Pagkaailis namin ng bahay muli na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Para akong nanlalamig na naiihi na ewan, basta hindi ko talaga maexplain.
Napayakap na lang ako sa sarili ko at tahimik na tumingin sa labas ng bintana.
"Are you okay?" Tanong bigla ni Justine kaya napalingon ako sa kanya.
"Sa totoo lang, hindi. Kinakabahan talaga ako eh" Pag-amin ko.
Napapiksi ako ng bigla na lang niyang abutin at hawakan ang kamay ko habang nasa daan pa rin ang atensyon niya.
Nag-init ang mga pisngi ko sa ginawa niyang 'yon.
"I'm sorry.." He sincerely said and glance at me.
Napatitig naman ako sa magkahawak naming kamay na nasa lap ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari 'to, biglang naging sweet si Justine kahit walang audience at heto naman ako hindi makatutol sa lahat ng ginagawa niya.
Well nagpapakatotoo lang naman ako ngayon sa nararamdaman ko para sa kanya, pero siya? Tsk I really don't know.
"Wala naman akong magagawa, nandito na tayo" Seryosong sabi ko. Ngumiti naman siya at pinisil ang kamay ko. Napaayos ako ng opo dahil feeling ko may nagliliparang paru-paro sa tiyan ko.
"That's the reason why I l-xcvhffghbj"
Napangiwi ako sa lakas ng busina ng sasakyang nakasunod samin. Psh anong problema nun.
"Ano nga pala ang sinabi mo Justine?" Tanong ko sa kanya. Parang may sinasabi kasi siya kanina pero hindi ko masyadong narinig.
"W-wala kalimutan mo na 'yon." Nahihiyang sagot niya.
Ahm okay, tumahimik na lang ako at ituon sa daan 'yong atensyon ko.Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil din kami sa harap ng isang malaking bahay. Shemay hanlaki, kung malaki 'yong bahay nina Justine doble naman 'to at marami ding magagarang sasakyan ang nakaparada sa labas ng gate.
"We're here" Nakangiting sabi niya at binitawan ang kamay ko.
Jeez! Muli na namang nabuhay ang kaba sa dibdib ko at parang ayaw ko ng tumuloy pa.
Mabilis namang umikot si Justine para pagbuksan ako ng pinto.
"Let's go" Sabi niya at inilahad ang kanyang kamay para alalayaan akong bumaba.
Hiindi ko naman magalaw ang mga paa ko dahil sa nararamdaman kong takot. Ugh! Akala ko kaya ko hindi pala.
"Justine, parang hindi ko talaga kaya eh, pwedeng dito na lang ako" Sabi ko na may konting magmamakaawa.
Napailing na lang siya saka ngumiti.
"I'm here, hindi naman kita pababayaan" Para akong mtutunaw sa titig niya habang sinasabi 'yon.
"Sabihin mo na lang kasi na hindi totoo 'yong relasyon natin. Paano kung hindi nila 'ko gusto para sa'yo at ano na lang ang sasabihin ni Mommy kapag nalaman niya 'to" Tuloy tuloy na litanya ko.
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Maid (On-Hold)
Teen FictionJustine Keiv has everything in life,the money,looks,brain and all the girls he want to be with everynight. Eh paano na lang kung isang araw ay may isang katulong na papasok sa buhay niya. Hindi lang isang simpleng katulong dahil ito ang babaeng sob...