CHAPTER I

4.8K 147 9
                                    

ZOWIE'S POV

"Anak! Anak! gumising ka ! May bisita ka! Naku ikaw na bata ka magtatanghali na at humihilata ka pa diyan!" Ayan na naman ang hindi papigil na bunganga ni Nanay -_- sino ba naman ang hindi magigising sa boses niya.

"Andiyan na po Nay!" Ki aga-aga nagsisigawan kami, hay.. nakakahiya sa kapitbahay.

"Bilisan mo diyan, mahiya ka naman sa bisita natin!" Sino naman kayang bibisita sakin dito eh kahit nga adik matatakot lumapit sakin, ewan ko sa kanila sabi ni Nanay maganda naman daw ako.

Pagbangon ko dali-dali na kong nag'ayos ng sarili at lumabas ng kwarto, 'yon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko ang naghihintay sakin.

"Magandang umaga po Mam Christy ^____^ napadalaw ho kayo?" ahit may edad na siya hindi maitatangging maganda pa rin sya.

"Let's talk about it later dear, paupuin mo muna ako dahil napagod ako kakahanap ng bahay niyo and drop the po diba sabi ko noon Mommy na ang itawag mo sakin!"

"Hihi okay po mommy, naku pasensya na po kayo hindi man lang kayo pinaupo ni nanay, upo po tayo dito" Naku ito talagang si Nanay hindi man lag pinaupo si Mommy.

"Your mother was in hurry, magtitinda pa daw siya kaya wag mo na siyang sisihin" Nakangiti niyang sabi, sobrang bait niya talaga.

"Ahh mommy pa'no niyo po nalaman na dito na kami nakatira?"

"Tinanong ko lang naman ang lahat ng kapitbahay niyo sa luma niyong bahay and thank God one of them knew your new address!" Maarte niyang sabi pero 'yong maarting nakakatuwa di tulad ng iba nag aarting maarte di naman bagay.

"Ah eh mommy bakit niyo po kasi kami hinahanap" Hindi ko alam pero parang masama ang kutob ko.

"Okay dahil atat ka ng malaman, dederetsuhin na kita iha. Gusto kitang maging yaya ng anak ko."

"Nagka baby pa po kayo O_O?" Gooroobe naman 'tong c Mommy ang tanda na humihirit pa.

"HAHAHAHAHA! Ikaw talaga iha you never fail to make me laugh!" Anong nkakatawa sa sinabi ko? Baliw na yata si Mommy.

"Eh hindi naman po 'yon joke eh!" Ay naku hirap namang kausap si Mommy nakakabawas ng ganda!

"Oh sorry iha hindi ko lang kasi mapigilan ang mapatawa sa'yo, alam mo namang nag iisa lang ang anak ko, remember my son Justine?" Eh sino ba naman ang makakalimot sa mukhang baboy na 'yon.

"Syempre naman po sa laki niyang 'yon, may amnesia lang ang makakalimot sa kanya" Hindi lang naman tabachoy 'yon, salbahe pa akala mo kung sino.

"Mabuti naman kung ganon iha dahil gusto ko sakanya ka magtrabaho" Parang pinaliguan ako ng yelo sa narinig ko. Ako? mag tatrabaho sa anak niya? No way!

"Ayoko po mommy, kahit saan po basta wag lang sa kanya!" Pamimilit ko kay mommy.

"Iha alam ko naman ang turingan niyo noon ng anak ko. Daig niyo pa nga ang asu't pusa kung mag away pero matagal na 'yon malalaki na kayo!" Unfair nga 'yon eh siya kasi simula noon malaki na -___-

"Pero mom---"

"Please Zowie kahit para na lang sakin. Tutal bakasyon pa naman kaya hindi naman to sagabal sa pag-aaral mo!"

My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon