ZOWIE'S POV
Bigla akong napamulat ng maalalang first day of class pala ngayon. Nawala naman ang antok na nararadaman ko ng makitang 7 am na! Lagot di ako nakapagluto ng almusal ni Justine!
Mabilis akong naligo at nagbihis. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko si Justine na nakatayo sa labas ng pinto. Nahiya naman ako bigla sa itsura ko, magulo pa 'yong buhok ko at may nakasabit pang suklay.
"Sorry di na ko nakapagluto, nalate kasi ako ng gising. Gusto mo ipagluto na lang kita ngayon at hahatid ko na lang sayo mamaya?" Nahihiyang sabi ko, shemay!
"Wag na, doon na lang ako kakain" Sagot niya habang nilalaro sa daliri niya 'yong susi ng kotse.
"Sigurado ka? Okay lang namang malate ako, 1st day of class pa lang naman!" Nagsimula na kong suklayin ang buhok ko pero juiceko ang hirap.
"Tsk -____- ang kulit mo, tara na nga" Sabi niya at pagkatapos ay tinalikuran ako.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking lot. Sumukay siya sa kotse niya habang ako naman ay dumeretso sa mga naka abang na taxi.
"What are you doing?" Nagulat ako ng magsalita siya sa likod ko.
"Mag-tataxi na lang ako, nagtext kasi si Chary na di nila ko madadaanan, medyo malayo na kasi" Totoo naman 'yong sinabi ko and syempre ayokong sumabay sa kanya, baka makita pa ko ng mga babae niya sa school at ako mapag-initan.
"What I mean is, bakit diyan ka sasakay? anong silbi ng paghihintay ko sayo kanina" Napatigil ako sa sinabi niya, kaya pala doon siya nakatayo sa labas ng kwarto ko kasi hinihintay niya 'ko.
"Ano kasi Justine may dadaanan pa ko kaya mau---" Hindi pa ko tapos sa sasabihin ko ng bigla hawakan niya ang kamay ko hinila papunta sa kotse niya.
Eto na naman ang abnormal kung puso, biglang bumibilis ang tibok na parang ewan. Grabe ang lambot ng kamay niya, gusto ko sanang bawiin ang kamay ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakawak.
"Ako ang amo dito kaya sumunod ka sa ayaw at sa gusto mo" Sabi niya ng makalapit na kami sa kotse niya.
"Okay, uhmm Justine 'yong kamay ko" Agad naman niyang binitawan ang kamay ko ng mapansing hawak hawak niya pa rin ito. Sumakay siya ng kotse kaya sumunod na rin ako.
Ng nakaupo na ko ay sinabihan niya kong mag seatbelt. Ilang beses na kong sumakay dito pero ngayon niya lang akong sinabihang magseatbelt at kapag minalas ka nga naman ayaw mahila or should I say di ako marunong?
"Ako na" Sabi niya ng mahalatang nahihirapan ako.
Di ko ma pigilang titigan ang sobrang lapit niyang mukha, ang tangos talaga ng ilong at ang pula ng labi halatang di nag yoyosi.
Habang busy ako kakatitig sa kanya ay di ko inaasahang tumingin din siya kaya nagtagpo yung mata namin.
*dub dub dub dub
"Salamat" Iniwas ko agad ang tingin ko at umayos ng upo. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sakin, ang alam ko lang di normal ang tibok ng puso ko kapag si Justine ang kasama ko.
Naisipan kong mag-ayos muna ng sarili ko habang nasa byahe. Hinanap ko sa bag ang suklay at salamin, sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok na kulot pa rin yung dulo pati na rin yung bangs kung malapit ng tumakip sa mata ko. Narinig kong may sinasabi si Justine pero di ko na pinansin.
Makalipas ng ilang minuto ay nakarating din kami sa School, medyo malapit lang din pala.
Nakababa na si Justine pero ako parang ayaw matanggal ng pwet ko sa upuan, ewan ko pero kinakabahan ako. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago tuluyang lumabas, nakita ko si Justine na nakatayo malapit sa gate na parang hinihintay ako.
Magkasabay kaming pumasok at ramdam na ramdam ko ang mg ngbabagang tingin ng mga kababaihang nadadaanan namin.
"Oh who is she? Ang lakas ng loob niyang sumama kay Justine" Chismosa 1
Kay aga aga nag kalat na ang mga Chismosa Grrrr, binulong pa niya sa kasama niya eh dinig na dinig ko naman!
"Maybe his new girl, remember break na sila ni Emanuelle" Chismosa 2
"Kung ganyan din lang ang pinagpalit niya kay Emanuelle masasabi kung mas maganda pa ata ang paa ko sa kanya" Chismosa 1
"Hahahahaha" Chismosa 1/ Chismosa 2
Tumigil ako sa paglakad at huminga ng malalim, sarap e stapler ng mga bunganga nila! Kung hindi lang ako bago sa School na to kinalbo ko na silang dalawa. Mas maganda pa daw ang paa niya? Pwee !
"Hey don't mind them" Isa pa tong si Justine kung hindi na sana sumabay sakin, edi sana hindi ako ang topic of the day ng dalawang 'yon.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at hindi naka ligtas sa pandinig ko ang mga bulong bulungan ng mga kababaihan. Shemay ! Di ko alam na ganito ka sikat si Justine .
"Zowieeeeee" Hinanap ko kung saan galing 'yong boses at nakita ko ang tatlong BESTFRIEND kong kasama ang barkada ni Justine. Wow lang close na agad sila?
Lumapit ako sa kanila at ganoon din naman si Justine.
"Naku bakit late kayong dalawa?" Nanunuksong tanong ni Chary, pero pareho naming hindi pinansin 'yon.
"Tara na sa first subject natin" Aya ko sa kanilang tatlo, nababadtrip pa rin ako kaya gusto ko munang dumistansya kay Justine.
"Wala tayong prof. Zowie kaya huwag mo nang isipin 'yon" Nemen oh!
"Samahan niyo na lang ako sa Canteen" Sabi ko ulit, pero tiningnan lang ako ng tatlo.
"Captain anong ginawa mo kay Zowie ba't parang badtrip yan" Tanong ni Khervy. Hindi ko alam na may pagkachismoso din tong isang to.
"Oo nga Justine, anong ginawa mo sa Zowie namin hah?" Panggagatong ni Chary, hay sakit nila sa bangs!
"Hmp dyan na nga kayo" Sabi ko at tinalikuran sila. First day of class ko pa lang sira na. Ano pa kaya ang 2nd, 3rd....
Di pa ko tuluyang nakalayo ay narinig kong tinawag nila akong tatlo.
"Ui Zowie sandali sama kami!" Jhoane/Jhoanna/Chary
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Maid (On-Hold)
Teen FictionJustine Keiv has everything in life,the money,looks,brain and all the girls he want to be with everynight. Eh paano na lang kung isang araw ay may isang katulong na papasok sa buhay niya. Hindi lang isang simpleng katulong dahil ito ang babaeng sob...