CHAPTER XI

2.2K 79 0
                                    

ZOWIE'S POV

         "J-Justine O_O"

 

Kung nagulat ako nang makita ko siya sa loob ay mas nagulat ako ako sa naging reaksyon niya na makita ako. Totoo bang nakikita kong paghanga sa mga tingin niya o niloloko lang ako ng sarili kong mata?

      "I said where have you been?" Sabi niya habang titig na titig sakin.

      "Ano kasi, niyaya ako ng mga kaibigan kong mag mall, bumili kasi kami ng bagong gamit kaya sumama na ko" Sabi ko sabay iwas ng tingin dahil parang nanlalambot ang mga tuhod ko sa titig niya.

     "Are you sure? that's not what I saw in the mall" Ibig sabihin nandoon din siya,  hindi ko alam kung ano ang gusto niyang parating pero parang sinasabi niyang nag sisinungaling ako.

     "Ano bang pinagsasabi mo? Tanungin mo sina Jhoanna kung ayaw mong maniwala!"

     "Sh*t! Hindi talaga ako maniniwala dahil lalaki ang makita kong kayakap mo kanina!"

     "So ano naman sa'yo Justine? Kaibigan ko 'yong tao at matagal kaming hindi nagkita kaya natural lang na yakapin ko siya" Hindi ko talaga ineexpect na pag-aawayan pa namin ang ganito kaliit na bagay.

     "What if one of my friend saw you there hah? Ano na lang ang iisipin nila?"

    "Alam mo Justine ang selfish mo, sarili mo lang ang iniisip mo lang ang sarili mo. Sa sobrang pagkamakasarili mo pati personal kong buhay pinapakialaman mo na. At ilang beses ko bang dapat sasabihin na kaibigan ko lang yung tao!"

    "Do you really want to know why I'm acting like this Zowie?"

    "Oo Justine, dahil nakakainis ka na! Nakakainis na palagi na lang tayong ganito!"

    "Damn it Zowie NAGSESELOS ako, nagseselos akong makitang iba ang kasama mo! Tsk Nagpaganda ka pa talaga para sa kanya" Para akong binuhusan ng yelo sa narinig ko.

    "Justine----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang ako tinalikuran at padabog na lumabas. Siya? Nagseselos? pero bakit?

      Naiwan akong nagtataka dahil sa sinabi ni Justine. Aaminin kong nasisiyahan ako sa pag-amin pero para naman akong nakonsensya dahil sa hindi ko pagsabi tungkol sa pagkikita namin ni Lee. Hindi ko naman alam na sa dinadami ng ginawa kanina 'yon pa ang makikita niya.

FLASHBACK

      Habang namimili kung saan kami kakain ay may nadaanan kaming Bookstore ,Sakto namang may bibilhin si Jhoane kaya pumasok muna kami. Pagkapasok ay kanya kanya kaming tingin ng mga libro. Habang naghahanap ako ng maganda ng bilhin ay biglang may tumakip ng mata ko.

My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon