Pagkatapos naming kumain kaagad kung niligpit ang mga plato at pagkatapos ay umakyat sa kwarto ko.
Hinayaan kung si nanay na 'yong mag-asikaso kay Justine dahi kapag ako siguradong hindi kami magkakasundo
Agad akong naligo dahil kanina pa talaga ako nakaramdam ng antok. Sana lang makatulog ako ng mahimbing ngayon kahit nandito ang unggoy na 'yon.
Nasa, kalagitnaan ako ng paliligo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko. Si nanay siguro, siguradong kukulitin na naman ako tungkol kay Justine. Naisipan kong tagalan pa lalo akong paliligo para siya na mismo ang kusang lalabas. Hay naku, pati tuloy si nanay nadadamay sa inis ko kay Justine -___-
Maya maya lang ay naramdaman kong bumukas ulit ang pinto at dinig ko 'yong mahining yapak palabas.
Mabilis kong pinulupot ang tuwalya sa katawan ko at lumabas ng banyo na may ngiti sa mga labi. Pakanta kanta pa ko habang pakendeng kendeng ng biglang makita ko si Justine hawak ang BRA ko! O.O
"Ahhhhh! Bakit mo hawak 'yan? Ang BASTOS mo talaga kahit kailan...PERVERT ! Ehhhh lumabas ka ngayon din kung ayaw mong kalbuhin pa kita!" Sa gulat siguro kaya niya nabitawan 'yong ano ko, tengene nakakahiya! Nagmadali naman akong pinulot 'yon at kinuha ang iba ko pang gamit na nakalatag sa kama bago siya tinulak palabas ng kwarto.
Nasa labas na siya ng pinto ng humarap siya sa'kin. Akala ko magsosorry siya pero mas lalong uminit ang ulo at halos nasa boiling point na 'yong dugo ko ng makiting ngumisi pa ang loko.
"Nice color.." Nakangising pahayag niya, dahil sa inis ko hinubad ko ang hello kitty kong tsinelas at pinambato kanya. Agad naman siyang nakailag at mabilis na bumaba ng hagdan habang dinig na dinig ko ang malademonyo niyang tawa.
Kainis! Kung pwede ko lang sanang tawagin lahat ng superhero at ipabugbug ang Justine na 'yon ginawa ko na. Siya na nga 'tong may kasalan siya pa ang may ganang mang-asar. Ang pervert talaga kahit kailan pero humanda siya dahil hindi ako papayag na hindi ako makakaganti.
Tinapos ko kaagad ang pagbihis at natulog nang maaga, bahala na si nanay kay Justine, wala akong pakialam kahit amo ko pa siya. Asa siyang kakausapin ko siya pagkatapos ng ginawa niya.
Wala pang limang minuto akong nakahiga ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Aba ang walang hiya nakuha pang bumalik. Sabi ng isip ko.
Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagtulogtulugan ako.
"Zowie anak, buksan mo muna itong pinto" Mabilis akong napabangon ng malamang si nanay pala ang naghihinatay sa labas ng pinto.
Hindi ko muna binuksan 'yon at nagtanong kung ano ang kailangan niya.
"Bakit nay, matutulog na po 'ko" Sagot ko naman kaagad.
"Aba Zowie kanina ka pa diyan sa kwarto mo, iniiwasan mo ba 'tong boyfriend mo?" So nagsumbong na naman for sure si Justine. May rason naman kasi kung bakit ko siya iniiwasan, nakakainis siya at ayoko ng mga nararamdaman kapag malapit kami sa isa't isa.
"Syempre hindi nay.." Dali dali akong lumapit sa pinto at binuksan 'yon.
Nakita ko si nanay na nakacrossed arms at mukhang malapit nang magalit habang si Justine na tahimik lang at nagkukunwaring inosente.
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Maid (On-Hold)
Teen FictionJustine Keiv has everything in life,the money,looks,brain and all the girls he want to be with everynight. Eh paano na lang kung isang araw ay may isang katulong na papasok sa buhay niya. Hindi lang isang simpleng katulong dahil ito ang babaeng sob...