ZOWIE'S POV
Maaga akong nagising kaya nagluto na kaagad ako, mamaya ko na lang siguro titignan si Justine, siguradong tulog pa 'yon.
Tiningnan ko ang ref kung ano ang pweding lutuin pero konti na lang pala ang laman nito. Pupunta na lang siguro ako ng grocery store mamaya.
Nang maihanda ko na ang mesa ay naisipan kung puntahan si Justine. Pagkabukas ko sa pinto ng kwarto niya ay tuloy-tuloy akong pumasok, nagulat naman ako ng mabangga ako sa isang matigas ng bagay.
"Awwwwwww" Sabi ko sabay hipo sa noo ko. Hindi ko alam na nakatayo din pala siya sa harap ng pinto kaya sapol ang mukha ko sa dibdib niya.
"Tsk-______-" So hindi man lang siya magsosorry.
"Uhm okay na ba pakiramdam mo Justine?" Tanong ko na lang habang dumidistansya sa kanya.
"Yeah, thanks to you" Mukhang nahiya pa siya kasi hindi siya makatingin ng deretso sa'kin.
"Wala 'yon, nga pala Justine konti na lang 'yong laman ng ref, pupunta muna akong grocery store, nakapagluto naman na ko ng breakfast mo" Sana pumayag siya may bibilhin din kasi akong mga personal na gamit.
"Okay, but I will go with you" Neke nemen ba't kailangan pa niyang sumama.
"No okay lang, baka di ka pa masyadong magaling at bumalik pa yang lagnat mo" Pagdadahilan ko sa kanya.
"No, I insist" Ano pang magagawa ko =_= siya amo eh.
"Sige, magbibihis lang ako" Sabi ko at mabilis na lumabas ng kwarto niya.
Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong naghanap ng masusuot. Maong shorts at loose hello kitty T-shirt lang 'yong sinuot ko, malapit lang naman yung grocery store dito kaya di ko na kailangang magpabongga ng damit.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay lumabas na ko, nadatnan ko si Justine na naghihintay sa sala, katulad ko simple lang din ng suot niya pero bakit ang sama ng tingin niya sa'kin?
"Magpalit ka!" Huh? O.O may mali ba sa suot ko?
"Bakit? Panget bah?" Tanong ko sa kanya, eh mukhang okay naman to ah!
"No, Basta magpalit ka!"
Wala na 'kong nagawa kundi sumunod sa utos ng mahal hari! Bumalik ako sa kwarto at naghanap ulit ng damit.
Nakita ko 'yong paborito kong skirt kaya 'yon na lang ang kinuha, naghanap na lang ako ng damit na pwedeng ipares dun. At nang sa tingin ko mukhang mas maayos na 'yong porma ko ay lumabas na 'ko.
"Tara na Justine!" Aya ko sakanya ng makalapit na 'ko.
"Sh*t inuubos mo ba ang pasensya ko Zowie! Pinagbihis kita kasi ang iksi iksi ng short mo tapos ngayon nag palda ka naman!" Nagulat ako sa sinabi niya. Kailan pa siya nagka pake sa sinusuot ako?
"Uhm Di mo naman sinabi eh" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magkasalubong ang mga mata namin. Kaya bago pa ko matunaw sa titig niya ay dali dali akong tumalikod at bumalik para magbihis.
For the 3rd time, sinigurado ko talagang wala ng masasabi si Justine sa suot ko.
Mukha namang okay na sakanya kaya matiwasay kaming nakarating sa parking lot.
Habang nagmamaneho si Justine ay bigla kong naalala 'yong kagabi.
"What's funny?" Hindi ko namamalalayang ngumingiti na pala ako.
"Wala naalala ko lang 'yong kagabi, nagsasalita ka kasi habang tulog" Mukaha naman siyang kinabahan.
"What the! anong sinabi ko?" Actually mukhang wala naman siyang nasabi, kung saan kasi yung pinaka importanteng part, dun pa siya tumigil.
"Sabi mo gusto mo daw ako!" Biro ko sa kanya, natigilan naman siya seryosong tumingin sa'kin. Halos hindi maipinta 'yong mukha niya sa kaba.
"Hahaha Joke lang noh ! Syempre di mangyayari 'yon. Don't worry di mo nasabi 'yong pangalan ng babae!" Ewan pero parang nalungkot ako bigla ng isiping may gustong babae si Justine.
Nagpatuloy siya pagmaneho at makalipas ang ilang minuto ay tumigil din kami sa harap ng isang grocery store.
Magkasabay kaming lumabas ng kotse pero nauna na siyang naglakad papasok sa loob.
Kumuha siya ng malaking cart at ako naman ay sunod lang ng sunod sa kanya.
"Justine ako na!" Kahiya naman kasi sa kanya, ako 'yong katulong pero siya itong nagpapakahirap sa cart.
"Ako na, sa liit mong yan" Ako maliit? Hindi kaya! Sexy lang talaga 'ko. Hinayaan ko na lang siya at ako yung naglalagay ng mga bibilhin namin sa cart. Napatigil ako sa pamimili ng marinig kong nag-uusa yung dalawang mommy.
"Naku mare! Iba na talaga ang kabataan ngayon, maagang nag-aasawa!" Mommy 1.
"Ay ganyan din kame ng asawa ko noong kabataan namin, halos ayaw naming mawalay sa isa't isa, kaya tuloy maagang nakabuo hahaha" Mommy 2.
"Siguradong ang gaganda ng mga anak niyan, gwapo at maganda, bagay na bagay sila" Mommy 1.
Napatingin ako kay Justine na nasa likuran ko lang pala. Alam kung narinig din niya 'yon, at alam naming kami 'yong pinag-uusapan nung dalawa.
Hindi ako makatagal ng titig sa kanya kasi...
Ang AWKWARD -____________- Napag kamalan pa kaming mag-asawa!
Nagpatuloy kami sa pag libot-libot nang bigla kong maalalang kailangan ko palang bumili ng tampon, eh kaso nalampasan ko na, saktong nasa harapan lang ni Justine!
"Justine pakikuha nga ko ng isang pack nang tampon" Kumunot naman yung noo niya sa sinabi ko.
"Where?" Nasa harapan lang niya, di pa makita!
"Nasa harap mo lang kaya!" Sabi ko sa kanya.
"I know, I mean saan dito? Yung may pakpak?"
"Pfffftt Hahaha" Di ko mapigilang mapatawa ng malakas kay Justine, mukhang hiyang-hiya siya lalo nung may babaeng tumabi sa kanya.
"Hey! Why are you laughing" Naiinis na tanong niya.
"Wala Hahah. 'Yong walang pakpak ang kunin mo." Mabilis naman siyang kumuha ng isa at lumapit sa'kin.
A/N: Kindly vote and comment :* Enjoy reading (:
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Maid (On-Hold)
Teen FictionJustine Keiv has everything in life,the money,looks,brain and all the girls he want to be with everynight. Eh paano na lang kung isang araw ay may isang katulong na papasok sa buhay niya. Hindi lang isang simpleng katulong dahil ito ang babaeng sob...