Chapter XIII

2.2K 95 6
                                    

ZOWIE'S POV

"Nagpapasalamat talaga 'ko na mahal mo 'ko , sana magpasalamat ka di na gusto kita" Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nitong si Justine.

"Sh*t Zowie! what was that for!?" Binatukan ko nga ng magising, pero syempre mahina lang kawawa naman may lagnat pa naman siya.

"Eh ano bang pinagsasabi mo diyan, syempre mahal kita kasi boss kita at saka lagot ako kay mommy kapag pinabayaan kita noh!" Totoo naman eh mahal ko siya kasi amo ko siya at ayoko ko naman siyang pabayaan na lang.

"Tsk okay =_____=" Sabi niya at bumalik na sa pagkahiga pero bigla kong maalala ang sinabi niya.

"Ah Justine ano pala yung sinabi mo kanina, 'yong gusto mo  ko? Yeeeii ikaw ah may tinatago ka palang pagtingin sa'kin, totoo nga siguro ang 'the more you hate, the more you love' Ayei aminin mo na kasi" Pangungulit ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya, bigla naman siyang nag iwas ng tingin at OH MO O.O  did he just blush ? Waaaaahh hankyut niya ^________^

"Lumabas ka na nga"


"Sus kanina ayaw mo 'kong umalis tapos ngayon naman gusto mo na 'kong paalisin, ang totoo meron ka ba ngayon Justine?" Tatawa-tawa kong sabi sa kanya, ewan pero ang sarap niyang inisin ngayon dahil siguro alam kong hindi siya makakaganti. Patuloy pa rin ako sa pagtawa ng biglang may unan na tumama sa mukha ko.

"Aaarayy leshe ka Justine!" Siya naman ang tumawa, bw*sit sapol kaya 'yong mukha ko -___-

Pinulot ko naman agad 'yong binato niyang unan at binato pabalik pero pambihira sinalo lang niya! Kinuha ko lahat ng unan na hindi niya ginamit at isa-isang binato sa pero lahat nailagan niya. Waah kainis ng tawa niya, gusto ko talagang makaganti.

Isa na lang 'yong hawak kung unan at ibabato ko na sana nang bigla siyang bumangon at hinablot yun sa kamay ko. Pero syempre hindi ko binitiwan.


"Isa Justine bitiwan mo kasi!" Para lang kaming nagtatug of war sa ginagawa namin.

"Eh paano kung ayoko ko" Grabe ang lakas nung kapit niya sa unan.

"Ano ba Justine wag ka ngang madaya! Gaganti lang ako ng isa tapos lalabas na 'ko promise" Parang wala lang siya narinig at ubod lakas na hinila ang unan kaya pati ako ay napasama at nawalan siya balanse kaya napahiga siya at ako naman ay napaibabaw sa kanya.

Pareho kaming hindi nakagalaw at hindi maalis ang titig sa isa't isa. Napaka awkward ng posisyon namin lalo na at sobrang lapit ng mga mukha namin. Nasa ganoong posisyon pa rin kami ng biglang bumahing si Justine!

"Yuuuuuucccckkkk walang hiya ka Justine! , bw*sit ka! balak mo pa kong hawaan!" Agad akong bumangon at pinaghahapas ko siya ng unan na kaninang pinag-aagawan namin habang siya ay walang tigil kakatawa. Kainis talaga sa harap ko ba naman bumahing?

Agad kong kinuha ang mga gamit kanina at tuloy tuloy na lumabas ng kwarto niya. Nakakainis siya!

Hindi ko maintindihan kung bakit kaninang magkalapit ang mukha namin ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko.....

Matapos kung hugasan ang mga plato sa kusina ay nag-aayos na rin ako ng mga kalat sa sala. At nang matapos ko nang gawin ang lahat ay bumalik ako sa kwarto ni Justine para echeck kung bumaba ang lagnat niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya at sinilip kung gising pa siya and I'm really thankful ng makita kong mahimbing na siyang natutulog.

Pumasok na 'ko at umupo sa gilid ng kama niya, mabuti na lang at hindi na siya mainit tulad kanina. Napakaamo ng mukha niya kapag natutulog, uhmm nakakagigil sana parati na lang siyang tulog!

Habang inaayos ko ang kumot niya ay narinig ko siyang parang may sinasabi.

"Z-zowie" Ako daw?

"Mmmm?" Sagot ko naman, hahah parang baliw lang, kausapin ka ba naman ang tulog.

"I-i" Na curious ako sa sasabihin niya kaya hinayaan ko lng siyang magsalita.

"L-like" Waaah balak niya pang mag share tungkol sa like niya.

"Sino Justine?" Sabi ko ng tumigil siya sa pagsasalita.


"Ysxyzghkl" Kung saan yung pinaka importanting part ay dun pa hindi ma intindihan 'yong sinasabi niya huhuhu ):

Isa lang ang masasabi ko, kung sino nang babae ang tinutukoy niya, ang swerte niya!


A/N: Hi Kindly vote and comment, thanksss mwah :*






My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon