CHAPTER V

2.4K 102 3
                                    

       

       ZOWIE'S POV

         Dahil sa utos ng mahal na hari ay mabilis akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng  kwarto ay nakita ko siyang naghihintay sa sala.

      Anong  bang meron ang lalaking to na kahit naka poker face ampogi pa rin -_-

   "What are you looking at?"

      "Tss akala mo kung sinong gwapo" Bulong ko sa sarili ko

      "May sinasabi ka?" Seryosong tanong tanong niya.

     "Wala, bakit may narinig  ka ba?" Balik tanong ko sa kanya.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko Zowie" Sabi niya na nagpipigil sa galit. Nakalimutan ko iba pala magalit ang isang to.

  Tumahimik na lang ako at baka kung ano pa ang magawa niya. Baka kunin niya pa lahat ng  FIRST ko!

     "Lets go" Sabi niya at iniwan na naman ako, kaya mabilis ko siyang sinundan baka mag bago pa ang isip niya at iwan ako.

    Nang bumukas ang elevator ay may 3 babaeng nakasakay . Ewan ko  nga kung tunay na babae ang mga toh kasi naman para silang mga bakla at daig pa ng mga mukha nila yung drawing book ko noong kinder ako. Yung damit nila ang sisimple kasi naman kapag hinatak pababa lalabas yung sa itaas kapag hinatak naman pataas lalabas na ang sa ilalim .oh diba ganun lang 'yon ka SIMPLE! Labas kung labas ang hindi dapat lumabas.

   Nang tumingin ako kay Justine ay parang wala lang sa kanya, hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin . GOOD DOG! Hihi parang na disappoint naman 'yong babae na malapit nang magmukhang clown.

    Umusog pa ko sa tabi  ni Justine at kita  ko naman sa gilid ng mata ko ang nagbabagang titig nila. Hahaha mamatay kayo sa inggit!

     Pero parang mali yata ang ginawa kung paglapit kay Justine, para kasi  akong maadik sa amoy niya haggag sa hindi ko namalayang inaamoy-amoy ko na pala ang likod niya.

"You look like a dog when your doing that"

O_O

  

    Noong tumingala ako ay ang nang-uuyam na titig ni Justine ang sumalubong sa'kin.

  

     "Ano ka ba Justine chinicheck ko lng kung saan galing ang naamoy ko. Hindi mo ba naamoy 'yon, ang baho kaya!"  Palusot ko, sana effective.

    

  Magsasalita pa sana si Justine ng sakto namang bumukas ang elevator.

   

    Pagsineswerte ka nga naman, ang galing tumyming nitong elevator. May kiss sakin to mamaya ! ^___^

     

     Habang nglalakad kami papuntang parking lot ay panay naman ang reklamo ng tiyan ko. Nang echeck ko kung anong oras 7:PM na LANGYA! ganoon ako katagal nag mukmok sa kwarto?


     Nang makarating kami sa parking lot ay agad akong sumakay sa likod. Ayokong tumabi kay Justine baka marinig niya pa itong tiyan ko, nakakahiya!

 

   Ayos na ayos na ayos na ko sa pwesto ko ng tingnan niya ko ng masama.

 

"Ano na naman ba Justine! Hindi ako marunong mag drive, kaya kung gusto mong ipagdrive pa kita eh para mo na ring sinabing mag pakamatay tayong dalawa!" Kaagad na reklamo ko.

  

    "IM NOT ASKING YOU TO DRIVE THE CAR ZOWIE BUT DAMN IT! BALAK MO BA'KONG GAWING DRIVER!"


      Ayyy pahiya ako dun ah. Bago pa bumuga ng apoy itong si Justine ay lumipat na'ko sa harap. Hays nasigawan pa tuloy ako.

    Tahimik lang kami sa byahe, mabuti at tumahimik na rin itong tiyan ko kahit hindi ko na ma explain ang nararamdman kong gutom.

 

  *kru*kru*kru

    Kakasabi ko lang eh -_-

   

Maya-maya ay nagulat ako ng biglang tumigil sa pag drive si Justine. Lumabas siya ng sasakyan at matapos ang ilang minuto ay bumalik siya na may dalang pagkain.

Ang sama niya hindi man lang niya ko tinanong kung kakain din ba ko. Sana nagpabili na lang ako.

    

"Here, eat this" Sabi niya sabay abot ng pagkain.


Hah O_O? Para sakin 'yong binili niya?

"Para sa'kin to?" Hindi pa rin ako makapaniwalang si Justine itong nasa harap ko. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang kaninang mukhang dragon ay biglang maging anghel.


  "May iba pa ba tayong kasama dito?"


"Waaah may tinagong kabaitan ka rin pala Justine. Thank you! Kanina pa ko nagugutom" Dahil sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya.

Siya----->   =___=

Ako----->  ^___^

  

Hanggang sa maramdaman ko ang tinatawag na! 

"AWKWARD"

  

    

  Mabilis akong kumalas, at umayos ng upo, hawak ko pa rin ang pagkaing binigay niya.

Bakit ganoon? Parang kinikilig ako sa ginawa niya?

Please Vote and Comment ..thank you!

   

      

  

   

My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon