CHAPTER XXII

2.9K 83 39
                                    

"Pstt Uii Zowie! Kanina ka pa tulala ah, ilang katol ba ang tinira mo" Nagulat ako ng biglang hampasin ni Jhoanna ang balikat ko. Kanina pa kasi ako tahimik, iniisip ko pa rin kung bakit hindi namamansin si Justine kanina.

"Sus namiss mo siguro ang baby Justine mo no?" Singit ni Chary na nagbabasa ng libro. Si Jhoane naman nakahiga sa lap ni Jhoanna habang nag C-COC. Sa aming tatlo siya lang ang naglalaro niyan, hindi kasi kami marunong.

Mamaya pa kasi 'yong next subject namin kaya naisipan naming tumambay sa ilalim ng puno malapit sa garden. Actually dito kami palaging tumatambay , konti lang kasi ang estudyanteng pumupunta at tahimik.

"Of course not! Bakit ko naman mamimiss 'yon. " Nakangusong sagot ko.

"Huwag mo nang edeny, kita sa mata mo oh. At alam mo Zowie may naririnig ako..." Napatingin kaming tatlo kay Chary.

"Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang puso mo, sigaw ng sigaw sabi.. JUSTINE....JUSTINE....JUSTINE !!... Uy tama ako noh!" Kinikilig na sabi niya habang sinusundot ang tagiliran. Sus akala kung ano na.

"Ang corny mo talaga, paano ko mamimiss ang lalaking 'yon eh kanina ko lang siya nakita" Kunwaring naiinis na sabi ko.

"Talaga? Kaya pala late ka kanina. Naku inuna mo talaga siya kaysa sa project mong muntik nang hindi mapasa!" Nakapamewang na litanya ni Chary. Paano ko siya uunahin eh hindi nga ako pinansin ng unggoy na 'yon.

"So bakit daw hindi siya nakauwi kagabi" Sunod na tanong ni Jhoane. Sa totoo lang kanina ko pa gustong umiyak sa pag-iisip tapos dadagdag pa silang tatlo.


"Ewan" Simpleng sagot ko.


"Akala ko ba nagkita kayo? Bakit hindi mo tinanong?" Si Jhoane ulit.


"Hindi niya ko pinansin" Nakayukong sagot ko. Uminit bgla 'yong mata ko kaya bago pa may tumulong luha ay pasimple ko na itong pinahiran. Naiinis talaga 'ko tuwing naalala 'yong nangyari kanina, umasa pa naman akong kakausapin niya ko.

"Oh My Gosh! Diba magkasama kayo ni Luke kanina, tapos...tapos suot mo 'yong damit...Oh My Zowie hindi kaya....." Nagulat ako sa lakas ng boses ni Chary. Tumayo pa siya at tumalon talon sa harap namin. Anong connect ni Luke dito?

"Hindi kaya ano?" Naguguluhang tanong ko, hilig kasing mambitin.

Nakita kong nagkatinginan silang tatlo at makahulugang ngumiti. Okay OP ako.

My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon