Naglalakad ako papuntang last subject namin ng may biglang humila sa kamay ko papunta sa isang vacant classroom. Hindi ko kasi kasama 'yong tatlo dahil kinausap pa ko ng dean regarding my scholarship kaya nauna na sila.
"Justine, anong kailangan mo, may klase pa ko" Direktang tanong ko ng makapasok kami sa loob .
"I already excused you in your subject" Gaano ba ka importante ang sasabihin niya at inexcuse pa ko, daig pa ang may ari ng school kung makapag-asta.
"Ano ba kasi ang sasabihin mo, pwede namang mamaya na lang pag-uwi" I saw him smirk ng marinig ang sinabi ko.
"Pag-uwi? It seems that your always busy when we're at home, iniiwasan mo ba ko?" Bakit parang iba ang dating sa'kin ng pagkakasabi niya ng 'at home'.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, hindi pa ba obvious?
"Sige dideretsuhin na kita. Oo iniiwasan kita! Eh bakit ba kasi kailangan ako pa ang mag pretend na girlfriend mo eh marami namang mas maganda dyan!" Tiningnan niya lang ako ng seryoso at humakbang malapit sakin.
*urong
*lapit
*urong
*lapit
*urong
*lapit
Hahakbang pa sana ako pero isang matigas na bagay ang tumama sa likod ko.
Hindi ako nakagalaw ng ilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.
"Because I know that you'll never fall in love with me" Bulong niya sa tenga ko. I felt this strange feeling again, gusto kong kumontra sa sinabi niya but I don't have the strenght to do so.
Maybe I like him already, na realize ko lang 'yon nang makita silang nag-uusap ng ex niya. She's lucky na mahalin ng isang Justine but she just waste it.
"Okay payag na'ko .....but in one condition... " Alam kong mali ang naging desisyon kong ito pero gusto ko lang namang naramdaman ang maging girlfriend niya. I want to feel how to be loved by him even if it is fake.
Siguradong uulan ng salitang tanga at desperada kapag nalaman to ng mga kaibigan ko.
"Anong kondisyon?" Sabi niya habang nakapamulsang nagpalakad lakad sa harap ko.
"We're going to end this fake relationship after 2 months" Bigla siyang napatigil.
"3 months, give me 3 months" Pangongontra niya.
"1 1/2" Tiningnan niya ko ng masama pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"4" Siya.
"1 month" Ako.
"Dammit! Fine 2 months!"
"Okay then" I offer my hand for a shakehands pero di niya tinanggap, hmp -____- pahiya ako dun ah!
Nagulat ako ng inilang hakbang niya ang pagitan namin at mabilis na dinampian ng halik ang labi ko.
He sealed it with a kiss!
*blush
Parang baliwala lang sa kanya 'yong ginawa niya habang ako tulala pa rin at nakahawak sa labi ko.
"Let's go" Walang pasabing hinila na naman niya yung kamay ko palabas ng room. Bakit ba ang hilig manghila ng isang to.
"Justine bitiwan mo nga 'ko ang daming nakatingin oh" Tukoy ko sa ibang estudyanteng nakatingin sa'min lalo na sa kamay naming magkahawak.
"Don't mind them" Parang madadapa na ko sa laki na mga habang niya.
"Sandali! Saan ba kasi tayo pupunta? Dahan-dahan naman kasi sa paglakad nakakahilo na eh!" Sigaw ko sa kanya kaya tumigil siya pero di pa rin binibitawan ang kamay ko.
"Ang bagal mo kasi " Nagulat ako ng bigla na lang niya kong binuhat sa balikat niya.
"Waaaah ibaba mo ko! Ano ba Justine nakakahiya!" Pinagsusuntok ko 'yong likod niya pero binaliwala niya lang ito.
Ang mas nakakahiya pa is skirt 'yong gamit ko kaya baka nasisilipan na ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang lalaylayan nun para di tumaas. Tumahimik na lang ako dahil mukhang wala namang silbi kong magsisigaw pa ko.
Ilang sandali pa ay napansin kong sa gym kami papunta. Nang makapasok kami sa loob ay mga kateammates niya kaagad ang bumungad sa'min, syempre baliktad 'yong pagkakatingin ko dahil di niya pa rin ako binababa.
"Captain! Ano naman ang ginawa mo kay Zowie!?" Narinig kong sigaw ni Khervy.
"200 push-up De la Cruz!" Sigaw niya kay Khervy habang dahan-dahan akong binaba sa bleacher.
"Biro lang brad" Pacute niyang sabi
"300" Putol ni Justine sa sasabihin niya.
"An*k n---"
Hindi niya na tuloy ang sasabihin niya ng tingnan siya ng masama ni Justine. Tumawa lang ang iba nila ng kasama pati ako napatawa na rin, hayy kawawang Khervy!
Maya-maya nakita kong kinuha niya ang jersey niya sa bag niya. Akala ko aalis siya pero nagulat ako ng sa harap ko mismo siya naghubad!
Ako------> >____>
Siya-----> ^_____^
"Ui SPG yan Justine!" Sigaw ni Yvo at sinabayan nilang lahat ng malakas na tawa.
Hindi ko talaga alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Sobrang nag-iinit ang pisngi ko dahil pakiramdam ko sakin siya naka tingin.
"I want my girlfriend to witness how good I am in playing basketball" Sabi niya ng matapos siyang magbihis. He winked at me at tumakbo papuntang court. Tsk ang yabang talaga!
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Maid (On-Hold)
Teen FictionJustine Keiv has everything in life,the money,looks,brain and all the girls he want to be with everynight. Eh paano na lang kung isang araw ay may isang katulong na papasok sa buhay niya. Hindi lang isang simpleng katulong dahil ito ang babaeng sob...