nacurious ako dun ah, ano namang pagsasaya ang gagawin nila.
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Maid (On-Hold)
Teen FictionJustine Keiv has everything in life,the money,looks,brain and all the girls he want to be with everynight. Eh paano na lang kung isang araw ay may isang katulong na papasok sa buhay niya. Hindi lang isang simpleng katulong dahil ito ang babaeng sob...